2: Hello Amy!

67 5 0
                                    


Taas noo akong pumasok sa Grande Academy. Hindi na ako katulad nang dati. Hindi ko na binabati yung mga estudyanteng nakakasalubong ko at ni ngiti ay hindi ko sila binigyan nito. Bakit?. Because they don't deserve it and I don't fuc*ing care anymore. Maldita? Ito ang gusto nila at dapat lang nila itong tanggapin.

Akala nang lahat ay biro lang yung binitawan kong salita kahapon but they're wrong and I will show to them that they deserve this kind of treatment. Ayaw ko nang tinatapak-tapakan lang ang aking pagkatao at wala silang karapatan gawin yun!

Habang feel na feel ko ang aking paglalakad ay may nakabangga sa akin. Isa siyang nerd pero ang sama nang tingin. Tinaas niya pa ang kilay niya na kasing kapal ng bermuda grass. Tss. Feeling maldita?. Sorry for her pero nasa harap na niya ang mas maldita, hindi lang sa Grande Academy kundi rin ay sa buong mundo.

"Why are you looking like that nerd? Are you mad?. Akala ko matatalino ang mga nerd pero bakit ang bobo mo?! Ikaw na nga yung bumangga sa akin, ikaw pa may balak mag maldita?! C'mon! Apat na nga yang mata mo hindi ka pa nakakakita nang maayos! Tsk! Lampa!"

Nagulat siya sa inasal ko pero hindi na ako nagtaka dahil inaasahan ko ang mga ganung reaksyon. Kawawa naman sila.

"A-aba't sumasagot sagot ka na ngayon ah!" Nag tatakang sigaw niya sabay turo ng kanyang daliri.

"Kung maka turo te WAGAS?. Ang pangit nang daliri mo kaya alisin mo kung ayaw mong putulin ko yan!"

Sigaw ko sa kanya na nanlilisik ang mata. Sh*t! Ang diri nang daliri niya nakakasuka. Maka pasok na nga at nang matapos na agad tong lecheng buhay na to!

Pag pasok ko ay lahat ng tingin nasa akin. Kung dati hiya ang nararamdaman ko pero ngayon naiinis ako. Mga bwesit!.

"Stop staring at me STUPIDENTS!"

Halata man ang pagkabigla ngunit mas pinili nila akong sundin. Marunong rin pala sila sumunod eh, kung ginawa lang sana nila yan dati edi sana hindi nila kaharap tong babaeng binago nila. Haay!

Nag daan ang mga oras at ni isa sa kanila ay walang nagtangkang gumalaw sa akin. Mabuti naman kung ganun dahil kung meron man ay hindi talaga ako papatalo. Napaka leche nila.

Focus na focus ako sa pakikinig sa aming guro at nang mag lunch na ay napagdisesyunan ko munang magtungo ng cr pero ng pagbalik ko sa aking upuan ay napakaraming pagkain na may mga card saying their sorry. Tumingin ako sa paligid at sa tingin ko ay pinapakiramdaman nila ako.

Hindi ko namalayan na naluha ako sa kanilang ginawa pero parang may lumabas na kung ano sa aking puso at bigla akong nainis sa aking nakita. Ang plastic nang mga tingin nila, bakit ba sila ganun? Bakit ang hilig nilang manakit nang tao? Mga bwes*t! Pinunasan ko ang aking luhaang mata at isa-isang tinapon ang mga yun sa basurahan.

"Bakit mo tinapon?! Hindi mo ba alam na ang mahal nang bili namin dyan?! Langya ka talaga!" And she slapped me. I didn't see it coming but I think this one too. I slapped her back.

I hear gasp on the crowd pero wala akong pake. Labanan ang gusto nila? Pwes! Laban na to mga bes!

"Mas masakit ba yung sampal ko sayo?. Kawawa ka naman. Tips lang ha, kung sasampal ka lang naman sana lakas-lakasan mo para may thrill. Gusto mo isa pa para mas alam mo yung technique nang sampalan?" I started to raise my hand and ready to slap her again but she covered her face with her hands. Nakakatawa.

Lumabas ako ng room at kasalukuyan akong lumalakad sa hallway papuntang garden nang may humawak sa magkabila kong kamay.

"Leo! Hawak na namin siya!" saad nang lalaking mukhang matsing dun sa isa pang lalaki.

She was an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon