Kevin's POV
Naranasan niyo na ba yung mapag laruan ng taong minahal mo? Ng taong sa akala mo ikaw lang. Sa taong pinakitang ikaw ang mundo niya. At sa taong minahal ka sobra? Sinadya nga ba na baliktarin ng tadhana ang mundo. Na ang dating ikaw lang ang iniintindi. Isa ka nang ngayong hangin."Kevin? Ayos ka lang?" Tanong ni Drianna sakin habang nakain.
Nandito kami sa cafeteria namin. Kasama ko Si Sofie, Kaylee at Drianna. Hindi Ako babaero ha? Tropa ko tong tatlong to. Simula kasi grade school mag kakaklase kami. Tapos ngayong college same school na naman. Walang sawa no?
Magkakaiba talaga kami ng course pero very Monday, Wednesday, Thursday at Friday pareho kami ng schedule. Minsan may pasok ng Saturday. Pero hindi na kami nag kakasabay dahil sa schedule namin.
Sa totoo Lang 11 talaga kaming magkaka tropa. Lahat kami same school talaga. Pero yung iba sobrang busy.
"Oo. 5months na kaming wala" tipid ko sumagot no?
"Maniwala kayo dyan kay Kevin. Panong hindi magkakaganyan yan, affected parin yan kay Pat" wow Kaylee. walang hiya ka! Sana pinreno mo yung bibig mo diba?
"Sinong Pat?" Tinaasan naman Ako ng kilay ni Sofie. Kilala niya talaga Si Pat.
Dati niya kayang best friend yun FO na sila ngayon dahil sila pa ni Mark may relasyon na sila ni Pat. Same as, kami pa ni Pat. Sila na ni Mark. Mas nauna lang malaman ni Sofie yun kesa sakin. Actually, tina-try nila sabihin sakin, Pero dahil mahal na mahal ko Si Pat, hindi Ako naniwala.
"Hello?! Si Patricia Sanchez. Yung usap usapang dine-date ni Mark Dela Cruz nung sila pa ni Kevs" pang asar naman na sinabi ni Drianna kay Sofie.
"Ayun?!" You don't need to shout.
"Oo!" Sabay namang sinabi nung dalawa kay Sofie
"As in?! Pambihira to! Iiyakan mo yung ex mong chararat naman" panlalait ni Sofie
Nakita ko namang pinandilatan siya ni Drianna at Kaylee.
"Eh diba ex mo si Mark?" pang asar kong tanong ko kay Sofie. Pero hindi talaga ako sure eh.
By the way. Papakilala ko muna yung tatlo kong kasama. Si Sofie. Siya Ang singer as tropa namin. Siya din Ang baby naman. You know why? Kasi 4'11 yung height niya. Cute kaya. Simple lang. Galit sa maaarte. Si Kaylee, siya naman yung dancer as tropa namin. Madalas sila magkasundo ni Sofie. Page may contest kasi sa university namin. Lagi sila yung magkalaban. Tapos lagi din sila nananalo. Last but not the least, Si Drianna. Siya ang pilya kong tropa. Pero mabait yan. Kung mabait ka. Si Drianna yung madalas kong kasama lalo na kapag kalokohan. Ay! Panalo kami dyan. Hindi naman mabubuo ang tropa niyo kung walang malakas mang trip diba? HAHAHAHA!
"Tigilan moko Kevin Villaruel ha?!" Tapos tinatawanan lang naman siya nila Kaylee. "Naka move on nako!" Sabay irap. Move on pala ha?
BINABASA MO ANG
My Other Half ❤
Teen FictionAccording to Greek Methology, humans are originally created with four arms, four legs and a head with two faces. Fearing their power, Zeus split them into two seperate beings condemning them to spend their lives to search for their other halves.