Chapter24: Why?

4.4K 53 7
                                    

*KINAUMAGAHAN*

Paggising ko wala na si Fille sa tabi ko..may lakad nanaman siguro sila ni Mika..pero may nakita ako letter sa tabi ko kaya binasa ko

*LETTER*

"-GOODMORNING GRETCH...SORRY KONG HINDI AKO NAKAPAG PAALAM SAYO AH. MAY LAKAD KASI KAMI NI MIKA EH..SORRY KUNG HINDI NA TAYO NAKAKAPAGBONDING TOGETHER HA..PERO PROMISE BABAWI AKO. I MISS YOU SO SO MUCH NA:(("

-FILLE<3

--

Doon na nag end yung letter niya. Pero ang sakit isipin na kahit gaano kayo ka sweet sa isa't isa hanggang kaibigan lang talaga.:(

Bumaba na ako dala yung mga gamit ko. Kunti lang yung mga iniwan kong damit dito sa dorm..hindi na ako babalik eh..hehe..joke..

Pagbaba ko nakita ko na sila nasa sala..hindi maipinta ang mga mukha.

Nilapag ko yung varsity bag ko. At hinarap ko sila.

"Bat ganyan yung mga mukha niyo?" tanong ko

"Alangan naman na matuwa kami diba." sabi ni Ella.

"3 weeks lang toh..ano ba kayo" sabi ko

"E mukang sa dala mong gamit..mukang hindi kana babalik eh" sabi ni Bea

"Pwede bang hindi ako bumalik?" sabi ko

Tapos tumayo si Dzi at inakbayan ako.

"Basta ha, dont you never ever forget na we are always here for you" sabi niya.

Tapos tumayo rin si Jem at inakbayan rin ako.

"Oo nga..just 1 call or text away" sabi niya.

Tapos tumayo silang lahat

"And the whole team are ready to back you up!" sabay sabay nilang sabi.

"Awww..ang sweet niyo talaga..I'm so blessed to be part of this family ang Im so thankful that I was surrounded by peoples like you guyzz..thank you so much guyz..I owe you a lot..mahal na mahal ko kayo..alam niyo yan" sabi ko

"Group Hug!!" sigaw nila

Nakapa swerte ko talaga dahil napapalibotan ako ng mga taong katulad nila..

"We will miss you Greta!" sabi nila

"I will miss you more guyz..text text na lang ha.." sabi ko

"Sige..bye..ingat ka ha" sabi nila

"Opo.." sabi ko

"Greta..babalik ka ha" pahabol na sabi ni Jem.

"Opo!" sabi ko naman

Pagkatapos kong magpaalam sa kanila. Umalis na ako..umuwi muna ako sa bahay para makapag isip isip.

Hindi ko sinabi kay mommy yung tunay na dahilan. For sure mag aalala nanaman yun.

--

FILLE POV

Hayy..super pagod ang day na toh..katatapos lang naming mamasyal kasama si Mika..paguwi ko sa dorm..silang lahat nakaupo at hindi maipinta ang mga mukha..napansin ko ring wala si Greta.

"Hi guyz" sabi ko

"Hi ninja" sabi ni Dzi

"Anyare dito?'' sabi nila.

"Naglulukasa kami!" sabi ni Ella tapos pumasok sa kwarto niya

"Luhh..anyare ba?" sabi ko tapos umupo ako don sa sofa kung saan nakaupo sina Dzi at Jem.

Walang sumasagot sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Dzi, si Gretch?" tanong ko

"Hindi ko alam" sabi ni Dzi

"Huh?..Jem si Gretch" sabi ko kay Jem.

"Hindi ko alam" sagot niya

"Ha!..bakit hindi niyo alam diba kayo naman yung lagi niyang kasama diba?!" galit kong sagot

Biglang lumabas si Ella sa kwarto niya.

"Ikaw ba alam mo kung nasan siya..hindi diba..kasi lagi mong kasama yung Mika na yun. Hindi mo alam kung anong mga nangyayari dito kasi lagi kang wala..lagi kang may lakad. Tapos ngayon na umalis si Ate Gretch..saka mo siya hahanapin. E pag nandito siya..parang hindi mo na siya kilala..Sorry ate Fille ha dahil sinasagot kita ngayon..pero kasi..simula nung naging kayo na ni Mika..nagbago kana!!" sabi ni Ella sakin tapos pumasok ulit siya sa kwarto niya kasama sina Alyssa, Denden, Amy, Bea, at Tasha.

Inaawat naman siya nina Alyssa at Denden. Ngayon niya lang ako sinagot ng ganito. Naiwan kami nina Dzi at Jem sa sala.

"Jem, Dzi..anong nangyayari?!" tanong ko

"Pagpasensyahan mo na si Ella..naaawa lang siya kay Gretch kaya ganyan yun" sabi ni Dzi

"Nasan ba si Gretch?!" tanong ko

Nagtinginan silang dalawa.

"Jem, Dzi..nasan siya?!" sabi ko

"Umuwi muna siya sa kanila Fille" sabi ni Jem

"Ha?!..bakit?" sabi ko

"She needs a break Fille..bogbog na bogbog na siya" sabi ni Jem tapos umakyat na siya sa kwarto niya

"Fille..binigyan ng 3 weeks na vacation si Gretch..may dinadala siyang mabigat na problema eh" sabi ni Dzi.

"Ha?!..bakit hindi niya sinabi sa akin?!" tanong ko

"Fille..nasan kaba kanina..kasama mo si Mika diba..Fille pano malalaman na may problema si Gretch kung lagi kang wala dito" sabi ni Dzi

Oo nga pala..hindi ko na alam kung kailan yung last kaming kumain at lumabas dalawa..feeling ko nasasaktan ko na siya.

"Akyat kana..magpahinga kana" sabi ni Dzi tapos umakyat na kaming dalawa.

Madrama tong part na toh..hehe.. 

#ROCHII

She's The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon