Minsan may mga bagay talaga na nasa iyo na mawawala pa. Kahit anong pilit nating pagaalaga kung hindi talaga para sa atin wag ng pilitin, masasaktan ka lang at masusugatan. Hayaan mo na lang si kapalaran ang gumawa ng paraan, malay mo yun pa ang mag...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kirra Imagen, 17 years old
PROLOGUE
"Kirra!!! Congratulations we won again!!!"
"I told ya! Wala lang kayong tiwala sa'kin."
"Kelan mo ba tatanggalin yang pagsusuot mo ng eye glasses girl? Hello uso na po ang contact lens!"
"Kaya hindi yan nagkakaboyfriend eh!"
"Excuse me! Ayoko lang magboyfriend dahil hindi pa ako tapos magaral!! Isa pa ang mahal ng contact lens dito sa probinsya. Itong salamin ko pinaglumaan lang 'to ni nanay no. Dyan na nga kayo!"
They are my friends – Kaia, Mireya and Remi. Magkakaibigan kami since high school at iisa ang pinasukan namin ngayong college. I'm the most popular girl here in school despite of my nerdy look. Cheer leader lang naman ako slash president of our department slash volunteer worker. Dito kasi sa probinsya dapat meron kang ibubuga. Hindi mahalaga kung anong itsura mo. Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko dito dahil masaya na ako sa lahat. Sobrang perfect na ng life ko until one day –
"Mas maganda ang buhay dun anak." Sabi ng magaling kong nanay na inilalagay sa box lahat ng mga gamit namin.
"Eh di kayo na nga lang po ang tumira sa city. Maganda na ang buhay ko dito nay. I have friends, popularity, the squad, the eyes of everyone!" Inilalabas ko naman sa box lahat ng inayos nya.
"Pero anak wala kang kasama dito." At ibinabalik nya ulit sa box ang mga inilabas ko.
"Nay, hindi na po ako bata okay? Malaki na ako and I can take care of myself. Kayo na lang po ni tatay ang pumunta ng city tapos padalhan nyo na lang po ako ng pera dito." Inalis ko ang mga gamit ko sa box.
Lumapit si nanay sa'kin. "Anak kasi may problema tayo." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya.
"Oh no nay! Don't tell me magkakaanak pa kayo! Seriously! Parang hindi nyo na kaya!" sagot ko sa kanya at binatukan naman nya ako.
"Puro ka kalokohan!" Huminga sya ng malalim. "Kasi anak, naibenta na namin ng tatay mo 'tong bahay natin." At gumuho na ang lahat ng pangarap ko sa buhay. Hindi na ako makakilos. "May sakit kasi ang tatay mo at kailangan syang dalhin sa city kaya sana maintindihan mo."
At doon nagsimula ang kalbaryo ko. Syempre may sakit ang tatay ko di ba? Sino ba namang anak ang makakatiis na papadalhan ka ng pera ng mga magulang mo habang sila ay nangangailangan din ng pera. Perfect! Sobrang perfect!