The Introduction

11 0 0
                                    

Ella's P.O.V.

( Int. School Canteen )

Hello! Ako nga pala si Isabella V. Consolacion. Or call me Ella for short... Ayoko kasing tinatawag akong Isabella, tunog matanda ehh...

At eto... Nakatambay lang ako sa ground..... Loner lang ang PEG!  Ako kasi yung huling natapos kumain sa barkada ehh... ^_^ Pinauna ko nalang silang  umakyat para hindi sila ma-late... Bait ko hindi ba?

Sa wakas natapos din ako at aakyat na ako para hindi ma-late....  

" Uy, Ellal! Hintayin mo ako! Uy! "  teka sino yun?

"Uy! Mamaya ka na umakyat, sabay na tayo!" 

Sino naman 'to? Nakaka------------- At paglingon ko, ang nakita ko ay si Dan. Yung kaklase naming sobrang ingay at mayabang! Nakakainis siya minsan! 

"Uy! Ella! "

"Oo na!", Galit na galit kong sagot. 

Pero in fairness, nakakatawa yung itsura niya habang nagmamakaawang makisabay sa'kin sa pag-akyat. 

Actually hindi naman kami close netong si Dan ehh. Napaka-layo kasi ng ugali niya sa akin. Tahimik lang kasi ako. Pero siya................... UBOD NG KULIT!  

Habang umaakyat kami kinausap ako ni Dan...

"Ella, may assignment ka ba sa Science?"

"Meron naman... Kokopya ka ba?" Wow grabe ahh! Lakas ko mang-alok ehh mas may alam pa nga itong inaalok ko....

"Hindi naman.... Survey lang... XD" Wow ahh! Ibang iba yung itsura niya ngayon ahh... Bakit hindi ko ramdam yung yabang niya ngayon?

And then, umakyat na kami papuntang second floor ng building. Nandoon kasi yung classroom namin ehh.... 

At buti naman wala pa si ma'am! Yehey! Hindi pa ako late. 

Int. Classroom

 Nilapitan ako ni Madz... Yung bestfriend ko.... 

"Uy, Ella! May assignment ka?"

"Meron.... Bakit?"

"Yes! Buti nalang kasi hindi raw makakapasok ang walang assignment."

And then may bigla nalang akong narinig na ingay doon banda sa lugar ng upuan ni Dan. 

 "Hahaha! Walang assignment! Hindi ka makakapag-quiz ngayon! >:)" Ahhh okay nag-aaway nanaman pala itong sina Dan at Marvin.... 

Si Marvin lang naman kasi ang kayabangan nitong si Dan. Para lang silang mga bata kung mag-away! Immature ika nga nila.

"At least hindi naman ako kasing pangit mo! Excuse nga!" Lumakad siya nang marahan at umarteng parang napatid,"Aray! Napatid ako! Ikaw kasi ehh!" Ayan nanaman si Dan sa pick-up lines niya...

"Bakit? Kasalanan ko bang clumsy ka?" tanong ni Marvin...

"Hindi naman... pero kasanlanan mo kung bakit ako napatid! Yung utak mo kasi nakakalat! Naapakan ko! " At ayun! Tumawa nalang ang mga kaklase ko... as in... HAHAHAHAHAHALAKHAK! 

Hay naku... Ayoko nalang makinig.... 

After 25 minutes dumating na din sa wakas si Ms. Punsalan.... Teacher namin sa Science...

 "Okay, class bring out your assignments!"

Kinakabahan ang halos lahat... 

Nagulat nanaman ako nang may narinig akong sumigaw na kaklase namin... 

"Hala paano ka nagkaroon ng assignment?" Gulat din siya...

"Gumawa ako few minutes ago..."

Okay, so habang nakikipag-asaran pala siya kanina kay Marvin ehh nagsusulat siya ng assignment. 

"Baka naman hindi tama yung sagot mo?", tanong pa ng isa pa naming kaklase sa kanya.

Dahil sa ingay, lumapit na si Ms. Punsalan sa kanila.... Tiningnan ang assignment na ginawa ni Dan...

"I hope this would be the last, Mr. Cajudo.... I really hope... Tama ang mga sagot mo sa assignment, pero dapat sa bahay ito ginagawa at hindi sa classroom okay?"

"Sorry po ma'am", ang naisagot nalang ni Dan. 

Halos lahat, nabigla dahil wala naman daw kinopyahang reference si Dan... Basta isinulat niya nalang ang mga nandoon sa papel....

Pagkatapos ay ipinasa nalang namin ang assignments namin... May ibang pinalabas, may ibang nakalusot. Pagkatapos ay nag-test na kami.... Then, ayun! Nag-bell at umalis na kami... 

Paglabas namin ng kwarto, biglang lumapit itong si Albert... Yung manliligaw ko... 

Binitbit niya yung bag ko... Pero katulad ng ginagawa ko araw-araw, hindi ko siya hinahayaang bitbitin yun. Baka kasi umasa.

Kitang kita ko na talagang determinado siyang mapasagot ako... Pero ayoko lang...

He's not that sweet pero mabait siya sa akin. Yun nga lang, SA AKIN LANG pero sa iba, bad boy siya... Isa yun sa factor kung bakit ayaw ko sa kanya...

Pag-uwi, nakita ko nanaman si Dan. Uuwi na rin.... Para maiwasan ko si Albert, lumapit ako sa kanya.

"Dan! Dito ka lang sa tabi ko okay? Dito ka lang...", sabi ko sa kanya

"Ha? Bakit? Teka! ", sagot niya.. .Pero parang malumanay ang sagot niya na parang iba sa nakasanayan ko...

"Basta! Diyan ka lang wag kang aalis sa tabi ko...! "

Paglingon ko, nakita ko ang masamang tingin ni Albert kay Dan. Ayos! Effective plan! Si Dan kasi ang kadalasang favorite ng iba naming mga kaklase o kahit ng mga teacher namin. At paglingon ko dito kay Dan. Parang hindi maganda ang timpla. Pero ang weird... Medyo nangingiti-ngiti siya habang naglalakad... Kaya kinausap ko nalang siya...

"Uy! Nababaliw ka ba? Bakit ngumingiti-ngiti ka? Teka, may dumi ba sa mukha ko? "

"Wala... M-May naalala lang akong nakakatawa..", sagot niya pero hindi nakatingin sa akin... Suplado lang? XD

And ayun... Naghiwalay na kami ng landas pagdating sa kanto. Sabay nagpaalam nalang ako sa kanya...

"Dan! Thank you ahh... Bye!"

"..." wala siyang reply... Pero hayaan mo na malamang narinig niya naman yun...  

BloodlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon