Chapter 9: Nakakaloka

64 8 1
                                    


Joeu's Point of View.

Pero let's go back to the topic. Masyado nang malayo ang narating ng usapan.

Seriously, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayokong umalis dito kasi mas nakasanayan ko na dito. Hays.

May laban pa pala kami ng sayaw! Muntik ko nang makalimutan. At kalahati nalang ng isang buwan ang practice namin. Hindi ko pwedeng iwan nalang basta 'yung mga kagrupo ko. Malapit na 'yon, e. Malaking kawalan 'yon. Kailangan kong sabihin kay Mom 'to. Papakiusapan ko nalang si Mom na umalis nalang kami pagkatapos ng laban namin sa sayaw. Kaya pa naman 'yan.

Mapag iisipan ko din 'to. May ilang araw pa naman ako para mag isip.

Itinuon ko nalang 'yung diwa ko sa pagswi-swimming. Ang init talaga ng Pilipinas. Sorry naman. Ang hot ko kasi, e. Just kidding. Di naman ako hot. Pogi lang. Pero madaming nagsasabi na hot daw ako. Tapos 'yung iba naman, hot daw talaga ako kasi halata na sa kulay ko. Mga baliw ko lang na kagrupo 'yung nagsasabi nun. Ganun sila kahard sakin. Psh. Basta pogi ako. Kontento na ko dun. Di na rin naman maipagkakaila 'yon.

But seriously, grabeng init talaga ng Pilipinas sa ngayon. Malapit ng gumabi pero mainit pa din. Parang giant oven na 'to. Tsk.

Feel nyo ba? Ako kasi, sa sobrang feel ko. Dinaramdam ko na.

Louise' Point of View.

Natapos ko nang labhan 'tong uniform ng PMS. At ang kailangan ko nalang gawin ay isampay. Buti na nga lang e, hindi pahirapan 'tong pagtanggal ng mantsa. Buti na lang natanggal agad 'yon kung hindi, naku. Baka nagkukusot ako dito ngayon.

So, yun nga. Isasampay ko nalang 'tong uniform nya. Kaso ang problema, andyan si Mama sa labas at anytime na lumabas ako dito, makikita nya ko. Kaya sinisilip silip ko kung lalabas sya ng kitchen.

Mga thirty minutes na din akong pasilip silip dito. Muntik na nga ako mahuli kanina, e. Papalabas na kasi sana ako nang biglang lumingon si Mama sa direksyon ko. Kaya dali dali akong pumasok. Sa tabi kasi nang laundry room na 'to, e hagdan papuntang rooftop. Dun ang sampayan namin. Kung dito naman ako sa baba magsasampay, kailangan kong lumabas sa likuran. Pero mas mabuti kung sa rooftop kasi mas mahangin dun. Madaling matutuyo 'to.

Maya-maya'y nakita ko si Mama na lumabas ng kitchen kaya agad naman akong lumabas at umakyat.

"Hay salamat." ani ko habang papaakyat sa rooftop.

Napahawak ako sa noo ko na parang nagpunas ng pawis. Nakakaloka naman kasi, e. Daig ko pa ang hinotseat sa lagay na 'to.

Pagkaakyat ko, isinampay ko na agad 'to. Madali lang naman 'to matuyo dahil sakto lang 'yung pagkakapal nito. Baka mamayang after dinner, tuyo na rin 'to.

Bumaba na ko pagkatapos kong isampay 'yon. Syempre, tinignan ko muna kung nandun pa si Mama. At buti naman, wala. Bago ako lumabas ng kitchen ay uminom muna kong tubig. Nakakauhaw kaya. Halos thirty minutes ako pasilip silip plus 'yung oras pa nung naglaba ako. Kaboring nga, e.

"Oh nak, andito ka pala." saad ni Mama.

Nagulat ako. As in parang nafreeze ako dito sa kinatatayuan ko.

"Mukhang uhaw na uhaw ka yata, nak? May ginawa ka ba?" tanong nya.

Ibinaba ko ang baso tsaka humarap kay Mama.

"A-ah e-eh, n-nauhaw lang po ako Ma. Tama! Nauhaw lang po ako." sagot ko.

Ngumiti pa ko para di na naman ako kilatisin. Pero kinilatis nya pa rin ako.

"You're weird, nak. Tinanong lang kita pero parang takot na takot ka. Di naman ako nangangain sa ngayon, diet ako e." sambit ni Mama.

Halata ba? Grabe naman. Baka isipin nyo na nangangain ng tao si Mama. Hindi po, joke lang 'yon. Haha! Ay grabe naman si Mama.

You're Always In My Heart (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon