Kabanata 5

23 3 0
                                    


"Buti na lang talaga nagkasakit si Mrs. Horror. Kundi lagot nanaman si Ly Anne dun."



"Speaking of Ly Anne. Nasan na kaya yung babaeng yun? Di naman madalas umabsent yun ah? Ano nanaman kayang nangyari sa bahay nila?"




Narinig kong nag-uusap sina Maxine at Annika tungkol sa akin. Buti na lang talaga wala si Maam. Baka mapagalitan na naman ako nun kung sakali.



"Oh, nandyan na pala si Ly Anne." - rinig kong sabi ni Dexter, isa sa mga kaklase ko.



Nilingon ako nila Annika at dali-dali akong nilapitan.



"Oh? Anong nangyari sayo? Bakit namamaga mga mata mo?" - tanong ni Annika.



"At wag mong sabihin na wala lang dahil kitang kita namin sa mga mata mo na meron talaga." - dugtong naman ni Maxine.




Napangiti na lang ako dahil sa mga sinabi nung dalawa. Kitang kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala. Buti na lang talaga nakakita pa ko ng mga kaibigan na kagaya nila.



Wala na rin akong nagawa dahil hinila na nila ko sa tambayan namin kaya ikinuwento ko na sa kanila ang lahat lahat.




"Kaya pala ang baho mo kanina. Hahahahaha." - Biro ni Maxine.




Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Puro talaga kalokohan.



"Eto seryoso na ah, pogi talaga yung lalaki?" - biglang tanong ni Annika.



"Alam nyo, kayong dalawa, tigil-tigilan nyo ko ah. Pag-uuntugin ko kayo eh. Tara na. Magsisimula na ang klase."




Tumayo na ko at nagsimulang pabalik sa room namin. Hanggang ngayon, ginugulo pa rin ako ng lalaking yun ang utak ko. Makikita ko pa kaya yun?




Maghapon akong wala sa sarili dahil sa mga nangyari. Wala tuloy akong naindihan na mga lesson ngayong araw.



Kasalukuyan akong naglalakad sa lugar kung saan una ko syang nakita.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon