Prologue

44 3 2
                                    

👑👑

Love at first sight? Dati hindi ako naniniwala jan, pero ngayon? Totoo nga.

Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako muling mabibighani o maiinlab pa. Pero ano to? Bakit ganito?

Am I inlove or I'm just confused? Hindi ako pwedeng tamaan ulit. Hindi. Hindi. No.

Bawal! Mali! Mali tong nararamdaman ko.

👑👑

"Oy, Yong lalakeng matangkad na'yun. Feeling ko may gusto sayo." Sabi ni Selena sakin, Childhood friend ko.

Nag plastik smile naman ako na para bang sinasabi ko "Pake ko jan?"

"Oh! Yiiee. Ikaw ha." Rinig kong asar ni Selena dun sa lalake..

"Hala. Nakatingin padin siya oh." dagdag niya.

Na-curious naman ako kaya tinignan ko na yong lalake na di kalayuan sa amin pero sa hindi inaasahan...

Nakatingin din pala siya tapos nakangite pa. Abno.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Hala? Iba to ah!

Ang weird lang.

Hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa Chapel. Youth kasi mga tropa ko. Wala eh, Mababait daw. At saka, pinagpupulong sila. Emergency Meeting kumbaga.

Nasa pinakaharap kami umupo and Syempre, na-op ako kasi ako lang ang hindi member dun pero nakikinig ako.

"Oy Mia, Kanina pa yong lalakeng matangkad na yun. Tingin ng tingin sayo." Bulong naman sakin ulit ni Selena.

"Diba si Tris yun?" Pagtatanong ni Selena kay Angeline at sabay turo dun sa may likuran namin.

Nasa gitna ako ni Selena at Angeline nakaupo.

"Oo, Tristan James." Sabat naman ni Joshua na isa din sa tropa namin.

Nasalikuran naman si Joshua nakaupo.

Binalik nalang namin yong tenga namin sa nagsasalita. Tamang-tama, Ilang araw nalang eh. Christmas na. Kaya naghahanda ang Youth nila para sa isang presentasyon para sa buong Village.

Umabot din ng isang oras ang meeting nila. Nahiya ako bigla kasi saling baboy lang naman ako.

Nilibot ko naman ang paningin ko, Kaya napasulyap ako dun sa Tris? Yong lalakeng sobrang tangkad. Oo, kay tangkad talaga.

Nagmumukha siyang poste. Tyaka kahoy.


"Mia!!" Laking gulat ko naman ng may tumawag sakin dun banda sa may dulo. Si Angeline lang pala.

Tumatakbo siya papalapit sakin. Kanina pa kasi ako lumabas ng Chapel eh. Mejo nahiya't nainip nadin kakaantay sa kanila kaya nauna na ako dito sa labas.

"Oh? Bakit Anj?" Sabay taas ko sa isang kilay ko.

"Tinatanong ni Tristan pangalan mo." Pagpapaliwanag niya habang hingal na hingal pa.

Tinignan ko naman yong tristan. Kasama niya lahat ng member ng youth bukod kay Anj.

Nakuha naman niya ang atensyon ko ng tumawa siya..

gwapo.

"Ah?" Ang tanging nasabi ko at saka ngumiti ng tipid.

👑👑

and then the story of us starts..

|| The Story Maker ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon