Louise Point of View.
Mabuti nalang dahil Saturday ngayon. Hindi ko man lang namalayaan na sabado na pala ngayon dahil sa mga nangyari nung lumipas na mga araw. Grabe lang, para kong na-middle of nowhere dahil sa mga nagdaang araw na 'yon.
Andito ako ngayon sa kwarto ko at nag aayos ng susuotin ko. Magtatanghali na din pala ako nang magising. Tsk! Napuyat ba naman ako kakaisip dun sa lalaking may regla na 'yon. Kung ano-ano kasi 'yung lumalabas sa bibig nya. Para syang siraulong ewan.
Tapos nung papalabas na kasi ako nang room kahapon, nagtama ang mata namin ng CGG except kay Christine at kung hindi ako nagkakamali e pinupuksa na nila ako sa utak nila gamit ang baygon. Oh diba? Hanep. Malakas ang kutob ko eh.
At ito pa, hindi ako makamove-on dahil seryoso daw sya na tatawagin nya kong wifey. Ay aba naman! OA na kung OA pero baka panibagong issue na naman 'tong mapapasukan ko. Like psh lang mga bes. Ayoko na. I hate drugs 'noh. Imbis na kiligin ako, nandiri pa ko. Sarap nyang sungalngalin ng pambomba ng inidoro.
Nga pala, may pupuntahan kasi ako ngayon kaya naghahanda ako ng susuotin ko. Oh diba? Kakagising ko lang, lalarga na ko. Sisimulan ko na kasi ang Oplan: Sulitin ang mga araw with Joeu or in short, OPLAN: SAMA with Joeu. Galing 'noh? Naman.
Pagkatapos ko ayusin ang susuotin ko, tinext ko na si Joeu.
To: Buddy Joeu
'Good morning buddy! Rise and shine! Gumising ka na at magbihis. Kita tayo sa Savoury. Walang pero pero! Bawal malate ha? 12 noon. I'm waiting. Ingat! ❤
-Louise.'
Then sent!
I go to my bathroom and do all my routine. Kelangan na mauna ko dun.
—
Bumaba na ko ng hagdan at naabutan ko si Mama na nagluluto kasama ang ibang maids namin.
"Oh nak, almost 11:30 am na ah. Ba't ngayon ka lang? Puyat ka ba?" tanong sakin ni Mama habang naggigisa sya.
Kumuha muna ko ng gatas sa ref tsaka sinalin dun sa baso ko.
"Opo eh." sagot ko.
"Oh. Ano bang ginawa mo? Nag internet ka na naman ba? O nanuod ng Korean Dramas?" curious na tanong nya sakin.
"None of the above, ma." sagot ko ulit tsaka ininom ang huling baso ng gatas.
"Akala ko, nanuod ka na naman eh. Di bale na. Kumain kana dyan." sabi ni Mama habang nakangiti.
"Baka hindi na po, Ma. Dun nalang po. Andun na po kasi yata si Joeu eh." sagot ko.
"Okay. Sige, ingat ka. Goodluck." sambit ni Mama na nakangiti sakin.
"Okay po. I love you, bye!" sambit ko tsaka lumabas ng bahay.
Sumakay na ko ng kotse ko. Yes, I have car. Sadyang nagpapadrive lang talaga ako kay Manong dahil ayokong iwanan ang kotse ko sa school. Dagdag responsibilidad eh. Tsaka natatamad ako pag uwian na.
Nagdrive na ko papuntang MOA sa Savoury dahil magkikita kami ni Joeu dun. Dun kasi ang napili kong meeting place dahil di pa ko nag-aalmusal plus lunch. At since magtatanghali na din naman, kakain muna kami dun.
Buti nalang di traffic ngayon, mukhang magandang araw 'to para sakin. Madalas kasing traffic ang daan papuntang MOA pag pumupunta ko.
-
Iniwan ko na sa parking lot ang sasakyan ko tsaka nagtungo papuntang loob ng MOA. Siguro, nandun na 'yon si Joeu. Pero di bale na, sinabi ko naman na 12 noon kami magkita eh. At konting minutes lang naman akong late.
BINABASA MO ANG
You're Always In My Heart (SLOW UPDATE)
Teen Fiction"Kung tayo talaga para sa isa't-isa, tayo talaga hanggang huli. Hindi lang tayo ang magtutulungan kundi pati na rin ang tadhana." ㅡ This contains grammatical errors. ;) Written by: After_Dawn PS. No to PLAGIARISM. It's a crime.