Ella's POV
Ngayon naman, nasa Iba, Zambales kami para sa isang field trip. ang ganda rito!
"Okay, get ready children! Lalarga na tayo!", ani Mrs. Arpon, PE teacher namin...
Ayun! May mga ginawa lang kaming mga activities medyo nakakapagod pero masaya. At eto nanaman itong mayabang na Dan na ito... Nagsimula nanamang magpahangin..... Teka, bakit ba pinapansin ko yung mokong na yun? Hay naku... Siguro dahil lang sa nitong mga nakaraang araw, nagiging close ko na siya kahit opposite kami...
-------------------------------------------------------> Few hours later <-----------------------------------------------------
Nilibot namin ang buong camping site... Nakakapagod pero ang ganda ng paligid! Ganda ng view ng mga forest, ng landscapes ng everything! Basta ang ganda! Kaya andami ko ng pictures nitong lugar dito sa phone ko ehh... At syempre... Selfie Selfie din pag may time!
Pero... I don't know pero... I feel something different...
"Everyone, duck, cover and hold! Lumilindol!", ani ng isang tour guide namin...
Lumilindol nga! Yun pala yung strange feeling ko na yun... Naku! Lahat kami takot na takot... Malapit pa naman kami sa isang matandang building na mukhang babagsak na in no time...
Tumakbo kami papala--"Aaah!!!" Na-sprain yata yung paa ko!!! Oh no! Hindi ako na-notice ng iba sa sobrang pagmamadali! Si kuyang tour guide naman busy sa pagfa-facilitate sa mga classmate ko! At ayun na nga! Babagsak na yung pader! Inatake nanaman ako ng sakit ko!
Nung bata kasi ako, nagkaroon ako ng matinding trauma dahil sa isang car accident na kung saan, my mom died... Nag-flashback lahat sa akin... Hindi ko maka-sigaw...
Pero may napansin ako.... May bumalik na isa.... Si Dan!
Ano bang malay ko na sa lahat, siya ang babalik para sa akin... And then... Itinayo niya ako....
"Kaya mo bang lumakad? ", tanong niya sa akin
"Teka try ko... Aahh!! Hindi ko kaya..."
Sinubukan niyang dalhin ako sa malayo dun sa building pero masyadong mabilis ang pangyayari! Tinulak niya ako sa may damuhan at saka lang ako nakita nung mga tour guide namin!
At nangyari na nga ang kinatatakutan ko.... Bumagsak ang gusali.... Kay Dan.....
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman... Natulala ako dahil sa pangyayari. Katulad na katulad ng sa nangyari noong nangyari ang aksidente noong namatay ang mama ko.
Kailangan ko bang maging thankful dahil naligtas na ako, o mas kailangan kong malungkot dahil sa nakikita ko?
And then, the rescuers took me to a safe place. they tried to find Dan, but..... Hindi daw siya.... No whereabouts... Wala pero ang necklace at tsinelas niya... Iyon lang ang nakita namin at wala ng iba.
Hindi pwede 'to! I am now blaming myself dahil sa nangyari sa kanya... Sabi pa nga ng iba, patay na siya.... Pero ayaw maniwala ng iba... Pero kung ako? Ano sa tingin ko? Hindi ko alam... Hindi ko alam! Hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin! Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kahit na aksidente lang ito....
Ella's POV
Int. isang maliit na chapel sa isang ospital
Makalipas ang apat na araw.... Hindi parin makita si Dan... Halos naghilom na ang mga sugat ko pero wala paring bakas na pwedeng magturo kung nasaan na siya.Walang nakakaalam kung nasaan na talaga siya.
At biglang lumapit sa akin ang best friend ni Dan... Si Amanda...
"Ella, ikaw daw ang huling nakasama ni Dan... Bago nangyari yun?", malumanay niyang sagot....
"Oo! Ako nga! At kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa kanya....I'm sorry, I'm sorry... ", I almost cried... Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya...
"Hindi mo siya masisisi... Ganun ka nalang din kasi niya kamahal.... ", sagot niya in a serious tone
Nagulat ako sa sinabi niya... "Anong ibig mong sabihin?"
"Simula noon palang, may nararamdaman na si Dan para sa iyo. Mahal ka na nga raw niya ehh... Hindi ka kailanman nawala sa isip niya... "
Mas lalo kong naramdaman ang guilt.
"Hayaan mong ikwento ko sa'yo kung anong mga ginawa niya para sa'yo..."
Amanda's POV
At ikinuwento ko nga kay Ella ang buong detalye...
"Naaalala mo ba nung nanalo siya sa isang essay writing contest?"
"Alin dun? Palagi naman siyang nananalo sa essay writing contest diba?"
"Tama ka... 'Yun nga ang ibig kong sabihin... Lahat yun, ang inspirasyon niya ikaw.
Pinapabasa sa akin ni Dan yung mga nagiging winning piece niya. Kahit anong topic, isinisingit ka niya sa essay niya. Para lang daw mas lalo siyang ma-inspire.
Tulad nung ipinanalo niya last year. Ang sabi niya dun sa essay niya na may theme na 'What to do in times of Calamity' (in English) sinbi niya dun na ayaw niya daw na may mga kalamidad na mangyari dahil ayaw niya daw na mawala yung taong napakahalaga sa kanya.. Dahil daw ayaw niyang mawala sa kanya yung taong yun lalo pa't hindi niya pa nasasbi sa taong yun kung gaano niya ito kamahal... At ang taong iyon ay ikaw, Ella..."
Mababakas kay Ella na sobra ang pagkagulat niya sa mga sinabi ko... Kahit naman siguro ako ganoon din ang mararamdaman kung may isang taong parang wala lang sa akin pero sobra pala ang pagpapahalaga sa akin... Kawawang Dan... Hindi na niya maririnig ulit ang "Thank you" ni Ella sa kanya...
"Naaalala mo ba nung gumanap siyang Aladdin sa Florante at Laura? ", tanong ko sa kanya
"Oo.", sagot niya ng may maluha-luhang mata.
"Alam mo bang naka-ilang pilit ako sa kanya nun pero ayaw niya... Pero nung ikaw na ang nag-motivate sa kanya, ayun! ginawa nga! Tingnan mo nga naman oh...", ani ko sa kanya para pagaanin ang loob niya...
Ngumiti lang siya ng bahagya sa kinuwento ko... Halos hindi siya nagsalita for almost half an hour...
Dahil sa sobrang pagkalungkot niya... Mas minabuti ko nalang na iwanan siya sa loob ng chapel.
Dahil sa nangyari, minabuti ng mga magulang ni Ella na i-confine muna siya sa ospital para mawala ang depression na naidulot sa kanya ng pangyayari.
Int. Classroom
Lumipas ang mga araw... Balik na ulit ang lahat sa dati. Nakabalik na rin si Ella sa school pero bilin ng doktor, bawal daw siyang ma-stress ng sobra dahil nagkaroon daw siya ng trauma matapos ang nangyaring iyon kay Dan...
Kahit nga ang teacher namin sa Social Studies napansin ang epekto ng pagkawala ni Dan...
Minsan habang nagkakaklase kami...
"Oh! Everyone! Gising! Ano ba?! Bakit wala kayong kabuhay-buhay nitong mga nakaraang araw? Dahil ba sa pagkawala ni Dan?", tanong niya sa amin na parang may ningning sa mata niya...
tumango ang ilan sa amin ang ilang sumagot ng tahimik na, "Opo, Sir."
"Pwes sa tingin niyo kung sakali mang nakikita niya kayo ngayon, kung nasaan man siya, ehh natutuwa siya sa nakikita niya? Na nalungkot kayong lahat?!"
"Pero, Sir", may tumayong isa naming kaklase,"Naging kaibigan po kasi namin si Dan. Mabuti po siyang kaibigan.. Isa pa, marami po siyang naitulong sa amin lalo na sa mga problema namin."
"Kung sa bagay ganyan din naman ang nangyari sa mga Romano bago ang Midieval Period. Nang mamatay si Julius the Great, nalungkot ang halos buong Roma dahil dito... Akala kasi nila ay wala nang magiging mabuting emperador ang Roma... At dito, papasok ngayon itong si Augustus!... "
At itinuloy niya ang discussion na parang walang nangyari... Hay.... Dan, kung buhay ka pa... Bumalik ka na dahil marami na kaming naaapektohan dahil sa pagkawala mo!!!....
BINABASA MO ANG
Bloodline
VampireA love story of the most powerful vampire who became the protector of the bearer of the blood which indeed can change the path of the human race.