Mia's POV
Paano ko ba sisimulan?
Nandito ako sa cottage habang nakanguso. Nagyaya kasi ang Tropa na mag Beach. Dito sa Surigao. Wala eh, galang bata.
Wala din namang pake sakin mga magulang ko, minsan nga natatanong ko nalang sa sarili ko. May magulang nga ba talaga ako? Kasi kong meron man, bakit hindi ko ramdam.
"Hoy babae! Makisali ka kaya saamin. Ang KJ mo kamo." Putek, ginulat naman ako netong kabayong to! Mali, si sab pala.
"Ayos na yan, mag eenjoy naman kayo with or without me. Kaya Go. Mwa!" Sagot ko kay Sabrina.
"ANG EMO MO KAMO!" Sabay tapik niya sa likod ko.
So, ano na Mia. Paano na ang kwento. Back at my thoughts.
Ewan ko ba, nung una naman nagkainspirasyon na ako.
Bigla akong nangalay, kaya naisipan kong maglagay ng duyan sa may magkatapat na buko.
May kalayuan sa cottage at hindi na buhangin ang natatapakan kundi damo na. Matatanaw mo din ang dagat and syempre ang sunrise.
Narealize ko namang.. hindi pala ako marunong mag tali netong duyan sa may puno. Mabigat na chain kasi ang tali neto.
Haluh paano na ako. *sob
Hindi nga pala ako marunong..
Nakatayo ako dito habang hawak-hawak ang duyang kay laki.
Dumaan ang ilang minuto...
heto, nakatayo padin ako dito.
"Mia? Akin na, ako na magtatali para sayo." Kilala ko yong boses na yun.
Hindi ako nagkakamaling si.. Lilingunin ko na "Akin na tulungan na kita."
Omfg, ang hot ni tristan! What the. Hinila niya yung duyan. Hoy! Mia! Gumalaw ka. Mastroke ka. Mia!! Focus! Ano ba!
Hindi ako makagalaw.
"Oy? Okay kalang?! Hello- inalis ko yong kamay niyang inihaharap niya saakin para ipahinto ako sa pagtutulala kong to.
Naka-white t-shirt siya. Naka-shades, summer short, naka-jansport at nakasabit mula sa leeg niya ang Camera niya.
Ano ba mia. Focus. Galit ka sakanya diba? Hindi! Galit! Oo. Ay hindi. Isa Mia!
Ang hot. Ay este, mainit yong ano.. ah.. panahon.. pala.
"Tignan mo, tapos na oh." Banggit ni Tristan sabay sa pag hawak niya sa balikat ko upang ipaharap ako sa duyan.