TOF#Chapter 1
THOR
PEPPER'S POV
Dalawang beses tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko na ito at wala sa sarili kong binasa ang mensahe ng kaibigan kong si Dayzy.
LazyDayzy:
Bru!
Bruu!Bruuu!
Bruuuu!LazyDayzy:
Bruuuuhaaa!
Hoy!Natawa ako sa nabasa ko. Bakit hindi nalang niya ako tawagan kasi o puntahan kaya? Kapitbahay ko lang naman siya eh. Tumipa nalang ako ng reply sa kanya.
Ako: Hoy ka rin! Bakit ba kung makabruha ka para kang nahold-up? Ano ba ang kailangan mo bru?
Tumunog agad ang cellphone ko. Talagang hindi it busy dahil nagreply agad.
LazyDayzy: I need help, now na!
Ako: I am busy at the moment.
LazyDayzy: Pleaaaaseee bruuu!
Ako: Hay nako, di naman urgent yan eh! Punta ka nalang dito sa bahay.
LazyDayzy: Pa'no mo nalaman na hindi urgent aber?
Ako: I just know you from your ingrowns up to your balakubak! Haha.
LazyDayzy: Ewwwww! Ok I'll be there in 10.
Napailing nalang ako pagkatapos kaming magpalitan ng text at itinuloy ang paglilinis ko ng kwarto.
Yung 10 minutes niya ay naging 30 minutes. Paano, nakipagdaldalan pa kay Ina sa baba. May lusutan kasi kami ni Dayzy sa bakod na humahati sa bahay namin at bahay nila. Malapit iyon sa swimming pool namin. At alam kong nandoon si Ina at nililinis ang swimming pool.
May dala na itong pagkain nang bumungad siya sa pintuan ng kwarto kong sadyang iniwanan kong bukas.
"Ano 'yang dala mo?" I asked looking at the bowl she was holding.
"Caldereta ng mommy mo" she said. Saka natawa.
"Dumaan ka talaga ng ref ano? Nahiya naman ako sa'yo" I said sarcastically. Pero hindi niya ako pinansin. Makapal talaga ang mukha ng babaitang ito.
"Hoy may kwento ako" Imbes ay sabi nito saka umupo sa kama ko.
Nakinig nalang ako sa kwento niya without really giving a comment. Sanay na ako sa chismis niya, na eentertain ako minsan, minsan naman hindi. Natigil lang ito sa kaka daldal nang tinawag kami ni Ina.
"Pepper, Dayzy nalinis ko na ang pool join me for a dip"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Dayzy at saka nagunahang bumaba.
Akala ko naman ay tapos na si Dayzy sa kakadaldal niya ng chismis niya noong Sabado pero hindi pa pala. Nasa canteen kami ngayon at nagmemeryenda nang magtanong ito.
"Bru, ano'ng balak mo sa naikwento ko sa'yo?"
Uminom ako ng tubig at saka siya tinignan sa mata. "Wala, crush ko lang naman si Luke" sagot ko.
"Wehhh, di ka man lang nainis?"
"Bru, gawain naman niya yun diba? Sila ng barkada niya ay madaming ka flirt everywhere at hello? Mga gurang na ang mga yun, alam na nila ang ginagawa nila"
YOU ARE READING
''THE TWIST OF FATE''
Roman d'amourWhat happens if you changed heart literally!?Will it make you love the person your old heart has loved unconditionally? Find out in the Luke & Pepper Story.