3: I've done enough

54 5 0
                                    

Agad-agad akong pumasok sa aming bahay este bahay ng aking tita, walang bati o mano man lang. Disrespectful?  Well, she deserves it. Napadaan ako sa kanyang harapan ngunit hindi ko pa rin siya pinapansin  at dahil sa maldita rin ang magaling kong tita ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay nang napakahigpit.

Hindi ko pinapakita sa kanya na nasasaktan ako or should I say, immune na ako sa mga pananakit niya sa akin.

"What do you want TITA?" tanong ko sa kaniya sabay taas ng aking kanang kilay.

"I can't believe na nagagawa mo yan sa akin!. Balita ko rin na nagmamaldita ka na rin sa school niyo ah! Pati nga si Fiana ay inaaway mo na rin! Ano ba Angel?!"

Nairita ako sa mga sinabi niya at ano daw? Angel?. Nahihibang na ba siya?. Tita ko ba talaga to? Bakit hindi niya alam kung ano ang tunay kong pangalan?!. Tss. Naiirita na tuloy ako sa pangalang angel.

"Believe it or not, I don't care. Himala naman ata tita at nakikibalita ka na sa buhay ko ngayon? Si Fiana? Inaaway ko?. As far as I remember kayong mag-ina ang gumagawa non sa akin! Di ko alam kung bakit niyo to ginagawa sa akin, puro naman kabutihan ang pinapakita namin sa inyo! Pasalamat ka pa nga na kung hindi dahil sa mga magulang ko ay nasa lansangan pa rin kayo nakatira hanggang ngayon!" and she caught off guard.

Bigla kong inalis ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak at tinungo na aking kwarto. Napaka walang kwenta dahil nakaramdam ako ng mainit na likido sa aking mga pisngi. Naiiyak ako sa mga ala-alang kasama ko pa ang aking mga magulang. Ala-alang kayganda nang araw ngunit ngayon ay nababalutan ng kadiliman.

Alam ko na mali ang aking kinikilos ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili at humihingi ako nang paumanhin sa kanila dahil ito lamang ang tanging paraan upang makatakas ako sa mapanghusgang mundo, paraan kung saan kaya kong lumaban at wag magpapa-alipin!.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Nanay Erma. Siya ang namamahala sa aming bahay ngayon, ayaw ko na dito. Walang anu't ano ay sinagot niya naman ito.

[Oh Amy?! Napatawag ka?.] Tanging si Nay Erma lamang ang tumatawag sa akin ng aking tunay na pangalan. Nami-miss ko na siya.

[Nay Erma?. Kumusta na po kayo?. Namiss ko na po kayo nang sobra.]

[Okay lang naman ako iha. Itong batang talaga to, ang sweet hindi ka pa rin nagbabago. Namiss rin kaya kita] hay! Kung alam mo lang Nay Erma.

[Ayaw ko na po dito Nay Erma. Gusto ko na pong bumalik diyan.]

[Paano ba yan eh diba wala ka namang guardian dito?. Hindi pwede yun. Minor de edad ka pa lang iha.]

[Ako na ang bahala Nay Erma. Ayusin niyo na lang ho yung mga gamit ko diyan. Sige po, bye] Buo na ang desisyon ko. Aalis na ako sa malaimpyernong bahay na to!


********


Pumunta ako sa isang ahensiya kung saan sila din ang nagdala sa akin kay tita pero ng ikwento ko ang walang awang pag aalipusta nila sa akin para maka-alis sa bahay na yun, hindi sila pumayag.

"Bakit ayaw niyong makinig sa pinagsasabi ko?!" naiinis kong tanong sa kaniya. Bwesit!

"Dahil wala akong nakikita na mali at isa pa mas mabuti na may guardian ka." sabi nito ngunit nasa harap nang computer ang tingin. Tangna! Nanginginig na ako sa galit dito tapos patingin tingin lang siya sa computer niya?! C'mon! F**k You Po!

"Walang nakikitang mali?! Wala naman talaga kasi hindi naman kayo bumibisita! Ni makinig nga lang sa litanya ko, mahirap gawin?! At isa pa ano ang masasabi mo sa mga pasang to kung wala talagang mali na nangyayari?!" Sigaw ko sabay pakita ko sa aking braso na puro pasa mula sa pananakit nang mag-ina sa akin ngunit hindi lamang ako kinibo nito at panay hawak na naman neto sa kaniyang cellphone. Sa sobrang inis ko ay hinawakan ko sa kwelyo ang lalaking bastos nato.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She was an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon