1: Angel no more!

112 5 0
                                    


"Mommy! Mommy! Saan ba talaga tayo pupunta?" makulit na tanong ng isang bata sa kaniyang ina na tila ay kanina pa naiinip sa loob ng sasakyan.

"Kapag sinabi ni mommy hindi na yun matatawag na surprise baby." sagot naman ng babae na may matamis na ngiti sa labi.

"Okay. I understand mommy."

"Be patient baby, mommy and daddy will bring you to a place that makes our baby more happy." biglang saad naman ng lalaki na siyang nag mamaneho and that formed a smile on their daughter's small face.

"Really daddy? Yepey! I can't wait to see it!" sa sobrang excite ng bata ay bigla netong niyakap ang kaniyang mga magulang.

"Roberto! May bata!" Sigaw ng ina habang nasa harapan ng kotse ang tingin. "Arghh!" daing lamang ng tatay ang huling narinig ng bata nang biglang gumulong ang sinasakyan nila.

"Mommy! Daddy!" sigaw niya nang medyo mahimasmasan sa pagkakahilo.

"Are you okay baby?" agarang tanong ng tatay sa kaniyang munting anak. May mga dugo na sa kaniyang ulo at dahil dun ay di na napigilan pa ng bata ang humagulgol at mas lalo pa itong nagulat ng makita ang kaniyang ina na duguan at walang malay.

"Opo dad but si Mommy!" sigaw neto sabay turo sa direksyon ng kaniyang ina.

"Myrna! Gising hon! Gising!" pagyugyog ng lalaki sa katawan ng kaniyang asawa ngunit ni konting response ay wala.

"What happened dad? Is mommy okay?" hindi umimik ang tatay kaya tinignan ito ng bata, nakita niya ang gulat na ekspresyon sa mga mukha ng kaniyang ama. Sinundan niya ng tingin kung saan din nakatingin ang kaniyang ama and she saw smokes na nagmumula mismo sa kotse nila.

"Amy? My baby Angel? Listen to daddy, okay?" She knew na may maling mangyayari and she don't want them to die. Not now.

"No Daddy! Please! We will survive!" pagkukumbinsi niya ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay may humila sa kaniya mula sa nabasag na window at akay-akay siya palayo sa kotse.

Gusto niyang makatakas sa taong akay-akay siya ngunit masyado itong malakas, tuloy pa rin sa pag agos ang kaniyang mga luha hanggang sa nangyari ang sitwasyon na ayaw niyang mangyari.

Sumabog ang kotse.

"DADDY! MOMMY!"

"DADDY! MOMMY!"

(KRIIIIIIIIIIIING!)

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Laking pasasalamat ko sa bagay nato' kasi siya mismo ang pumupukaw sa akin mula sa bangungot ng nakaraan. Dalawang taon na ang nakalipas ngunit sariwang sariwa pa rin sa aking alaala ang nangyari. Nababalutan nang kadiliman ang apat na sulok ng aking kwarto at gigising na naman ako upang makatanggap ng pang-aapi, pagsisisi, kalungkutan, hinagpis at takot.

"Good Morning Tita Rica." pagbati ko sa aking tiyahin.

"Mabuti at gising ka na. Mag luto ka na dun, bilis!" utos niya na may galit sa boses.

Walang anu't ano ay sinunod ko ito. Dito na rin pala ako tumira sa bahay ni Tita Rica, nakakabatang kapatid ni Daddy. Hindi ko rin naman kaya tumira sa malaki naming bahay kahit na may katulong at hindi rin ako pwedeng tumira dun kapag walang guardian na kasama and since si tita Rica nalang ang nag-iisang kamag-anak ko dito ay sa kaniya na ako ipinagkatiwala.

Hindi ko maitatanggi ang sama nang loob sa akin ni Tita Rica at ang anak nitong si Fiana. Mabait naman ang turing nila sa akin noon, noon na buhay pa ang aking mga magulang. Ang sakit man isipin ngunit kailangan kong tanggapin. Sabi nga nang mga magulang ko na kung ano at saan man ako ngayon, lahat ay may rason basta manalig lamang sa Diyos.

She was an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon