Chapter 1: Meet the King

109 1 0
                                    

Naglalakad lang ako sa hallway magisa, kasi naman Break time, On the way ako sa Canteen.Gutom na ko eh. 

"Brielle!" napahinto ako nang marinig kong tinawag ako ni Ma'm Infante. pero dahil sa mabait ako,  hindi ako lumingon.

"Brielle!" narinig kong tinawag niya ako ulit. Kungwari hindi ko na lang siya narinig! ahaha.

Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad sa hallway.

"GABRIELLE SARAH SAAVEDRA!" napahinto na ako kasi binuo na ang pangalan ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanya sabay fake smile.

"Bakit po ma'm?" painosente kong tanong.

"Ikaw bata ka! Bingi ka na ata! kanina pa kita tinatawag! hindi mo ba ko naririnig?" tanong niya sabay kutos sakin.

"Hindi po eh ma'm. hehe." sagot ko naman.

"Nakuu! ikaw talaga. oh ito testpapers sa math ng classmates mo, pakilista yung score nila, bilis kailangan ko yan mamaya." utos niya sakin. Ayan ang dahilan kaya ayoko lumingon kanina, yung mga teacher na yan talaga! (-_-)

Goodbye break time. huhu.

Naglakad ako papunta sa classroom namin na nagvivibrate ang sikmura sa gutom.hayy.

Kung tinatanong niyo nasan ang super friends or barkada ko? Wala. Hoy! hindi ako loner, sadyang ganito lang buhay ko. Solo flight, maiintindihan niyo din pag nameet niyo ang classmates ko. Maraming kaclose pero no barkada. 

Nang makarating ako sa room walang tao kaya diretso ako upo.

"AH!" nagulat ako ng nasa harap ko na pala ang isang nerd.

Si Ayumi Sautome, Invisible girl ang tawag sa kanya ng classmates ko, may kakayahan daw kasi siya na hindi mapansin ng iba. tahimik lang naman kasi siya.

dahil we're not close, Nagpatuloy na lang ako sa paglilista.

"Ayumi! Ikaw pala ang top score sa math, tignan mo!" kusa yung lumabas sa bibig ko kasi nabilib ako sa score niya.

"Ako nga 3/50 lang!" sabi ko. Totoo naman eh, mahina ako sa magaling na subject na yan.

"ahaha, Don't worry i'll help you sometimes." ngumiti siya! *0*

mabait naman pala siya, akala ko isa siyang dakilang isnabera. May kagandhan din siya, di lang pansin. Pure Japanese siya sa pagkakarinig ko hindi ko lang alam kung bakit sa pilipinas siya nagaral. Ano ako stalker niya?

Pagkatapos ko yung score nagwave na ako at nagwave back sa kanya kasi pupunta na kong sa faculty para ipass to kay ma'm. Pagkakita ko pa lang sa mga score ng classmates ko siguradong mangagalaiti nanaman si Ma'm.

Papasok na sana ako faculty nang makita kong may kausap si ma'm infante.Nakuu! galit na galit yung itsura niya. Alam ko kasi ganyan na ganyan yung itsura niya pag nagtuturo siya sa section namin. Section F, PinakaB.O.B.O.ng section. Okey let me rephrase it, Pinakaslow gets na section.

Back to the Scene, kausap niya ang isang 4th year student. May itsura, Maputi at kamukha ni Kim soo hyun ng Dream high! kilala niyo yon? haha.

"Mr. Akio Kin! ilang beses ka nang skip ng classes at dahil sa iyo muntikan pang magsuicide itong si Anna, Pinaasa't niloko mo daw siya!" pagpapagalit ni ma'm dun sa guy.

Magsuicide?! grabe naman! Nakuha pang maghikab nung lalaki habang umiiyak na yung babae.

"I'm sorry Mr. Akio but i have no choice, ibabagsak kita pag ipangapatuloy mo yan." sabi ni ma'm infante sa kanya. Tumayo lang yung lalaki at nagsmirk.

"Tsukarani Koto o Yuna. The next time you tell me that please make sure that i don't perfect your exam." sabi ni Akio sabay tayo.

(Japanese;Don't talk such non-sense/Don't talk rubbish)

"H-He's really heartless! Heartless... y-you played with me! You heartless Prince!" humagulgol yung Anna.

Lumingon lang yung nakatalikod na si Akio.

"Prince? what a petty title. I don't desrved that. It's King, Heartless King."

End of First Chapter

Author's Note: Hey! sa nakabasa po nito, yung Brielle is pronounced as Bri-yel. Thanks for reading. :)

Heartless KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon