Episode 1:Normal Life

101 14 11
                                    

Elora's POV

*Kriiinggg Kriiinggg!!!*

Tunog ng alarm sa skul namin.Ibig sabihin recess na kaya ang tahimik na room namin ay nabalot ng maiingay na boses ng kaklase ko.Napangiti ako noong kaming tatlo nalang ang naiwan sa loob.

"Halika na!"Anyaya ni Layla.Siya si Layla Vanie ,cute at ang bunso sa aming tatlo.Siya rin ang pinakamatalino saamin pagdating sa Mathematics.

"Oo na,oo na.Teka lang kukunin ko lang yung CP ko."Sabi ko kay Layla tsaka ko hinablot ang phone kay Elena.

"Teka,ano ba!!Nagsesend pa yung bluetooth eh!!"Maktol niya.Siya naman si Elena Adkins,also known as 'Taba'. Masungit minsan pero cute tingnan.Mahilig yan magbasa ng Wattpad.ADIK for short.Pero ako ang pinaka-masungit sa amin.

"Kanina ka pa ha!Halina nga kayo.35 minutes lang yung break."-ako

Umalis na kami ng room at dumiretso na sa canteen namin.Umupo kami sa tabi nung malaking bintana na may vending machine sa gilid.Doon kami laging pumupwesto.Kaya lahat ng estudyante ay hindi umuupo doon.Kilala kami dito sa skul dahil magaganda kami at matatalino.

Anim yung upuan dito at dahil tatlo lang kami ibig sabihin may 3 pang bakante.

"Hallo guys!!Sorry late kami!"Bungad ni Bakla.Siya si Jonas Parker also known as 'Jow'.Siya yung baklita sa amin.Friend ko yan----I mean,NAMIN.

"Hello Elora!Hello guys!!!"Kumaway siya sabay upo sa harap namin.Siya naman si Julia Norwood also known as 'Happy Hyper'.Close kaming dalawa,parang pinsan ko na rin yan.

"Hello rin Julia!Buti't nakahabol pa kayo."Sabi ko at kinawayan din siya.

Tahimik namang umupo sa harap ni Elena si Jade also known as 'Dora' kasi explorer eh,kahit saan sumisipot.Lagi yang napipikon lalo na kapag tatawagin namin siyang DORA.

Sabay-sabay na kaming kumain.Tahimik lang kami at tanging ang ibang estudyante lang ang nag-iingay.Hanggang sa di na nakatiis si Julia at binasag niya ang katahimikan.

"Hoy Elena,matagal mo nang hindi ibinabalik yung Twilight kong libro!Nasaan na yun?"Tanong ni Julia at tinitigan si Elena.

Bigla nalang naibuga ni Elena yung apple juice na iniinom niya.Natawa nalng ako kasi napaka-epic nung mukha niya.Pulang-pula pa siya..yung mata niya pa.Ay,lagi naman siyang namumula,laging INSPIRED.

"H-ha?Ay oo nga p-pala..hehehe".

Halatang may nangyaring masama sa libro ni Julia.Hahaha!Ano naman kayang kalokohan ang ginawa niya?

"Akala mo makakalimutan ko noh?"Nakangiting sabi ni Julia.

"Oo na!Ibabalik ko na!Hmm..bukas..siguro..?"Nag-aalangang tanong niya.

>_< Elena talaga di marunong mag-alaga ng libro!Kung saan saan niya lang nilalagay.

"Sige,bukas ha!"Tapos kinagat niya yung pizza niya at binaling ang tingin saakin.

"Heyya Elora!Ilang chips na ba yung nakuha mo?"

Ang chips na tinutukoy niya ay yung sa English.Kung may tanong na ibibigay si Ma'am at nasagot mo yun edi makakatanggap ka na ng chips.Ibig sabihin plus 5 ka na sa grades mo.Part din yun ng oral recitation mo.

"Lima lang yung akin."Simpleng sagot ko sabay tawa.

"Lima na yung sayo agad-agad?! You're unbelievable! Kaka-4th grading pa natin ah."

"Syempre matalino pagdating sa English eh."Singit ni Elena.

"Maganda kasi yung teacher natin sa English kaya ayan favorite na daw niya yung subject."Singit din ni Layla.

"At maganda ding magturo."Dagdag ko sa sinabi ni Layla at ngumiti ng malapad.

Nagpatuloy na kami sa pagkain.Pagkatapos nun umalis na kami at bumalik na sa classrooms namin.

"Ba-bye!!"Nagpaalam na kami sa isa't-isa.Saaming magkakaibigan kaming tatlo lang ang magclassmates.Kaklase sana namin si Julia kaya lang dun siya nalagay sa 2nd section.Pang 1st kami.

4th year na pala kami.Ang section namin ay 4-A.

Kanya-kanya kaming nagsibalikan sa upuan namin.Magkakatabi lang kaming tatlo at ako yung nasa gitna.Sa right ko si Layla at syempre sa left ay si Taba.

"Class,listen.Hindi makakarating ngayon yung next subject niyo dahil may importante siyang ginagawa.Kaya for now,take your time in studying for the next subject."Siya naman yung beautiful adviser namin.Si Ma'am Mavis Hawkins.Nagtuturo ng Science subject.

"Yes,Ma'am!"Sagot naming lahat.

Lumabas na muna si Ma'am ng room kasi may tuturuan pa siyang ibang seksyon.Lahat naman kami nags-study maliban sa grupo nila Hogan.Si Hogan,Pennington,at Burton na magkakatabi.Hindi naman sila maingay pero hindi sila nag-aaral.Nakatunganga lang sila sa gilid ng bintana.

Doon sila sa pinakagilid ng room kaya nakikita nila ang mga estudyanteng naglalakad.May aircon yung room namin kaya close lahat lahat.Pati yung bintana namin ay glass window lang.At hindi rin chalk yung ginagamit para sa board namin kundi pentlepen.

Habang busy ako sa pagbabasa(pero wala namng pumapasok sa isip ko)eh kinalabit ako ni Layla.Napalingon naman ako sakanya.

"Elora,may test daw tayo mamaya sa Filipino?"Bulong niya saakin.

"Oo,kaya't heto nagbabasa ako."Bulong ko rin sakanya.

Nagtaka naman siyang nakatingin sa librong hawak ko.Na-curious ako kaya tiningnan ko rin ito.

O_O

"Hindi naman yan Filipino eh,Math kaya yan."Natatawang bulong niya sakin.

"Hindi ko napansin ito ah."Nagtaka naman ako kaya ibinalik ko ito sa bag ko at kinuha ang Filipinong libro.

Kaya naman pala walang pumapasok sa utak ko.Math pala yun.=_______= Kainis.

40 minutes later.........

"Bakit wala pa yung Filipino teacher natin?"Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ewan,nakakapagtaka naman.Kanina pa tayo naka-upo rito.Busog na tuloy ako kakakain nitong gummy bears."Sabi ni Elena.

Nagulat naman kami ni Layla at sinuway siya.

"Hoy itago mo nga yan tsaka gusto mo magka-cavity?"Suway ni Layla.

"Oo na po itatago ko na. Pero kakainin ko parin to mamaya."Sabi ni Elena at tinago ito sa bag niya.

Tinitigan ko lang siya ng masama.-_-

"Siguro may mahalaga ring ginagawa or baka nagmeeting yung teachers."Sabi ni Layla.

"Siguro nga."Sabi ko at tumango-tango.

Nagsisimula nang mag-ingay yung classmates namin kaya kaagad kong kinuha yung earphones ko pantakip sa maiingay nilang chika.

Nakita kong may pumasok sa room.Si Ivan,yung Class President namin.Matalino,mayabang,walang galang at laging showering yung laway pag nagsasalita.

Alam kong may sasabihin siya kaya tinanggal ko yung earphone.

"Makinig kayo guys!Wala ngayon ang mga teachers dahil may meeting daw sila."Announce niya.

Tama nga si Layla,may meeting sila.

"Bakit?Anong pinag-uusapan nila?"Tanong ni Burton kay Ivan.

"Tungkol sa VAMPIRE ATTACKS....dito sa lugar natin."Sagot niya na ikinagulat naming lahat.

Vampire..attacks..di pwede to.

-End of Episode 1-

Imestrous City(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon