Mia's POV
Kasalukuyang nasa kwarto ako. Eto, nakahiga at sabog padin.
Hindi ko padin kasi makalimutan ang mga pangyayare.
Ang bilis talaga ng oras kapag masaya ka at sobrang bagal naman kapag malungkot ka.
Hay buhay parang life. *sigh
Flashback ;
12:30 am.
"Samahan niyo ko, Pupuntahan ko si Gwen." pagyayaya ni Vince sa amin.
Si Gwen, yong Girlfriend ni Vince.
"Loyal at Mahal na Mahal ko yun si Gwen. Promise Forever kami." Naalala ko nanaman yong sinabi ni Vince kanina.
'fo.re.ver.daw kasi sila.' Parang ang hirap naman ata paniwalaan ang salitang Forever. Malabo atang magkaganun eh? Sa panahon kasi ngayon, Endangered na ang mga totoo at loyal e.
"Walang Forever Vince!" sigaw ni Claire.
Bitter nanaman si Claire, paano ba naman ang ganda ng regalo ng Ex niya sakanya? Christmas na Christmas tapos nakipagbreak. Ang saya diba? "Break na tayo ha?" Wow. Ang daling sabihin. Buti talaga at nakapagpigil ako kanina, kung hindi. Namudmud ko na sa putek yong lalakeng nanakit sa Tropa ko.
Mukha naman siyang Manok! Ang lakas manakit. Leche.
Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa paglalakad. Kesa mabadtrip ako ng tuluyan.
"Oy, San kayo? Sama ako." sa di kalayuang banggit ni Tristan.
Matutuwa't kikiligin ba ako or ano? Yie.
Hindi sumama si Angeline saamin, kasi inaayos niya pa yong Music Box.
Kaya Lima lang kami. Napansin ko namang papalapit si Tristan.
Ano nanaman to! Pag ako nag explode dito ha. Bahala kayo!!
"Merry Christmas nga pala." ang swabe ng boses niya.
Ngumite lang ako, Ewan ko bakit di ako makapagsalita. Nakakatigas. HAHAHA!
Chill Mia, Chill. Inhale-exhale.
"Taga saan ka ba?"
"Oy?" kita niyang ayaw kong magsalita eh.
"Ah. Taga Manila talaga ako." sagot ko.
Oh? Bat nagsalita Mia? Huhuq
"Ang layo naman pala." Oo nga eh. Malayo sayo. Ay. Malayo na lugar.
Patuloy padin kaming naglalakad. Sa kabilang village kasi yun eh.
May kalayuan din..
Eto nanaman yong bridge na dadaanan namin. Tsk, alam ng takot ako sa heights eh. Huhuq. Pano na ko!
"Akin na kamay mo." iniaabot ni Tristan kamay niya sakin? Ay, Oo! Hoy wag kang tulala jan babae.
Lumayo ka thoughts ko. Huhuq. Alis!
Humawak nalang din ako sakanya. Baka atakihin ako bigla-bigla. At least, bago ako mamatay nahawakan ko kamay ni Tristan.