Kabanata 9

15 0 0
                                    

Apat na araw na ang nakakalipas mula nung makita ni Joseph yung ginawa kong proposal. At apat na araw ko na rin siyang hindi nakikita. Hindi ko alam kung masyado lang ba talagang malaki ang unibersidad na ito para hindi ko siya makasalubong man lang o sadyang iniiwasan niya ako.


And now, as a leader of our group, namomroblema na ko kung ano ang ipapasa naming proposal kung ganitong hindi kami kumpleto. Tulad ngayon, dalawang araw na lang bago ang pasahan pero wala pa rin siya. Hindi pa rin siya nagpapakita kaya hindi ako makapagpatawag ng meeting tapos hindi pa ko pinapansin nina Annika. Hindi ko naman sila masisisi dahil alam ko naman na kasalanan ko yun. Ayaw ko rin naman na ang ipasa namin ay yung ginawa ko dahil alam kong mas magagalit sila sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Inilibot ko na lang ang aking mga mata sa paligid. Nakakarelax pala talaga dito. Ang presko ng hangin at hindi masyadong napupuntahan ng mga tao. Magmumuni-muni na lang muna siguro ako dito.

"Why are you always here?"

Napatayo agad ako ng marinig ko ang malamig na boses na iyon.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at sumalubong sa akin ang blangkong ekspresyon sa kanyang mukha.

Titig na titig siya sa mga mata ko. Tagos sa pusong mga tingin ang ipinukol niya sa akin.

Pinulot ko agad-agad ang mga gamit ko saka umusad ng bahagya para makaraan siya pero ni hindi man lang siya gumalaw. Nakatitig pa rin siya sa akin at tila nag-aabang ng sagot.

Dahil sa mga tinging iyon ay naalala ko nanaman ang araw na huli kaming nag-usap.

***
"I know. I'm not in the position to tell you this, but... Na-disappoint ako sa'yo. At hindi lang ako, alam kong buong grupo ang nalungkot dahil sa ginawa mo. I thought nagkasundo na tayo. I believe in your words. I believe in you. Pero mahirap pala talagang maniwala."

Ilang minuto kaming natahimik dahil sa litanya niyang iyon. Alam ko galit siya, galit sila sa akin.

Nag-isip ako ng isasagot sa kanya pero isang malalim na buntong hininga lang ang naipakawala ko sa aking bibig. Walang kahit na isang salita ang nais lumabas mula rito.

Tinignan ko siyang muli at nakita siyang nakapikit.

Tumayo na lang ako at nagsimula ng lumakad. Wala akong mukhang maiharap sa kanya.

"Saan ka pupunta?" - biglang tanong niya.

"Babalik na ako sa school. Mauna na ko."

Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa pero nagsalita pa ulit siya.

"Aalis ka? Bakit? Dahil nahihiya ka? O dahil... Hindi mo na kayang pigilan ang tuwang nararamdaman mo dahil natalo mo ko?" - may halong pait ang tono ng kanyang pananalita.

Nag-init ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pero ikinalma ko pa rin ang sarili ko. Ayaw kong mas gumulo ang sitwasyon. Ayaw kong makipag-away sa kanya.

'Ly Anne, kumalma ka lang please?'

Nagdahan dahan na ako sa paglalakad. Hindi ko na lang siya sinagot dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Di pa man ako nakakalayo ay may biglang humila sa aking kanang kamay. Nilingon ko ito at nakita siya. Galit ang ekspresyong nakaguhit sa kanyang gwapong mukha. Humihigpit rin ang pagkakahawak niya sa akin kaya napapadaing ako.

"Tama ba ako? Natutuwa ka ba talagang naisahan mo ako?"

Hindi ko siya pinansin dahil pilit kong ikinakalas ang pagkakahawak niya sa akin. Lalo itong humihigpit kaya napapangiwi na lang ako.

Sa inis ko ay nagsalita na ako. Di na rin ako makapagtimpi. Tinignan ko siya ng diretso sa mata.

"Nagkakamali ka, Joseph. Oo ginawa ko yung proposal na yun para maipamukha sa iyo na kaya kong gawin yun ng mag-isa. Pero nung nakita ko na yung reaksyon nina Nika, Max at Dex..."

Ibinaba ko ang aking tingin dahil parang nag-iinit ang aking mukha saka ipinagpatuloy ang aking pananalita.

"Ikaw agad ang naisip ko. Natakot ako dahil alam kong magagalit ka. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko iyon pero iyon talaga ang totoo."

Naramdaman kong unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa akin hanggang sa tuluyan na niya itong mabitiwan.

"Umalis ka na."
***

Iyon ang huli niyang sinabi bago ako tinalikuran. Wala na rin akong nagawa kundi ang umalis na lang.

Kaya ngayon, hindi ko alam kung paano siya haharapin. Gusto ko na lang umalis dito pero kailangan ko siyang kausapin.

Nag-aantay pa rin siya ng sagot kaya nilakasan ko na lang ang aking loob para makapagsalita.

"Ahmn. P-pwede ba tayong mag-usap?"

Kumunot lang ang kanyang noo sa tanong ko kaya nagsalita na ulit ako.

"Kailangan na kasi natin simulan yung proposal. T-tatanong ko sana kung pwede ka bukas?"

Mas lalong kumunot ang noo niya kaya mas kinabahan ako.

"Ibig sabihin, hindi mo talaga ipinasa yung ginawa mo?" - tanong niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango. Akala ko naisip na niya na hindi ko talaga ipapasa yun. Kaso hindi pala siya naniwala sa sinabi ko noong araw na iyon.

Napailing na lang ako. Sabagay, bakit nga naman siya maniniwala sa akin kung gayong may kasalanan ako sa kanila.

Inantay ko ang sasabihin niya pero bakas pa rin sa mukha niya ang pagkabigla. Kaya napagdesisyunan ko na lang na umuwi na. Gumagabi na rin kasi.

"Ahmn. Joseph, bukas. 4pm. Sa may kubo. Aantayin ko kayo ng buong grupo. Sana makapunta kayo. Sana pumunta ka."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon