"Kevs!" Kinalabit ako nang nasa likod ko. Mag isa lang kasi ako sa library.
Yung Crush ko shit. Ganda niya talaga. Kapag nakikita ko siya, parang nawawala yung ibang bagay sa paligid niya. Tapos siya lang yung nakikita ko. Pero sa psychology class ko lang siya classmate ha?
Btw. Avery Felizardo pala. Ang cute kasi niya. Mala-siopao kasi yung pisngi niya. Tapos malalim yung dimples. Kahawig niya si Jade Thirlwall ng Little mix.
"Nakita ko yung notebook mo na naiwan sa desk mo kahapon. Nakita ko na hindi mo natapos yung pinapasulat" hindi nga. Kasi napalabas ako -,-
"Ahh. Oo eh"
"Ito oh" inabot niya sakin yung notebook niya.
Avery's POV
Ayaw niya ata kunin, Panget ba sulat ko? Sorry na. Minadali ko kasi yan eh."Ito oh" kunin mo na.
Natulala ata.
"Kunin mo na. May surprise recitation kasi mamaya"
"Surprise recitation? Eh bakit alam mo?" Hmm?! Sungit naman nito.
"Sinabi na samin. Siguro para sainyo lang yung surprise. Tapos samin recitation lang" yes! Kinuha niya yung notebook
"Eh Ikaw? Naka pag review ka na ba?"
"Uhm. Oo kagabi pa" dapat kasi talaga ngayon ako mag rereview, eh kaso wala kang pag hihiraman ng notes.
"Salamat ha? Pero pwede mo ba ituro sakin yung mga natutunan mo dito?"
"Nandyan na lahat yan. Naka highlight na. Tsaka naka sulat na sa likod yung mga natutunan ko. Share ko na lang" seryoso ng mukha niya. Parang hindi pa ata nakaka rinig ng joke sa buong buhay niya. O baka gusto nito na palaging seryoso.
"Salamat dito ha?" Shit ayun! Ngumiti din
"Anak ng tipaklong! Marunong ka pala ngumiti eh!"
"Madami lang akong iniisip" kung sa bagay, vice president ka ng student's council. Nakakapagod nga naman talaga dun.
"Masipag ka kasi eh! Wag ka lang madaldal"
BINABASA MO ANG
My Other Half ❤
Ficção AdolescenteAccording to Greek Methology, humans are originally created with four arms, four legs and a head with two faces. Fearing their power, Zeus split them into two seperate beings condemning them to spend their lives to search for their other halves.