Ash's POV"PUTANGINA NYO!" Nanlaki ang mata namin at nakita si Patrick na nakatayo sa labas. Ooohhh. Nagsilabasan kami sa pinagtaguan namin at tinawanan sya.
"Wag nga kayong magmura!" Sigaw ni Papa ko.
"Anong ginagawa mo dito? Welcome!!" Sigaw ko at niyakap si Patrick. Sumabay rin sila Ethan at niyakap rin sya. "Hahhahahahaha! Kuha ka nalang ng damit sa taas." Sabi ko at umakyat naman sya.
Ano kayang ginagawa nun dito?
"Kasama nya kaya si Sophia?" Napatingin kaming dalawa ni Alexis kay Ethan na nakangiti habang nagtatanong.
"Sinong Sophia?" Nakakagagong tanong ni Alexis. Sasabat sana ako pero nagsalita ulit sya. "Wala akong kilala."
"Gago." Sabi ni Ethan. "Si Sophia Clare. Yung girlfriend ko." Bobo, di mo na sya girlfriend.
"Ako din, di ko sya kilala." Sabat ko. "Sophia Clare? Sino ba yun?"
"Mga gago ba kayo?" Nilabas nya yung wallet nya at nilabas yung picture nya at si Clare. "Sya!"
Umiling iling si Alexis. "Ewan ko sayo."
"Ah sya ba?" Sabi ko ulit. Humanda ka sa akin gago. "Yan yung nanakit sa kaibigan nating nagnangangalang Ethan." Nagtalim yung tingin nya sa akin at sinuntok ako sa mukha.
"Anong problema mo?!" Sigaw ko sa kanya. "Sinasabi ko lang yung totoo!" Pero nakatikim ulit ako ng suntok nya. Ang sakit puta ba.
"Hindi yun totoo! Mahal ako ni Sophia!"
"Brineak ka na nya gago! Wag kang magpatanga. Mas mahal nya si Troy-"
"Anong sabi mo?! Bawiin mo." Nanginginig na tanong nya. Lumapit na sila Papa ko pero di man lang ako tinulungan. Salamat mga chupol.
"Bat ko babawiin? Hindi binabawi ang katotohanan." Nakangising sabi ko. "Mahal nya si Troy, iniwan kana nya! Magmove on kana tson--"
Hindi na natapos yung sinabi ko dahil sinuntok nya ako at nawalan ako ng malay. Edi wow.
Troy's POV
"Uy Troy, tignan mo itong napanood ko sa facebook. Hahahahahahhaah! Mga abnormal sila. Likaaa!" Pangungulit ni Sophia. Ingay talaga nito. Lumapit nalang ako at nanood. Kaso di ko nagets.
From: Patricio
Nagsusuntukan yung dalawang ulol dito sa bahay ni Ashboy. Hahahhaa! Nawalan ng malay si Ash. K.O!!!!
To: Patricio
Bat ba? Si Ethan nagsimula?
From: Patricio
Oo tsong. Pinaglalaban parin nya si Sophia. Lul, ganda naman ni Sophia.
To: Patricio
Gago.
Napatingin ako kay Sophia at napabuntong hininga. "Magaaral kapa ba?" Tanong ko. Napatigil sya at lumingon sa akin.
"Ah, oo? Ewan ko kila mommy. Pero gusto ko pa magaral kahit malapit na akong mawala dito. Kahit this sem lang." Nakasimangot na sabi nya. Ginulo ko yung buhok nya.
"Makakagraduate kapa, ulol neto. Basta wag mong kakalimutang huminga." Sabi ko kaya tumawa sya.
"Bili ka ngang pagkain ko? Pleaseee? Wala kasi akong magawa dito sa hospital." Ang kulit talaga.
"Ge. Hawakan mo yang inhaler mo. Sandali lang ako ah?" Lumabas na ano ng room ni Sophia at bumili ng makakain sa canteen dito sa hospital. Bumili lang ako ng cup noodles at tubig. Pabalik na sana ako nung napadaan ako sa entrance.
Si Ethan na tumatakbo tapos pinipigilan nila Ash. Anong ginagawa nya dito?
Tumakbo kaagad ako pataas. Tangina pag tong noodles natapon, papadilaan ko to kay Ethan. "TROY! HOY GAGO!!" Rinig kong sigaw nya. Binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang sa makarating na ako kaagad sa kwarto ni Sophia at nilock iyon.
"Oh? Bat parang tense na tense ka dyan?" Natatawang sabi nya. "Natatae kana 'no?" Nginitian ko lang sya at pinakain na sa kanya yung noodles.
Nakarinig ako ng ilang katok. Putangina, si Ethan!
"Ethan ano ba! Putangina mo!"
"Aray hayup. Ang saketh fafa!"
"WAG KANG MAGESKANDALO DITO CHUPOL!"
"SI SOPHIA!! ASAN SI SOPHIA? ILABAS NYO SYA!"
Napahilamos ako sa mukha ko gamit palad ko at tumingin kay Sophia na napahinto sa pagkain.
"D-don't tell me.. Si E-ethan yon?" Nanginginig na sabi nya. Hinawakan ko sya sa kamay at tinabi muna yung cup noodles.
"Hinga ka." Huminga naman sya ng malalim at may pumatak na luha galing sa mata nya. "Icontrol mo muna ah? Labas lang ako." Hinalikan ko yung noo nya at lumabas ako ng kwarto nya.
Napatingin silang lahat sa akin. "HOY GAGO ILABAS MO SI SOPHIA! SOPHIA ANDYAN KA BA?" Sigaw ni Ethan at kinalabog yung pinto. Putangina. Nasaan ba yung guards?
"Tumigil ka." Simpleng sabi ko sa kanya. "TANGINA ETHAN! TUMIGIL KA!" Sigaw ko at napatigil naman sya.
Umamo yung tingin nya sa akin at umiyak sa harap ko. "Ilabas nyo na si Sophia. Nahihirapan na ako."
"Wala si Sophia. Umalis kana." Matigas na sabi ko. Wala ng awa awa, bahala ka sa buhay mo tsong.
"Kahit ngayon lang, please Troy. Nababaliw na ako." Umiiyak na sabi nya.
Putangina mo, nangonsensya pa.
"Wala nga! Umalis kana!" Sigaw ko.
Tumango nalang sya at pinunasan yung luha nya. "Pakisabi nalang na mahal na mahal ko sya.." Tinignan ko lang sya habang naglalakad sya palayo.
Tinapik naman ako nila Ash sa balikat. "Sundan lang namin. Ikaw na bahala kay Sophia." Tumalikod na rin sila at hinabol si Ethan.
BINABASA MO ANG
day by day // daragon
Fiksi Penggemar"once upon a time, we were together. once upon a time, we broke up. once upon a time, i was so stupid. once upon a time, my world fell apart. once upon a time, i just wanted to die. day by day, i regret all the things i didn't gave you. i regret not...