Chapter 2
Carren"s POV
"Ma andito na po ako.." sabi ko habang papasok ng bahay..
Teka bakit walang sumasagot?
"Ma..." tawag ko ulit..
Grabe kinakabahan na ako.. walang sumasagot .. Imposible naman na umalis siya kasi bukas yung pinto, hindi lumalabas si mama ng iniiwang bukas yung pinto..
Sandali ..
Di kaya pinasok kami ng magnanakaw?
nahhh..
Imposible naman yun..
Ano naman babalaking nakawin nung magnanakaw .. Eh mahirap lang naman kami..
*footsteps*
teka?
Parang may naririnig ako ah..
sumilip agad ako sa may hagdanan namin kasi may narinig akong yabag..
"Oh? Anak, andyan ka na pala.."
" Ma, san ka ba galing? Kanina pa kita tinatawag, akala ko may nangyari na.. Di ka kasi sumasagot ehh.."
"Ah, nasa bubong kasi ako inaayos yung nasira nating bubong.. Natapakan kasi nung kapit bahay na umakyat sa may bubungan natin kaya ayun nasira.." ang sipag talaga ni mama, multi-talented pa.. biruin mo karpintero naman ang peg ngayon nung nakaraan electrician eh..
"Sabi naman sayo payagan mo na akong mag working student para pag nakaipon na tayo makahanap tayo ng matinong titirhan.. dilikado kasi dito ehh.."
totoo naman , bukod sa dikit dikit ang bahay .. Wala pang pakinabang yung nag papaupa.. sira na nga yung pinapaupahan wala pa rin pakelam.
"hay naku anak.. Hindi nga pwede, parang sinabi mo naman na wala akong kwentang ina niyan.."
"hay mama.. GUsto ko lang naman po makatulong sa inyo.."
"Anak wag ka na mag alala. Intindihin mo nalang ang pag aaral mo ok?"
"Sige po mama.. akyat na po ako " paalam ko kay mama
"sandali nga , Bakit pala ang aga mo? Nag cutting ka ba?" grabe si mama, change mood agad?
"Hindi po mama, nagkaron po ng emergency sa school kaya class suspend na po.." hehe syempre di ko na sinabi yung rason noh? alangan naman po sabihin ko dahil lang sa bestfrend ko..
-------fast--forward------
(kinabukasan)
on the way na ako sa school ngayon habang naglalakad.. malapit lang naman eh..
Mga 30 mins. na lakaran, diba ang lapit lang?
*beep beep*
teka ako ba yung binubusinahan ng kotse?
Dahil mukhang ako naman yun kasi ako lang naman tao dito, agad na akong tumabi dahil mukhang bad mood si manong driver..
Nung tumabi na ako agad na huminto sa harap ko yung kotse at bumusina ulet..
Ano ba problema nito?
Dahil baka ma-late ako, agad na akong naglakad at di pinansin yung kotse..
"Psst.." ha? ako ba yung tinatawag?
"Carren" ha? ako nga yun..
Agad naman akong lumingon at nakita ko si bff sakay nung kotse na kanina pa busina ng busina..
"Oh? Bago na naman kotseng gamit mo?" tanong ko sa kanya
"dito na tayo mag usap sa loob, sakay ka na .. bumubusina na yung kotse sa likuran oh.." dahil sa sinabi niya agad na akong pumasok..
nakakapagtaka nga eh.. kasi ang tahimik niya, akala ko pa naman mag uusap kami habng nasa byahe pero silent type siya ngayon..
May nangyari kaya?
Hanggang sa umabot na kami sa classroom , wala pa rin siyang imik..
Dahil sa wala naman yung 1st period teacher namin, tinanong ko na siya..
"Uyy, ano nangyari sayo at tahimik ka?"
"May sasabihin ako sayo , kaso lang di ko alam kung goodnews o badnews.." malungkot na sabi niya sakin..
Nag aalala na talaga ako kasi di naman siya ganito..
"edi sabihin mo sakin, nang malaman natin kung good or bad yan.."
"KAsi yung ultimate crush ko na lagi ko kinukwento sayo, fiance ko na siya.."
"HA? Fiance agad? wala bang ligawan factor muna? "
grabe, bilib na talaga ko sa pamilya valentine, wala talaga imposible..
"more on sa family alliance siya eh.. Alam mo naman na matagal ng magkalaban ang pamilyang Del Roa at Valentine.. eto ang way ng dalawang pamilya para magkaroon na ng pagkakasundo."
"oh, good news naman pala siya ehh.."
"Ayos na nga lahat ang problema lang naman dun, ayaw ng fiance ko sakin.."
"Aba, ang yabang ng lalaking yan ah.. Sino siya para tanggihan ka.. Bukod sa Maganda, Mabait, Matalino at higit sa lahat mayaman. Ano pa ang hinahanap niya sayo?"
"Ewan ko nga din eh.. Gusto mo ipakilala kita?"
"Sige ba , nang malaman niyang karapat dapat ka"
===========================================
a/n
Zeph on the right-------------------->>>
![](https://img.wattpad.com/cover/8037902-288-k2704.jpg)
BINABASA MO ANG
Formula of Love
Teen FictionSa buhay natin minsan may mga natatanong tayo sa ating sarili. Bakit kahit sinasabi ng iba na masarap magmahal pero masakit? Ngek!!! Ano kaya yun? May mga magagawa ba tayo kung paano maiiwasan ang masaktan? What is the formula of Love? Halina't sub...