I : Second Day of School, First Day of AttackJord POV
Nandito na ako sa gate ng school. "Hey Dude, wazup?"
"Ayy! mabahong impaktong kabayo!" Grabe naman na taong 'to. Agang-aga. Parang kabute biglang pasulpot-sulpot.
"Grabe ka naman Dude, impakto na nga, kabayo pa. Sa kadami-daming description sa dictionary mabaho pa talaga, oh... smell me, smell me!" Hinaharangan n'ya ako para daw amuyin sya. 'E anu ako aso? Amoy-amuyin siya, kung s'ya ba talaga amo ko. Haha ano konek? Wala ba s'yang common sense, 'e alangan namang sabihin kong MABANGONG IMPAKTONG KABAYO, kailan pa naging mabango ang kabayo at impakto? Siguro s'ya lang. "And you'll know if I'm... Tsk. I would never mention that fuckin' odd phrase." Napabuntong-hininga na lamang s'ya sa kabiguan.
" ...Tss Mabaho." Ay tsange kakasabi lang n'ya 'di e-mention. Tapos sasabihin rin. Ano ba talaga?
Nasa corridor na kami. Pero 'di pa rin s'ya tumitigil sa katatanong kung mabaho ba talaga s'ya. Hanggang makarating na kami sa room namin. Yeah, classmate ko s'ya. Hindi ko nga rin alam ba't nilagay ako sa section na 'to. Siguro nagwapuhan sila sa'kin kaya't nilagay ako sa ganitong Star Section. Nagsasabi lang naman ako nang katotohanan mula sa aking kaloob-looban ng aking munting puso.
Inaantok pa ko sobra. One hour lang tulog ko, it's not enough. Matutulog muna dapat ako ngunit ang aking dakilang Bestdude mapilit. Kaya eto ako ngayon nakikinig sa kadaldalan n'ya. Salpakan ko kaya ng kumunoy bunganga ne'to.
"Uy, tanungin mo rin ako kung ano nangyari sa'kin. Ang daya mo!" Binatukan ko s'ya at sinipa ang paa.
"Ouchiee! Brutal ka pa rin. Nangyari sa'yo? Okay ako na ang sasagot.." Animo'y nag-iisip ng husto at naghawak pa sa jaw n'ya. "Umm.. Ngayo'y buhay ka parin and still breathing. But 'di pa nagbago ang pagka-ulol mo. After our closing last school year, alam kong ilang beses ka na dinalawan ng bisita mo." Ha? Hindi ko magets ang sinabi n'ya 'Dinalawan ng Bisita'.
"Ha? Dinalawan ng bisita?" Nagtatakang tanong ko rito.
"Umm.. yung you know" Ano?
"Ano? Ang lalim naman kasi. Sobrang lalim pa sa Marianas Trench ang mga salita mo."
"A-aray! ANG MENS MO!!!" Sinigaw talaga nya. Ano tingin n'ya sa'kin bingi. (>_<)
Lumingon ako sa kinauupuan nya, "Oh, Anyare?" '
Hindi ko ma-reach ang mukha n'ya sa sobrang taka."Why am I still confused of your reactions, anyway. Tsk. Pareho pala tayong gender." Tumawa naman ito ng unti, "Alam ko naman kasi, tulog ka lang kapag araw eh. Alangan namang mag-adventure ka kung gabi?" Yeah, I was sleeping during day time 'coz I couldn't sleep at night time. Kakatayin ko kung sino mag-iisip na ASWANG ako. I've a severe insomnia.
"Humingi ba ako ng paliwanag mo?" seryosong may halong asar na tanong ko.
"Sabi ko nga." Sagot ni Rus na may nakakalokong ngiti.
"At isa pa, syempre ng-adventure ako 'no. Bakit ikaw lang may adventure. Bakit kung bumili ka sa tindahan. Adventure tawag 'dun 'e, 'diba? At sa mga kanto."
Tiningnan ko s'ya, "Bakit humihingi ba ako ng paliwanag mo?" Aba, linya ko 'yun ah. Seryoso pa ang hayop. Nakuha pang mag-smirk na nakatanaw sa malayo ang tingin.
Mga ilang segundo tumingin siya sa'kin. Napa-smirk rin ako. Isipin mo ang nakaraang bangis ko! Bwahaha!!!
Ilang sandali nawala ang ngisi sa mukha n'ya at napalitan ito ng takot. "Uy, 'di naman maloko 'to 'o. Hihihi. 'Di ba ganito tayo 'o? " Pinagdikit n'ya ang index fingers ng magkabilang kamay. "Sige, sige. You went to the market. In your perspective, it's called Adventure. Then, sa kanto? What were you doing in that place?" Ininglis lang ang sinabi ko. But I let it drop. He appeared that he was just trying to hide how scared he was, and I couldn't blame him dahil para sa'kin matakot kana sa kagwapuhan ko.
*grin*