Chapter7: What If

4.7K 41 0
                                    

Its Saturday Morning its time to leave the house. Grabe parang ayaw kong magpaalam kay mama..pwede bang tatakas na lang ako tapos pag nasa dorm na ako don na lang magpapaalam. Kasi magdra drama nanaman yun..at panigurado mahihirapan nanaman akong umalis ng bahay.

Binaba ko na yung mga gamit ko at sinakay sa kotse.

"Ma, alis na ho ako" sabi ko kay mama.

As expected, hindi pa man ako umaalis. Lumuluha na ang mother ko.

"Ma,wag niyo naman akong iyakan." sabi ko tapos pinunasan ko yung luha niya

"Eh anak, hindi ako sanay na wala ka dito sa bahay." sabi niya habang umiiyak

"Ma sa Katipunan lang naman ako eh..diba ito yung gusto niyo para sa akin..ang maging isang atleta" sabi ko

"Mag-iingat ka don anak ha, wag kang magpapagod." sabi niya

"Ma, walang atletang hindi napapagod" sabi ko

"Alam ko anak, pero wag naman yung sobra sobra" sabi niya

"Opo, tatandaan ko yung bilin niyo" sagot ko naman

At baka hindi na ako makaalis sa sobrang drama ng nanay ko. Umalis na ako at dumeritso na sa dorm.

*DORM*

Pagdating ko sa Dorm nandon na silang lahat si Fille na lang yung wala.

"Hello guyz" sabi ko sa kanila

"Oy, ang tagal mo ah" sabi ni Dzi

"Ah..yung nanay ko kasi ayaw akong paalisin eh" sabi ko naman.

"Eh di dapat sinama mo na" sabi ni Dzi

"Luhhh.." sabi ko

"Oy Gretch, nasan si Fille" tanong ni Jem

"Huh?..ewan ko..bakit ako tinatanong niyo" sabi ko

"Baka nasa puso mo,pakikalkal nga saglit" pang aasar niyang sagot

"Ayieehhh" hiyaw naman nung mga teammates ko..-__-

At habang nag aasaran kami sa dorm dumating na pala si Fille.

"Hi!!..Im Here!!" sigaw niya

"Hello ninja..antagal ah?" sabi ni Jem

"Namiss niyo ba ako" tanong niya

"Hindi..pero si Greta ata..oo!" singit ni Ella

"ayiiiehhh" sigaw naman nila

"Ako nanaman ang trip niyo ah!" sabi ko naman

Habang biglang dumating coach

"Hi girls!!" bati niya samin

"Hi coach!!" bati naman namin

"Ok..kada room my 4 beds, kayo na pumili kong sino ka rooms niyo" sabi ni coach

"Ako, Jem, Fille and Gretch..what do you think?" sabi ni Dzi

"Bet ko Yan!" sabi naman ni Fille

"Ako rin!" sabi naman ni Jem

"Eh ikaw Greta?" tanong ni Dzi..

"Ah..sige..ok lang" sagot ko naman

Matapos mag assign ng mga roommates nagkayayaang lumabas at mamasyal.

*PARK*

Umupo kaming lahat sa damuhan, para kaming nag pipicnic ng walang kagamit gamit.

"Tara bili tayong pagkain" yaya ni Alyssa

"Tara!" sagot naman ni Bea

Kaya ayun si Aly, Denden, Ella, Bea, Amy at A yung umalis para bumili ng pagkain

Kaya kami lang ni Dzi, Jem At Fille ang naiwan..

Tapos biglang napasama si Fille na nagCR daw..sinamahan naman siya ni Jem..

"Oy!" sigaw sakin ni Dzi

"Bakit" tanong ko naman.

"Yung tanong ko kahapon hindi mo pa sinasagot" sabi niya. Tapos bigla akong napaisip kong ano ba yung tanong niya kahapon.

"Anu yun?" tanong ko naman.

"Sabi ko sayo kahapon..umamin ka nga" sabi niya..tapos doon ko lang naalala yung tanong niya kahapon..oo nga pala pinapaamin niya ako.

"Anong aaminin ko" tanong ko naman

"Umamin ka..may gusto ka kay Fille noh?!" tanong niya..sobra ko naman kinagulat yung tanong

"Ano!!" sagot ko naman

"Sige...Denial ka pa ha!" sabi niya

"Ako..may gusto kay Fille..Grabe naman ah" sabi ko naman..

Tapos binatukan niya ako..

"Sakin kapa magsisinungaling?!" sabi niya

"Wala..nga!!" sabi ko naman

Tapos tumawa lang siya. 

Ako naman napaisip sa mga tanong niya..What if kung gusto ko nga siya..What if kung mafall ako sa kanya..What if dumating na sa point na Mahal ko na siya..HO MAE DZI! -___-









Short Update 

#OUCH

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon