Patrick's POVFrom: Chupol #3
Dito kami sa bahay ni Ashboy. Tulog parin yung son in law mo tsong.
To: Chupol #3
Gago. Baka brother in law.
From: Chupol #3
Pareho lang yun.
Pabobo talaga tong si Alexis. Tinago ko nalang yung cellphone ko at tumingin sa paligid ko. Si Mama, iyak ng iyak. Si Papa, nakatungo lang. Si Troy na gago naman, nakaupo lang tas nakatulala. Ako lang talaga normal sa aming apat.
Pero kahit na normal ako, hindi ko parin maiwasang kabahan kay Sophia. Sinugod sya kaagad ni Top sa hospital pagtapos nyang makipagbreak kay Ethan. Naistress nanaman utak nya.
Napatayo kaming lahat nung lumabas yung doktor.
"Okay na po ba si Sophia?"
"Kamusta ang anak ko?"
"Si Sophia?"
"Yung kapatid ko po?"
"She's fine now. Nahirapan lang syang habulin yung hininga nya kanina dahil sa sobrang iyak. Tama ba ako?" Tumingin sya kay Troy at tumango naman si Troy. "Buti nalang at naidala sya kaagad dito. Hindi pwede ang sobra sa anak nyo."
"Yes doc."
"Sige mauuna na ako." Umalis na yung doktor at pumasok na rin kami sa loob. Ngumiti sa amin si Sophia. Niyakap naman sya agad ni mama.
"Jusko anak."
Sumunod din si papa at naggroup hug sila.
"Oy." Tawag ko sa kanya. "Sa susunod, wag mong sobrahan yang emotions mo. Ikamamatay mo yan." Diretsong sabi ko. Sumimangot lang si Sophia at tumango.
"I'm sorry." Sabi nya.
"I'm glad you're fine now, please help yourself anak. Mauuna na muna kami ng mama mo pauwi, sumunod nalang kayo." Sabi ni papa at umalis na sila ni mama. Sus, magdedate lang sila.
"Ingatan mo sarili mo." Sabi ni Troy kay Sophia at ginulo nya buhok nya. Tapos binigyan nya pa ng inhaler. Naks, gara nitong gagong to.
"Salamat dito. Pero sa tingin ko, wala namang kwenta—"
"Meron yan, tulungan mo ang sarili mo makabangon, Sophia. Walang mangyayari kung ganyan ka. Wag mong wawalain yan." Sabat ko. "Lalabas lang kami ni Troy, dito ka lang ah?" Hinila ko na agad palabas si Troy.
"Bakit?"
"Alagaan mo kapatid ko. Wag mo syang papabayaan." Sabi ko sa kanya kaya napakunot noo nya. "Kay Ethan ako, mas kailangan ako nun, kaya mo naman na si Sophia diba? Mas mabuti kung kayong dalawa ang magtulungan. Uuwi pa rin naman ako, ichecheck ko sya from time to time pero alam ko namang ikaw yung makakatulong ng malaki sa kanya."
"Bobo mas kailangan ka ng kapatid mo!"
Ash's POV
"Aray gago!" Sigaw ko. Sipain ba naman ako ni Ethan.
"Aahh! Sakit ng ulo ko! Teka— anong ginagawa ko dito?" Sigaw nya sa amin. "Wag nyong sabihing.." Nanlaki yung mata nya at tinakpan yung katawan nya.
Ngumisi kaming dalawa ni Alexis at kinindatan sya. Sumipol sipol pa si Alexis. Gago talaga, hahahaha.
"Mga chupol! Ibalik nyo ang virginity ko!" Sigaw nya at pinagsisipa kaming dalawa. Tawang tawa naman kami ni Alexis sa kanya. "Mga gago!"
"Sorry fa. Hindi na kasi namin napigilan." Malungkot na sabi ko.
"Oo nga fafa. Sarap mo eh hihi." Sabat ni Alexis. Tangina hahahahahaha!
"Mga puta kayo!" Sigaw nya ulit kaya napatawa kami. Natigilan lang kami nung may kumatok.
"Kuya." Nakasimangot na sabi nung kapatid ko. "Kain na daw."
"Mahuli unggoy!" Sigaw ko at nagsibabaan na kaming apat. Naabutan ko si Papa na kakatapos lang magluto ng ulam.
"Kain na mga tsong." Bati nya sa amin. Nakipagbro fist ako sa kanya at umupo na.
"Dahan dahan!" Sabat ni Ethan habang kumakain kami. Binato ko sya ng tissue at tumawa nanaman sila.
"Nasaan nga pala sila Troy? Tagal ko na silang hindi nakikita ah?" Pinanlakihan ko ng mata si papa at napatingin kay Ethan na napatigil sa pagkain. Medyo gunggong din si papa, kitang medyo nakalimutan na nga ni Ethan.
"Hoo! Ang sarap ng ulam!" Sigaw ni Alexis. "Anong recipe nyo dito, tsong?" Tanong ni Alexis kay papa.
"Ewan ko." Irap ni Papa. "Ikaw, Alex, wag kang tutulad sa mga kuya mo ah?"
"Opwo!"
Binato ko ng tissue si papa. "Anong kami? Baka sayo! Naninira ka ng atmosphere tsong. Not good." Pailing iling na sabi ko.
"Oo nga. Dapat tinatapon mga ulam na ginagawa nyo eh. Not good, not good." Sabat ni Alexis kaya nag-apir kami.
"Akala ko ba masarap ha?" Sabi naman ni Papa.
"Hindi ah! Not good, not good!"
"Oo nga." Napatigil kaming lahat sa sinabi ni Ethan. "Sumuko kaagad sa asawa nya. Not good, not good." Ewan ko ba kung matatawa ako dahil sa sinabi ni Ethan o dahil sa itsura ngayon ni Papa. Hahahahaha. Wala kaming mama, sumama sa iba. Eh mas gwapo naman ako dun sa anak nya sa kabit nya hays. Iba taste ni mama.
"Mga gunggong. Lumayas na nga ulit kayo." Pagtataboy nya sa amin. Umalis na din kami at tumambay sa sala.
"LALALALALA! Everybody get high!" Sigaw ni Alexis at nakisabay yung magaling kong kapatid.
"Get them high yon!"
Napatigil kaming lahat nung may kumatok. Kumuha kami ng kanya kanyang nerf bago namin buksan yung pinto. Bahala na kung sino to, kahit pulis pa yan o ano, matatamaan ka rin sa amin!
"Ikaw na magbukas." Tulak ko sa kapatid ko.
Dahan dahan nyang binuksan at pinagbabaril namin ang nasa labas. "WAHH!!!"
__________________
Troy Austin- TOP

Patrick James- Taeyang


BINABASA MO ANG
day by day // daragon
Fanfiction"once upon a time, we were together. once upon a time, we broke up. once upon a time, i was so stupid. once upon a time, my world fell apart. once upon a time, i just wanted to die. day by day, i regret all the things i didn't gave you. i regret not...