Reg's POV
Pinuntahan ko yung working place ko
Isa syang open room na may working table
Walang mga gamit
Bukas ko na lang dadalhin yung mga gamit ko dito
Ipinatong ko na lang yung bag ko dun sa table at naupo
Pinagmasdan kong mabuti yung room
May isang simpleng painting sa dingding at isang shelf na puno ng mga files
lumapit ako dun at binasa ang mga nakalagay dun
Ito yung mga report tungkol sa mga nangyayari sa firm
Mga clients, employees, projects pati yung mga nagOJT dito
Nung nagOJT ako dito wala akong kasabay dahil iba ang schedule ng OJT dito
lahat ng empleyado dito kakilala ko pati guards at maintenance
Sobra nila akong binunso kahit hindi ako gaanong umiimik
Ewan ko ba
Nung napunta ako dito dati medyo nagkabuhay ako at nung umalis ako muli akong namatay
Sa unang tingin nga sa akin hindi aakalaing taga Maynila ako
Natigil lang ako sa pagalaala nung pumasok si Aling Cora
"Hija, buti naman at nagawa mo ulit kaming balikan." Ngumiti ako
Para siyang ang lola ko
Now I miss home
Kahit alam kong hindi na iyon kagaya ng dati
"Hija, napansin ko lang ito simula pa noon. Subukan mong maging masaya para magkakulay ang mundo mo." Lumapit siya sa akin at tiningnan ako na para akong isang batang iniwan ng magulang
Hindi parin ako nagsasalita at nagpatuloy lang siya
Hindi ko naman alam kunga naong mga pinagdaanan mo kasi hindi mo naman sinasabi. Pero alam kong malalim ang sugat na iniwan ng nakaraan sa iyo at pinili mong pagsaraduhan ang lahat ng tao dyan sa puso mo. Tandaan mo ito, kahit anong pagsasarado ang gawin mo may magmamahal at may sisira parin dyan sa puso mo. Hayaan mong maging masaya ka. Pagbuksan mo ang mga kumakatok. Saad niya at ngumiti
Nakatitig lang ako sa kanya
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin
Silence so loud that I cant hear a thing
Tumayo ako sa upuan ko at nilapitan yung painting
paano po bam aging masaya? tanong ko
Kapag natutunan mong pagkatiwalaan ang mga tao sa paligid mo at natutunan mo silang mahalin magiging masaya ka. Ang pagiging masaya ay hindi kayang tumbasan ng kahit ano. Yan ang bumubbuhay sa tao. Nilapitan niya ako at tinitigan
Nakakatakot pong magtiwala. Lahat ng tao ay may patalim na handa kang saksakin sa oras na ibigay mo sa kanila ang pagkakataon. At ang pagkakataon pong iyon ay pag natutunan mo silang pagkatiwalaan. Inilipat ko sa kanya ang aking tingin
Nakatitig parin siya sa akin.
Hindi naman lahat ng patalim nila ay nakatutok sa yo. Bakit natatakot ka? tanong niyang muli
Napabuntong hininga na lang ako
Kasi minsan na po akong nasaksak at sa sobrang sakit ay parang hindi ko na naramdamang buhay ako. Tinitigan ko siya sa mga mata. Nag iinit na ang sulok ng mata ko at nagaamba na ang pagtulo ng mga luha ko
![](https://img.wattpad.com/cover/70226824-288-k706169.jpg)
YOU ARE READING
Run
RomanceLove so painful that it kills anyone inside Young love that parted because of wrong accusation and manipulation of other people Will love find its way to where it really belongs? Or it will be gone forever?