chapter 4
Carren's POV
hayy sa wakas.. natapos din sa pamamasyal, eto naman kasi si Zeph makashopping wagas ako nalulunod sa pera sa ginagawa niya eh.. lalo ko tuloy nararamdaman na ang poor ko..
"Oh, Carren sure ka dito na lang kita ihahatid? Malayo pa lalakarin mo." tanong sa akin ni Zeph
"Oo bhes, mahirap na baka magasgasan pa yang kotse niyo. Bago pa man din."
"Eto naman, inalala mo pa kotse namin eh pwede naman ito palitan ikaw hindi.. Pero sige, kung yan ang gusto mo. Kita nalang tayo bukas ah.."
"Osege.." Sabi ko habang kumakaway.
Nang hindi ko na matanaw yung kotse nila agad ko ng sinimulan ang maglakad.
Pero bakit ganito yung feeling ko, parang may sumusunod sakin?
Di kaya sila yung nakita ko kanina na mga nagkukumpulang lalaki?
Naku imposible naman yun, nagiba na nga ako ng way kahit na mas napalayo pa ko para lang maiwasan sila tapos susundan pa nila ako?
Hindi Carren, baka guni guni mo lang yun. Kasi Hindi naman ako nakita ng mga yun.
Habang papalapit na ako sa bahay namin at isang iskinita na lang ang dadaanan ko. Mas lalo pa ko kinabahan kesa sa matuwa kahit na malapit na ako samin. PAano ba naman nakatambay na naman yung lalaki samin na kinaiinisan ko. Stalker ko ata toh eh, o sinasadya niya lang ata na abangan ako kada lalabas o papasok ako ng bahay. Dahil ayoko na siyang problemahin minadali kong pumasok na sa bahay. Syempre ang bumungad sakin eh si Mama.
"San ka galing at ginabi ka na. 7 na oh ? hanggang 5 ka lang diba?"
"Ah.. Ma sinamahan ko pa po kasi si Zeph. Pasensya na po at di ako nakapagpaalam, biglaaan po kasi eh.."
"Osege, nag aalala lang kasi ako sayo dahil gabi na di ka pa umuuwi. Osege magbihis ka na at ng makakain ka."
Pagkatapos yun sabihin ni Mama agad na din ako umakyat para magbihis. Habang nagbibihis ako bigla kong narinig si Mama.
"Carren, kanina pala may naghahanap sayong lalaki. May boyfriend ka na ba ha?"
Dahil sa sinabi ni Mama agad ako bumaba at kinumpirma ang sinabi niya.
"Ha? Ano Ma boyfriend? Eh masyado nga ako busy sa pag aaral tapos magkakaroon pa ako nun."
"Wag ka mag alala anak. Kaya nga ako nagtatanong eh. Kasi di ko alam kung sino yun. Nung tinanong ko kasi ang sabi lang kaibigan mo daw siya. Baka naman nanliligaw pa lang sayo."
"Mama naman. Wala nga akong ideya sa lahat ng sinasabi mo eh. Di kaya nagtitrip lang yun ?"
"Parang hindi naman. Mukhang disente naman tingnan yung lalaki at gwapo pa."
"Mama ganun talaga. Iba na ang panahon ngayon. Kahit pa yung mga disente tingan yun pa ang manloloko.."
![](https://img.wattpad.com/cover/8037902-288-k2704.jpg)
BINABASA MO ANG
Formula of Love
Novela JuvenilSa buhay natin minsan may mga natatanong tayo sa ating sarili. Bakit kahit sinasabi ng iba na masarap magmahal pero masakit? Ngek!!! Ano kaya yun? May mga magagawa ba tayo kung paano maiiwasan ang masaktan? What is the formula of Love? Halina't sub...