She meets her family, until...

238 2 0
                                    

The next day, Maya woke up around 9am. She thought of going to her cousin's house in the afternoon. Kaya tinawagan nya si Kute kahit kakabangon lang nito. But when she was about to call her, she received a text message.

Richard: "Give thanks to Him for a new day to face. Smile, you're as beautiful as the morning."

Maya: (kinikilig na ng husto at nagreply) "Thank you po, Father. Ingat lagi."

"Naku Maya, nakakarami ka na agad ng kilig galing kay Father pogi ha. Take note, kahapon lang kayo nagkakilala," she said to herself.

"Teka, text ko na nga si Kute na punta ako sa kanila. Miss ko na sila."

She went inside the bathroom to freshen up. Pagkatapos nun, inayos nya ang kanyang mga gamit at pasalubong para sa kanyang 1 week stay sa bahay ng kanyang pinsan at nagtungo sa restaurant ng hotel para mag-agahan. Nagpapara sya ng taxi pagkatapos at nagtungo na sa bahay nina Kute na medyo malapit lang sa simbahan. Pagdating sa tapat ng bahay nina Kute...

Maya: (she said to herself) Wow! Ang laki na ng kanilang chibugan ah. At mas marami na din ang nakatira malapit sa kanila. (nakita ang mga customers) Mas dumadaming customers na ah! Dami na ngang pinagbago nung nawala ako...

Kute: (natanaw agad ang isang pamilyar na babae mula sa chibugan) MAYAAAAAA!

Maya: (nagulat at lumingon sa may chibugan; nakilala agad nya ang boses) KUTEEEEEEEE!

They ran towards each other and they hugged tight.

Kute: (released from the hug first) Grabe Maya! Parang di na kita nakilala! Ang ganda mo na talaga!

Maya: (nahiya) Uy, hindi naman. Binola mo pa ako...

Kute: Pwera biro! Ang ganda mo na talaga! Siguro marami ka na ring mga lugar na pinuntahan ano?

Maya: Hahaha! Oo naman! Ang saya mag-adventure!

Kute: (napansin ang mga gamit) Ang dami mo namang dala! Dapat andyan ang pasalubong ha!

Maya: Oo naman! Iakyat na muna natin ito sa taas. Dun na din tayo mag-usap.

Kute: O sige, sige. Magpapatulong lang ako kay—

Maya: Naku wag na. Tayo na lang mag-aakyat ng mga ito. Baka maabala ko pa sina pards? (sabay ngisi)

Kute: (napansin ang ngisi ni Maya at napakunot ng noo) Oy bakit ganyan ang mga ngiti mo?

Maya: Kayo na ba, after all these years na nawala ako? (pangasar)

Kute: Hoyyy Maya! Tumigil ka na nga dyan!

Maya: Wahahahaha! Sige na titigil na ako. Tara iakyat na natin mga 'to.

Cho: (running towards them) Nay!

Maya and Kute: Chooooo!

Cho: Hello, magandang tita!

Kute: Asus nambola ka pa sa tita mo para makahingi pasalubong!

Cho: Eh nay, totoo namang maganda si tita Maya e!

Maya: Uy, salamat Cho ha! Tumutulong ka na ba kina nanay mo?

Cho: Opo tita. Wala na man din akong pasok kaya naisip kong tumulong na lang kina nanay at papa pards.

Maya: Naks naman! Mamaya may pasalubong ka.

Cho: Talaga po? Yeheyyy! Sige tita tulungan ko na po kayo ni nanay!

Inakyat na nila ang mga gamit ni Maya at dinala sa maging kwarto nito. Ilang sandali lang, may naririnig na silang ingay mula sa baba.

Maya: Ay, anong ingay yun?

Cho: Nay! Tita! Baka si Father Richard na un tsaka mga kasama nya!

Maya: HA?!

Kute: O, Maya? Bakit parang gulat na gulat ka?

Maya: A..ehhh....

Cho: Tita nakita mo na po ba sya?

Maya: Ahm...hi—hindi pa naman, Cho. (pero ang lakas-lakas na ng kabog ng kanyang dibdib; she mumbled to herself) Ano ba 'to? Narinig ko lang pangalan nya, ganito na agad nararamdaman ko!

Kute: Huyyy Maya! (sabay tulak)

Maya: Ayyyyy! Ano baaaaaa!

Kute: Ang weird mo bigla ha! Ano ba nangyayari sa'yo?

Maya: Na—naku wala naman, Kute. Teka, ano ginagawa nya dito?

Kute: May feeding program sila Father dito sa atin banda tapos kami magsponsor sa mga luto.

Maya: Ehh... Hanggang kelan ba?

Kute: Mga isang linggo din yun. Mga alas tres, meryenda sa mga bata tapos bukas hanggang Sabado, lunch naman.

Maya: Gusto mo, tulungan ko na kayo—

Kute: Naku wag naaaa!

A voice from downstairs was heard. It was her business partner and Cho's father, Jeff. "Cris! Andito na si Father!"

Kute: Sige paakyatin mo na lang. Salamat pards!

In a while umakyat na si Richard.

Maya and Richard said in unison.

"Maya?"

"Father?"

Parehas pa silang nagulat nang makita ang isa't isa.

Their Forbidden Love | #JoChard @ WP 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon