Dan's POV
Int. Kakaibang bahay
Ahh... Sakit ng katawan ko... Teka... Huh? Where am I?
Sinubukan kong lumakad. Ang strange ng bahay na 'to... Hindi gano'n kaganda.. Nasa liblib na lugar yata ako.
Paglabas ko sa isang pinto. Napakalamig ng simoy ng hangin nasa probinsya parin yata ak----"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH",nagulat ako nang may isang wierd na babaeng around 57-63 na ang edad ang biglang sumulpot sa harap ko.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH", at oo, tulad ng nasa mga comedy films, sabay kaming nagulat..... Sabay kaming sumigaw...
Nang tumigil ang sigawan namin... Kinausap niya ako...
"Gising ka na pala, hijo. Oh siya sige kumain kana. Akala ko kung sinong tao na ang nandito sa bahay na ito ehh... Oh, maupo ka muna dun sa may lamesa... Kausapin mo muna si Antonio..."
"Sige po salamat pero teka, nasaan po ba ako?"
"Nandito ka lang naman sa aking pamamahay. Aling Edad, marami pong salamat sa pagtulong ninyo sa akin na maalagaan ang binatilyong ito. Maaaari niyo na po kaming iwanan dito...", ani ng isang malaking lalaki... Siguro mga 6 ft. tall... Around 30-35 years old.
"Oh siya sige alis na ako."
"Ahh... Magandang umaga po.. Ahh... Pwede ko po bang malaman kung nasaan ako ngayon?"
"Bukod sa sinabi ko sa'yong nandito ka sa bahay ko, naririito ka parin sa Iba, Zambales... Ang ating oras at petsa? Ika-walo ng umaga, ika-labing apat ng Oktubre, kasalukuyang taon. ", sagot niya sa akin sa isang seryosong tinig na patuloy na namutawi sa akin isipa-- teka nga! Nahahawa na ako sa lalim ng mga sinsabi niya.
"Wait, ahh... You mean, October 14 ngayon!!!! Ang araw ng pagpunta namin sa Zambales ay October 10! So ibig sabihin, Apat na araw na akong nandito!!! Gosh! "
"Apat na araw talaga ang bisa ng lason ko sa mga tao... Lalo pa't durog na durog ang iyong mga buto at punit punit pa ang iyong mga laman nung kunin kita doon sa gumuhong pader... "
"Wait! Oo nga pala! Papaanong nabuhay pa ako dun! Ang bigat nung pader na yun..", nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Kaso, hindi ko mapigilan. Nauuhaw ako. "... Pero teka lang... May tubig po ba kayo diyan? "
"Nandoon sa may pitsel... "
Uminom ako ng maraming maraming tubig... Halos maubos ko na yung laman ng pitsel pero hindi parin nawawala yung pagka-uhaw ko...
"Tumigil ka na... Hindi kayang patirin ng basta tubig lang ang iyong pagka-uhaw..."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?", tanong ko
"Mas masarap kasing uminom ng juice... ", sagot niya sabay abot ng isang pitsel...
Kinuha ko ang pitsel at uminom ng juice. Himala! Hindi malamig yung juice pero ang sarap! Hindi ko ma-explain kung ano yung lasa niya pero, gusto kong inumin 'yun lahat! Ang isa pa, napawi ang uhaw ko!
"Masarap ba?", nagtanong ulit siya. Pero may ngiti sa mukha niya na parang kahina-hinala.
"Oo naman! Teka, ano bang flavor nito?", tanong ko sa kanya.
"Haha XD Tubig lang 'yan.", napatingin ako sa kanya at tumigil sa pag-inom... Mga 3 seconds lang, tinuloy ko ulit ang pag-inom,"... Na may halong dugo ng baka, kalabaw, aso at kambing..."
Anooooo?! Naidura ko ang iniinom kong juice sa lamesa. Ay mali! Tubig pala na hinaluan ng samu't saring dugo ng hayop sa bukid.
"Teka, bakit?! Paanong naging ganun ang lasa nito?!", tanong ko sa kanya with matching sigaw.
"...", nanahimik muna siya... Wala siyang sinabing kahit ano. May kutob na ako na may kung anong bagay siyang hindi sinasabi sa akin... kinulit ko siya nang kinulit hanggang sa nakuha ko rin ang sagot...
"Dahil isa ka ng Bampira!!!!", sagot niya sa 'kin nang pasigaw....
Nanahimik ako for a while... Hindi ako dapat maniwala pero honestly, naniniwala ako... I shouldn't believe an old myth!
"Weehhhh?", pabiro kong tanong sa kanya para magpanggap na hindi ako naniniwala...
Tumayo siya at umalis sa kusina. Hindi siya sumagot. OO marahil ang sagot niya sa tanong ko.
Hindi na ako nag-alangan pa... Nararamdaman ko na kasi ang mga pagbabago habang iniinom ko ang dugo na yun na pinainom niya sa akin...
Unti-unting naging malamig ang aking pakiramdam... Bumibilis ang tibok ng aking puso... Tumatayo ang aking balahibo. Kasabay ng mabilis na pagbabago ng aking emosyon; Ang labis kong pagkagulat ay napalitan ng pagkamuhi. Nagsimulang humaba pang lalo ang aking mga pangil... At sa isang salamin ko nakita ang pagbabago... Ang dati kong kayumangging balat ay nagsimula nang maging maputla na tulad ng sa isang bangkay... Gayon na lamang din ang pagputla ng aking mga labi na dati tila kinuyom na rosas... Nakaramdam ako ng kakaibang lakas... Isang uri ng lakas na hindi ko pa naramdaman kailanman sa buhay ko... Nagdidilim ang aking paningin... Marahil ay kinatatakutan ko na ang aking sarili...
Hindi na ako ang nakikita ko sa salamin! Hindi ako ito!!! Hindi!!!!! Isa kang halimaaaaaw!!!!
BINABASA MO ANG
Bloodline
VampireA love story of the most powerful vampire who became the protector of the bearer of the blood which indeed can change the path of the human race.