Chapter 1: Khulet and Kin

5 0 0
                                    

Trixie's POV

"Bilisan mo na diyan, Trixie. Malelate na tayo" sigaw ni Kuya Travis mula sa baba

"Oo. Wait lang" sigaw ko rin

Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. I'm wearing our school uniform. Kinuha ko yung bag ko sa study table ko at bumaba na nga.

Nakita ko si Kuya Travis na nakaupong naghihintay. Lumapit ako at kinulbit siya.

"Tara na Kuya" aya ko

"Hindi ka na ba kakain?" tanong niya

"Hindi na. Tsaka malelate na tayo"  sabi ko at nagsmile ^_^

"Ok. Tara na" sabi niya at lumabas na

Sinundan ko siya at sumakay ng kotse. Hindi niyo pa nga pala kami kilala. Sige magpapakilala na ako sa inyo.

I'm Trixie Janella Sandoval. 15 years old. Fourth year highschool at Dream High Academy. I have one brother. He is Travis Jake Sandoval. 2nd year college. I am half korean and half filipino. My mom is a korean and my dad is a filipino. My mom is a fashion designer while my father is the CEO of our company.

Biglang tinigil ni Kuya ang kotse at may sumakay na napakagwapong lalaki(pwe).

"Hi Kin^_^"  bati ko

"Hi din Khulet ^_^" bati  ng bestfriend ko

Siya si Justine Kyle Perez. Ang nag iisa kong bestfriend. We're bestfriends since when we are Kinder. Nagkakilala kami dahil pinagtanggol niya ako sa mga nang aaway sa akin.

Sige ikwekwento ko sa inyo yung pangyayaring yun.

*flashback*

Recess nun. Kinuha ko yung lunchbox ko at nagpunta ng canteen. Nakayuko akong naglalakad dahil nahihiya ako. Wala kasi akong kaibigan noon. Atsaka hindi ako yung tipong friendly na tao.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko namalayan na may nabunggo pala ako. At ang malala pa yung dalawang babae na maaarte. Lagi nila akong binubully. Nabuksan yung lunchbox ko at natapon kay Denise.

"Oh my gosh! Anong ginawa mo sa damit ko?" Maarteng sabi niya

"Sorry di ko sinasadya" sabi ko habang pinupunasan yung damit niya

"Wag mo nga akong hawakan. Ang dumi dumi ng kamay mo eh" sabi ni Denise

"Walang sorry sorry. Babawi kami sayo" sabi ni Claire at binuhusan ako ng softdrinks na dala nila

Ang lamig!!!

Hindi pa sila tumigil at binuhos sa akin yung spaghetti. Nakatingin lang                     yung mga estudyante sa amin. Buti na lang may dumating na isang lalaki.

"Tama na yan" sigaw niya kaya napatigil yung dalawa sa ginagawa nila sa akin. Sinasabunutan kasi nila ako.

"Bakit niyo ba siya nisasaktan?" Galit nitong tanong sa dalawa

"Tinapunan niya kasi yung damit ko" sabi ni Denise

"Sinasadya niya ba yun? Diba hindi naman. Wala kayong kaRapatan na saktan si Trixie" sabi nung lalaki

"Arrgh!" Sabi nalang nina Denise at Claire then nagwalk out sila

Naglean naman yung lalaki sa akin. Bale magkatapat lang kami.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya

"O-oo. Okay lang ako" nauutal kong sabi

"Sumama ka sa akin" sabi niya at hinigit ako

Supposed To Be The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon