Chapter I ; Christmas Eve

30 2 0
                                    

Mia's POV

Flashback;

1 week lang ako dito sa Pampanga. Dito kasi ako lumaki dati and at the same time, one of my favourite place para pag kuhaan ng inspirasyon sa pag gawa ng storya.

It's been two days since I last saw that Tall guy. Who's been in my mind also the whole time. Bigla-bigla nalang siyang napasok sa isip ko.

Pakiramdam ko tuloy, Lumulutang nanaman ako.

Naka-high nanaman itsura ko.

"Mia?"

"Mia!"

"Hi Mia?" Si Joshua pala.

"Oy?" Ang tipid kong bati.

"Ano plano mamaya? Lutang ata tayo." Saka siya tumawa.

"Ewan ko nga eh. Kahit ano" Hindi ko din alam anong gagawin hanggang mamaya.

Umupo nalang siya sa tabi ko habang inaantay namin si Angeline.

Si angeline ang pinaka-close ko dito sa Village namin since we we're little.

Asan kaya siya? Wait..What did I just.. Nanlaki bigla ang mata ko..

"Anj, meeting daw ng youth mamaya."

Paglingon ko, OMG. Si tristan!

Hala!? Did he just?! Oh no. Oo, ngumite siya saakin. Tsk! No Mia, No, No.

Kinalma ko ulit sarili ko, para walang makahalata na? may? crush ako? agad agad?! Oo, agad-agad.

Ilang minuto nadin ang nakalipas ng makaalis si tristan. Buti di' siya nagtagal.

Baka nanginig ako sa KILIG kong nag tagal pa siya e.

"Mia? Anong oras ka ba uuwi?" tanong ni Angeline saakin.

"5pm or 5:30." Di ko kasi sure kong anong oras ako susunduin ni Mommy e.

"Ahw! Wala na, Ang KJ." Sabay nilang sabi ni Josh.

Di ko naman napigilang tumawa. Kasi ang cute nila. HAHAHA!

"Ano bayan Mia, Christmas naman e." Malungkot na sabi ni Joshua.

"Oo nga naman Mia." Pag a-agree naman ni Angeline.

"Sige, magpapalam ako." Sabi ko.

Pero feeling ko papayagan din ako kasi ang alam ko aalis sila Mommy. Panigurado, di nga sila nag handa. So ibig sabihin makikikain lang sila. Wala nadin kasi siyang oras para mag handa pa e. Busy sa work. Hmm..

Si dad naman nasa Manila. Sa New year pa naman ako susunduin ni Daddy e. Kaya sure akong papayagan.

"Oy Mia? May party pa naman mamaya, kaya dapat andito ka talaga." dagdag ni Angeline.

|| The Story Maker ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon