Play nyo yung song buong chapter for more better reading. Para tagos sa feels, lol. #BigBangFetus HAHAHA.
Warning: Sabaw chapter ahead~ Please do not discriminate HAHAHA.
Sophia's POV
To: Ethan Coco
Kita tayo mamaya sa park ah? Around 5 pm. May sasabihin ako.
Napabuntong hininga ako habang tinetext si Coen. Ang hirap pala ng ganito.
"Oy." Napalingon ako at nakita ko si Kuya Patrick na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.
"Problema mo?"
"Sure kana ba sa desisyon mo?" Napatigil ako sa sinabi nya. Alam nya? "Kwinento ni Troy sa akin. Ano na? Sure kana talaga?"
Napatakip nalang ako sa mukha ko habang pinipigilang tumulo yung luha ko. "Sure na ako pero ang sakit." Bulong ko at tumulo na nga yung luha ko.
Let me suffer more dahil sa gagawin ko kay Coen mamaya. Please let me suffer more dahil kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Naramdaman kong may yumakap sa akin. "Okay lang yan. Babantayan ko nalang si Coen." Napatango nalang ako at umiyak sa tabi ni kuya.
Ang hirap naman nito eh.
>>>>>>>>>>>>>>
"Kuya, alis na ako." Tumango lang sya kaya lumabas na ako ng bahay. Inayos ko yung sarili ko at bumuntong hininga.
Nilabas ko yung cellphone ko at tinext si Troy.
To: Troy sungit
Hoooy, papunta na akong park.
Nanlaki yung mata ko at nagsimula ng manginig yung kamay ko nung nagtext si Coen.
From: Ethan Coco~
Dito na ako. Ingat ka ah? I love you Sophia ko. Excited na ako hahahaha nakakabakla
Pinigilan kong tumulo yung luha ko kaya inangat ko nalang yung mukha ko at tinago na yung phone ko.
Nagsimulang manginig yung buong katawan ko nung makita ko si Coen na nakangiti habang tinitignan yung phone nya. Nagipon muna ako ng lakas ng loob bago lumapit sa kanya.
"Hi." Nakangiting sabi ko.
"Sophia!" Niyakap nya kaagad ako at bumulong ng namiss kita. Wala na, tumulo na yung luha ko. "Miss na miss na kita."
"A-ako--" Napatigil ako sa pagsalita nung may humigit sa akin at tinulak si Coen, dahilan para mapaupo sya sa sahig. Gusto ko man syang tulungan pero wala akong nagawa. Eto yung plano eh.
"Ano bang problema mong gago ka? Sabi nang tigilan mo si Sophia diba!" Sigaw ni Coen at pilit akong kinukuha kay Troy pero hinarang ako ni Troy.
Andoon lang ako, pinapanood si Coen na makipagaway kay Troy, na makipagsuntukan sya dahil lang sa akin. Andoon lang ako, umiiyak. Andoon lang ako, pinapanood na mahirapan sya.
BINABASA MO ANG
day by day // daragon
Fanfiction"once upon a time, we were together. once upon a time, we broke up. once upon a time, i was so stupid. once upon a time, my world fell apart. once upon a time, i just wanted to die. day by day, i regret all the things i didn't gave you. i regret not...