2

39 1 1
                                    

badwords ahead lol

Ash's POV

"Booo!!! Talo kana, men! Suko na!" Natatawang sigaw ko sa kapatid ko habang naglalaro kami ng ps69. Napatigil ako sa pangaasar ko sa kanya nung nagtext si Troy.

From: Boss Troy

Sunduin mo si Coen sa park baka mabaliw yung gago. Dalian mo.

Napakunot yung noo ko. Ano nanamang problema nila? Tumakbo ako kaagad palabas ng bahay namin at dumiretso sa park. Nagpigil ako ng tawa nung makita ko yung gagong nakasabit sa swing at naglalaro magisa. Nabaliw na nga amputa.

Vinideohan ko muna sya bago ako makalapit. Hahahahaha! Ayos, isesend ko 'to kila Alexis.

Nilapitan ko sya. Pero nagulat ako nung habang tumatawa sya magisa ay may tumutulong luha sa mata nya. Baliw na nga. Buti nalang walang tao dito masyado.

Umupo ako sa tabi nya.

"Hahahahaha! Anong ginagawa mo dito? Iwan mo na din ako! Hahhahahaha!" Ganyan yung sinasabi nya.

"Gago, baliw kana. Umuwi ka na nga!" Sigaw ko sa kanya. Tinext ko na si Alexis para sunduin nya kami dito. Mahirap na, wala sa katinuan si Ethan, baka marape pa nya ako.

"Hindi ako uuwi." Matigas na sabi nya. "Hihintayin kong bumalik si Sophia. Babalik daw kasi sya sabi nya sa akin dati."

Nagbreak na ba sila?

Hala, put—kaya pala eh.

"Sabi nya kapag aalis daw sya, at iiwan ako, wag daw akong magalala kasi babalik sya lagi. Hinding hindi nya ako iiwan." Nakangiting sabi nya kahit na puro luha na sya. Ayos din to, hindi man lang nauuhog. "Babalik pa yun si Sophia. Alam ko yun. Kaya hihintayin ko sya dito kahit na mamatay ako dito. Kasi alam kong babalik sya."

Napakagago naman nito. Naiiyak ako sa speech nya.

"Oo, babalik yun kaya umuwi ka muna at hintayin mo nalang sya bukas dito." Sabat ko pa pero tinignan nya lang ako ng masama. Hayop na to, sya na nga tinutulungan.

"Hihintayin ko nga sya dito."

"Tara sa convenience store." Sabi ko sa kanya. "Bili tayong beer. Tara?"

"Pero si Sophia---"

"Nasa convenience store sya. Tara na." Hinila ko sya patayo sa swing at pumuntang convenience store. Bumili ako ng isang dosenang beer in can at umupo kaming dalawa sa labas ng store. "Ayan laklakin mo." Sabi ko sa kanya.

Nagbukas rin ako ng akin at uminom. Nakakaisa palang ako, nakadalawa na sya. Edi wow. Broken hearted kasi amputs.

"Sabi nya mas mahal daw nya si Troy kesa sa akin. Hahahahahaha! Abnormal talaga si Sophia. Ako lang kaya ang mahal nya." Lumagok nanaman sya ng isang bote. "Putangina mo Troy, bat mo inagaw si Sophia."

"Kingina mo wag kang maingay." Sigaw ko sa kanya. Binato nya ako ng bote. Gago, ang sakit non! Pasalamat nga sya at nilibre ko sya.

"Ikaw isa pa! Bat di mo pinigilan si Sophia? Close kayo diba? Bat di mo ginawa?" Sigaw nya habang tumatawa.

"Di mo lang alam, Ethan." Bulong ko.

"Ganun na ba ako kasama? Para saktan nalang ng ganito kadali. Akala ba nila manhid ako? Tao rin ako." Napatakip sya sa mukha nya nung tumulo na ulit yung luha nya. Ayan kasi, drama pa tsong. "Nasasaktan din ako."

Binato ko din sya ng bote. "Hindi mo na ikina-cool yan tsong. Tama na." Awat ko sa kanya pero sabi sya ng sabi ng 'masakit Sophia balik kana please.' Hanggang sa dumating yung isang gagong kanina ko pa tinext.

"Anyare dyan?" Sabi nya.

"Nabaliw na ang gago." Sabi ko. Tinulak ko sa kanya si Ethan. "Buhatin mo. Dun tayo sa bahay namin ngayon. Di pwedeng umuwi yan ng ganyan sa bahay nila." Utos ko kay Alexis.

"Eh itong mga beer? Gago tsong. Sayang to. Apat pa oh. Share natin yung isa sa kapatid mo." Tinanguan ko sya.

"Sige sige." Natatawang sabi ko at kinuha yung tirang beer. "Tara na." Sabi ko sa kanya at binuhat nya si Ethan.

"Mahal na mahal kita Sophia. Wag ka ng umalis."

"Kingina ang korni naman nito!" Sigaw ni Alexis kaya tinawanan ko lang sya.

___________________

Alexis Joseph- Daesung

Alexis Joseph- Daesung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ashford- Seungri

Ashford- Seungri

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
day by day // daragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon