Chapter15: Suprise !!!

7 0 0
                                    

[Tristan's POV]

"Mom, hindi ba pwedeng hindi ka na lang pumunta dun? Kaya naman na nila yun!" Inis kong sabi sa kanya.

"Honey, I need to go there. You know that it's important." Sagot ko.

"Tsss, but it's my birthday. You promise me that this day you'll stay with me." Sabi ko habang binabalik yung maleta niya sa compartment ng kotse.

"Honey, stop being so childish." saway ni mom, "Jose, pakilabas ulit yung maleta ko, malalate na ko sa flight ko." Napakamot naman ako sa ulo ko.

"But mom are you serious? Ito na nga lang yung araw na makakasama kita sa birthday ko eh. Please stay."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, tumingala siya sakin dahil mas matangkad ako sakay
nya. Ngumiti siya at Umiling. Napayuko ako.

Simula nung bata ako never pa kong nagcecelebrate ng birthday ko na kasama si Mom, ngayong araw lang naman to eh. hindi niya pa ko pagbigyan.

"I'm sorry honey, but I need to go." As I expected. Tumingin ako sa ibang direksyon, "Pumunta ka sa school, hinihintay ka ni Krishia dun. Bye honey, Happy birthday I love you!" I sighed, She wave her hand while walking.

Ginulo ko ang buhok ko at yumuko. What a sad birthday again.. -.- Hinintay ko yung driver namin para ihatid ako sa school.

Pumasok ako sa kotse at kinuha ang cellphone ko sa bag. Itetext ko kasi si Krishia.

To: Krishia Bansot
I'm on my way, hintayin mo ko dyan

Dumating yung driver namin at umalis na kami.

Ano bang meron? Sasabay siguro pauwi yun -.-

---

Pagdating ko dun, Tinap ko yung id ko para makapasok ako. Dumeretso ako ng pasok, pero hindi pa ko nakakalayo tinawag ako nung guard.

"Sir Tristan! Si ma'am Krishia po ba? Nasa Garden po siya." Tumango ako at umalis agad.

Pumunta ako agad sa Garden at napansing maliwanag dun. Ano na naman bang trip ni Krishia?

Pagkapasok ko dun namangha ako sa nakita ko. Napangiti ako.

Inilibot ko ang paningin ko. Yung puno may nakapalibot na christmas light, meron ding nakalambitin na pictures. Tinignan ko yung bawat picture na yun.

Napangiti ako habang inaalala ang mga picture na kuha namin nila Suzane,Kimberly at ni Krishia nung mga bata pa kami.

Andun yung picture namin ni Krishia na nakatakip yung mukha ko, inaasar niya kasi akong may gusto ako sa kanya.

Natawa naman ako nung makita ko yung mukha ni Suzane at Kimberly na asar na asar habang ako tawa ng tawa. Alam ko si Krishia ang may kuha nito eh.

Pero ang pinaka nakapukaw ng tingin ko ay yung picture na magkatinginan kami ni Krishia habang nakasandal sa pader at nakangiti sa isa't isa. That was taken when we are in Second year highschool.

Napatingin ako sa baba ng maapakan ko ang kumot na nakaladag sa lapag. Kulay blue yun at may nakalagay na basket.

Nasa gitna ako ng pag-iisip, ng biglang .....

"SUPRISE TRISTAN !!!!! HAPPY BIRTHD---"

"OH! SHIT SHIT !!! FVCK !!"

Sinaboy nila yung confetti sa mukha ko pagkaharap ko kaya na'out balance ako, dahil sa gulat ko napahawak ako sa dibdib ko.

Tumawa naman silang apat. Lumapit sakin si Xander at tinulungan akong tumayo. Teka bakit andito to?

"Okay ka lang Tristan?" Tanong ni Krishia. Tumango ako at ngumiti.

Fated To Love YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang