CHAPTER V

2 0 0
                                    


Reg's POV


Then, there my eyes landed on a pair of familiar green eyes.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko pero di ko nagawang alisin ang mga mata ko sa mga mata nya

Lahat ng pinagkaingatan kong buuin bigla na lang gumuho

Lahat ng mga alaalang pilit kong kalimutan ay parang hanging sumasampal sa akin

Lahat ng sugat na matagal kong pinaghilum ay muling dumugo

Untiunti syang lumalapit sa akin kaya napaatras ako

Nakalimutan ko pangang yakap parin ako ni Jino

"Beh? May problema ba?" Tanong nya nung sigurong naramdaman nyang hindi ako kumportable

Hindi ko magawang magsalita patuloy lang ako sa pagatras

"Gin" tawag nyang naging hudyat ng pagtakbo ko

Alam kong nakamasid ang lahat

Tinatawag pa ako ni Art at ni Jino pero di ko pinansin

I run and run and run until I reach the parking lot

Patuloy pa rin ako sa pagiyak hanggang nakita ko yung kotse ko

Akala ko nakalimutan ko na lahat pero andito parin pala yung sakit at yung galit na matagal kong itinago

Kukunin ko sana yung susi ko kaya lang naiwan ko pala yung bag ko sa loob pinahid ko ang luha ko

Buti na lang talaga nasa likod nung firm ang parking lot at hindi ako makikita ng mga tao

Sumandal lang ako dun sa kotse

Kinuha ko yung cellphone kong nasa bulsa para tawagan si Daddy,

Pero di ko pa nadadial yung cellphone number nya nung may tumawag sa akin sa isang pangalang sana'y hindi na nabuo

"Gin" napatingin ako sa mga matang naglalabas ng hindi mabilang bilang na emosyon

Bakit parang sya pa itong galit ay sya tong may kasalanan

Nagiwas ako ng tingin dahil ayaw ko ng paniwalaan ang mga matang iyon

Mga matang hindi nagawang magsabi ng katotohanan

Ano bang ginagawa nya dito sa Davao eh nasa Cebu ang hacienda nila

Naglakad ako palayo sa kanya

Hindi ko kayang maging malapit sa kanya para akong sinasakal

Laking gulat ko lang nung nagsalita sya

"Tatakbo ka na naman? Bakit Gin? Kaya ba mas pinili mong hindi ako hintayin kasi may iba ng naghihintay sa yo?" Tapos tumawa

Ang lakas ng loob nyang manumbat ay sya tong unang hindi tumupad sa mga salitang binitiwan nya

"Wala kang pakialam" sabi ko sya nililingon

Hindi ko ugaling manumbat

Pero di ako ganung ka masokista

Kung nasasaktan ako lakayo na lang ako

"Ang hilig mo talagang tumakbo. Pero sa bawat pagtakbo mo wag mong aasahang hahabulin kita"

Asa!!

Kaya nga ako lumayo dahil sayo bakit naman ako magpapahabol

"Wala akong pakialam sa yo." Malamig kong sabi at tuluyan na syang

Nagdirediretso ako sa loob ng firm

Naabutan kong naguusap si Art at si Jino

Nakita ako ni Jino kaya agad nya akong nilapitan

Pero hindi nya ako hinawakan katulad ng lagi nyang ginagawa

Sa halip para syang balisa

"Beh, may nagawa ba akong masama?" Tanong nya

Medyo naguluhan ako

Narinig kong dumating siyang may kasamang janitor para malinis yung natapon kanina

Saka ko lang naalala yung nagawa ko kay Jino kanina

"No, Jino nabigla lang ako kanina. I'm sorry"

Saka ko sya nginitian

"I'm sorry talaga Reg." Sambit nya na medyo nakangiti na

"Okay lang talaga" sabi ko na lang at tinapik sya

Yayakapin na nya sana ulit ako kaya lang tumunog ang cellphone ko

"Excuse me lang" sabi ko at saka kinuha yung phone ko

Dinampot ko na rin yung bag ko

It's my dad

Lumabas ako ng firm at nagpunta dun sa maliit na garden na may bench

Sinagot ko yung tawag

"Hello"

[Princess, I miss you] Only God knows how much I missed my father

"I miss you, too"

[I know, but you're in Davao, right?]

"Yeah." How I wish my father was here

[I know you can do something to fix that. I'm so proud of you]

"Thanks" paano ako makakaalis dito kung inaasahan ako ni Dad

[I need to go princess. I love you]

"I love you too" and I ended the call

Napabuntong hininga na lang ako

I need to fix this firm

Minsan lang magkaroon ng expectation sa kin si Dad

I don't want to disappoint him

"Kanina lang may kayakap kang lalaking may asawa tapos ngayon may sinabihan ka ng I love you. Di lang yun. Jian Antonio Baes, the one you call Jino, ay ang nagiisang tagapagmana ng pinakamalaking business dito sa Davao at yung katawagan mo, sya ba yung mayamang negosyanteng kumuha sayo sa Cebu? Akala ko mali lang talaga ang pagkakakilala sa yo ni Mama pero sa nakita at narinig ko tama sya. You are nothing but a slut and a gold digger. Kaya hindi mo ako nagawang hintayin kasi nakakita ka ng mas mayaman sa akin" dahil sa sinabi nya di ko napigilan ang sarili kn at nasampal ko sya

"Wala ka palang kwenta. Sana tinanong mo ang nanay mo kung anong sinabi nyang nagudyok sa akin para umalis"

Ang kapal ng mukha nyang sumbatan ako

Sa aming dalawa sya ang nanloko at sya ang nanakit pero bakit sya pa itong galit?

"At pano sya nadawit dito?! Dahil sinabi nyang ayaw nya sa yo di mo ako nagawang hintayin at sumuko ka?! Ang galing mo din ano?!" At talagang naniwala sya sa nanay nyang yun lang ang sinabi sa akin

Hindi ako ganung kababaw!

"Why don't you ask her again?!" Hindi pa sya nakakapagsalita tinalikuran ko na sya

Nagdirediretso na lang ako sa parking lot para makauwi

Mamaya ko na lang itetext si Art para sabihing bukas ako magsisimula

I want to run away and leave this place but I can't

Dad was expecting me to this right

Kaya titiisin kong andito sya

Para mapatunayan kong hindi nya ako madadala sa paninindak nya


RunWhere stories live. Discover now