Chapter 16: Friendship

14 4 0
                                    

Joeu's Point of View.

Lumabas na ko sa room tsaka naglakad papunta sa antayan namin ni Louise. Namiss ko na naman kasi siya kaya nagmadali akong pumunta dun.

Masilayan ko lang 'yung ngiti niya, wala na agad lahat ng pagod ko. Nakakalungkot nga lang kasi hanggang sa skype ko nalang makikita 'yun sa mga susunod na linggo. Naiisip ko palang na mapapalayo ako sa kanya, parang dinudurog na yung puso ko ng almires. Grabe, lakas ng tama ko sa kanya.

Nakarating na ko sa antayan namin pero wala siya dito. Siguro, nag aayos pa yun ng gamit.

Bigla kong naalala si Tristan. Yung nakita ko siyang tumakbo paalis ng practice room nun. Kausapin ko kaya siya? May gusto lang akong malaman.

Oo, tama. Kelangan ko siyang kausapin mamaya. Mabuti na rin 'yon para malinaw na sakin ang lahat. Malakas kasi ang kutob ko.

"Boom!" gulat sakin ni Louise.

Natawa naman ako sa ginawa niya dahil para siyang bata. Hanggang ngayon, dala niya padin yung ugali niya simula nung bata pa kami. Ugali niya kasing manggulat na naka baril ang kamay niya tsaka itutusok sa tagiliran ko.

"Kanina ka pa ba? Sorry, buddy. Medyo matagal nagpalabas yung last prof namin." sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Okay lang yun, buddy. Handa naman akong hintayin ka kahit gaano pa 'yan katagal." sabi ko naman sa kanya.

"Aw, natouch naman ako buddy." sabi niya na parang natouch ng sobra.

Napatawa naman ako.

"Hahaha! May bayad kapag di ka natouch kaya dapat lang 'yan!" biro ko.

Nakita kong bigla siyang lumuha. Huh? Anong nangyari?

"Buddy, anong nangyari? May nasabi ba kong mali?" sabi ko hanggang nakatingin sa kanya.

She just shrugged her head then smile at me. Pinunasan niya rin yung mga luha niya gamit ang dalawa niyang kamay kaya naman kinuha ko 'yun at ako ang nagpunas.

"Di ko kasi alam ang gagawin ko kapag umalis kana. Wala na kong kukulitin kasi aalis kana. Wala nang tatayong kuya sakin dito. Wala na yung buddy ko na sasamahan ako sa mall para lang gumala. Wala na kong makakasama na buddy. Matagal ka rin kasing mawawala, eh." sambit niya habang lumuluha.

Niyakap ko siya nang mahigpit at doon siya umiyak ng sobra. Pati tuloy ako, napapaiyak.

Babalik talaga ako. Babalikan kita, Louise. Matapos ko lang yung pag aaral ko dun, lilipad agad ako dito.

"Tahan na, buddy. Promise, babalik agad ako dito pag graduate ko. Wag kanang malungkot. Magsumbong ka pa rin sakin kapag inaway ka dito. Ako nang bahala." sabi ko.

Hindi siya sumagot pero naramdaman kong mas lalo siyang umiyak.

"Babalik ako, promise ko 'yan sayo. Mag iingat ka palagi ha? Wag magpapalipas sa pag kain, lagot ka sakin." ma-awtoridad kong sabi.

Humarap siya sakin tsaka ngumiti.

"Ikaw din ha. Palagi kang mag ingat dun. Ayusin mo 'yung pag aaral mo para maging Engineer ka." sabi niya habang hawak niya ang dalawa kong pisngi.

"Yes po. Para sayo." sabi ko tsaka ngumiti.

Ngumiti nalang siya tsaka ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik. Mamimiss ko talaga siya ng sobra.

Hinatid ko na siya sa parking lot dahil nagtext na raw si Kuya, yung driver nila.

"Buddy, sabay kana samin." aya sakin ni Louise.

You're Always In My Heart (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon