Chapter 4: Meet Section Ace

33 1 0
                                    

Meet Section Ace

~Brielle’s Point of View~

“Section F! May maganda akong announcement!INTRAMURALS NAAAAA!”Tuwang tuwang sabi ni Ma’m Infante.

*no reaction*

“oh bakit ganyan yung mga mukha niyo? Magtraining na kayo! 2 weeks na lang intrams na!Para may laban ang section natin diba?”Sabi ni ma’m samin sabay hampas dun sa table ng room.

“eh ma’m sigurado nanaman Section Ace na yung panalo eh!”Sigaw ni Ryan, yung classmate kong ma-bangs.(Section Ace-Section A)

“Wag kayo mawalan ng pagasaClass! Tignan niyo ko kahit---“Nacutoff yung sinasabi ni ma’m.

“Kahit gurang pa never gives up padin Maghanap ng papatol sa kanya!” Hirit ni Mitch.

“Kahit magtutwenty one na, No boyfriend since birth padin.”Sabi pa ni Vergel.

“Kahit  old lady na at chakabels na, hindi parin marunong magmake-up!”sabat ni Hannah.

“Kahit matanda na,Wala pa ring curves.”Sabi ni Dino.

MGA  BWISET KAYO!IBABAGSAK KO KAYO! ”Sumigaw  na si  Ma’m.Poker faced lang kami na nakatingin sa kanya.Matagal na silang bagsak eh.

*pabulong*May curves naman ako ah,At  tsaka ayos naman make-up ko eh.”Sabi ni Ma’m sabay salamin.

“Dahil kulelat naman tayo sa sports,Babawi na lang tayo sa utak.”Seryosong sabi ni ma’m.

“haaaaaaaaa?!Seryoso ka ma’m?pati nga diyan,Kulang tayo eh.”Sigaw ko. Hindi ko napigilan Mag-react eh.

“Gaga to! Ang ibig ko sabihin gusto ko magmasid masid kayo sa laban at practice ng section Ace para malaman niyo yung weakness nila.”Sabi ni ma’m.

~After  Section F’s Class (Kung saan walang nakinig)~

“Kyaaaaaaaa~! Go POGI!”Sigaw nung classmate kong si Ynna.Hindi lang siya yung mga kaklase ko ding babae. Hindi lang pala babae..

“Oh my goodness!Fafables GO!Kyaaaaaaa~!”Sigaw ni Mitch. Oo, pati tong baklang ito nakikisali.So ang ibig sabihin pala ni ma’m Eh ganto? Maglandi.

“Go ~ Cloud!”Sigaw nung mga kaklase kong si Jannette.

“Sino yon? Cloud  ?” Tanong ko sakanya.  Ito pala si Jannette,Hindi masyadong malandi, maharot lang nga.

“Gaga! Yun oh yung may dimples! anak ng sikat na pianist.. GO CLOUD!”Sagot niya sakit na may kasamang tili.

Hindi ba pwedeng ituro na lang? hindi ko parin naman makita yung mukha,medyo malayo din kasi.

“Go Al~!”Narinig ko bigla si jannette iba nanamn chinecheer.

“sino nanaman yun?” Tanong ko ulit, err sensya na wala akong Kilala sa kanila eh.

“Oo, Yung poging poging yun! Yung brown-haired at may kissable lips.Si Alfonse!”Sabi ni Fray.

“Duhh mas pogi nman yung Gangster type, Keaser!”Sabat ni Hannah.(a/n:Also spelled as K-ser)

"Gaga! hindi kaya nagsasalita yan! si Milleca lang kinakausap niyan,Wala ka ngang pagasa." pang-aapi ni Jannette sa kanya.

“Hay naku mga day! Tumigel na nga kayu! Walang tatalu kay Al! hap Ipanis yan!”Sabi ni Nadine—A.K.A Dinang. Oo, bisaya siya. Sinasabi niya half spanish daw yung guy.

“Oo nga, wala ngang tatalo kay Al!Ambait bait niya pa, at ang editor in chief ng School newspaper!”Sabat ni Bianca.

Kanina ko pa gusto magcomment eh,PAKE KO?!Pero may napansin akong may itsura dun eh.Mukhang koreano, kamukha Ni kim kibum ng Super Juniors.  :3

“eh yun? Yung kakashoot lang sino yun?”Tanong ko.

“si Joong-ki! ang Korean playboy. Half korean at tinaguriang Casanova Prince ng school!Bestfriend ni Akio. Tsk tsk! Playboy yan girl.”Kilig na sabi ni Hannah.Ayshet. Nevermind! Bestfriend pala niya yung nakakairitang nilalang nayon.

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! AKIO! ANG GALING MO!”Napatakip ako ng tenga sa sigaw nang  mga malalandi kong Classmate.Nagsigawan sila kasi nashoot ni Akio yung bola sa ring. Eh ano naman ngayon?

Walang kwenta, lalayas na lang ako. Paalis na sana ako nang makita yung apat na girlsdun na no reaction habang pinapanood yung lima. Dun si Ayumi nanonood mag-isa. Ayun tahimik manood, hindi mababasag yung eardrums ko.

“Ayumi.”Tinawag ko siya at nginitian. Nginitian niya lang ako.

“Nanonood ka din?” Tanong ko. Malamang diba? Tanga ko talaga.

“Ah Oo.”Ngumiti siya.

“sino bang pinapanood mo? May crush ka sa isa sa kanila no.”Tanong ko, I’m just kidding with her.Nagulat ako nang magblush siya.Halata yung pamumula niya kasi maputi siya.

“Ayiieh! May crush ka nga sa kanila!Sino? Sino?”Pangungulit ko. Nakakacurious eh.Sasagot na sana siya nang..

“Aray!” Napatingin ako sa nakatama sakin ng bola. Bastos yun, hindi man lang nagpasorry.

“Hoy! Natamaan mo ko ng bola.” Sigaw ko dun sa nakatama sakin.Sino pa ba? Edi si Akio.

 “hindi ko naman sinasadya eh. Sorry, miss class president.” Then he smirked.

Sinadya niya yuuuun! Bakit ba kasi nangbubwiset pa siya,Eh hindi naman kami close. Nakakainis lang! Nagulat na lang ako nang magsilapit sakin Yung mga kaklase kong babae.

“wow ang swerte mo Brielle Kinausap ka ni Akio! Dream come truuueee!”Sabi ni Hannah sakin.

“Bwiset kang babaita ka. Super swerte mong girlalu ka. hmp! Mangaagaw ng fafables!”Sabi ni Mitch sabay pabirong sabunot Sakin.

Nainis lang ako. Leche. Makalayas na nga. Mayamaya natapos ko na sila Magpractice..

“Brielle.” Tawag sakin ni Akio  Pagkadaan niya sabay kindat Na naging dahilan bakitTinignan tuloy ako ng masama Ng mga babae galing sa ibang Section.

He smirked. Arg! Nakakainis talaga siya!

Heartless KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon