Chapter 9: The king's Five Treasures

23 0 0
                                    

The king’s Five treasures

~Brielle’s Point of View~

“Hoooy! Brielle!” Napalingon ako kung sino yung nagtatawag sa akin. Si Racie lang pala.

“Woah.” Bigla siyang napaatras nang makita niya yung halos dalawang kahon na papeles na dala-dala ko.

“My Goodness! Pwede ka na magtayo ng bahay sa dami ng papel na yan ah. Anong gagawin mo diyan?”Tanong niya.

“pinapaarrange ng President ng aristocratic council.” Poker face kong sagot.

“Oh my Gosh! Ang swerte mo talaga! Kami ngang section C hindi pwede sa Council, ikaw section F pinayagan! Swerte mo, tapos araw araw mo pa makikita si Akio!” Sabi ni Racie, section C kasi yan.

Blah.blah. sawang sawa na ko sa kakarinig niyan, pati kaya mga kaklase kong babae at bakla ganyan ang sinasabi sakin.

“Umm, pedeng pakihawak muna to, Bibili muna pala ako ng Latte sa Canteen.” Sabi ko kay Racie sabay abot nung ibang papeles.

“ano ka ba? Wala na diyang Latte.Matagal nang inalis kasi ayaw ni Akio nang Latte. Kung gusto mo lumabas ka ng school, Doon meron. 15 minutes walk sa isang Convenience store.” Sabi naman niya.

Bwiset naman kasi eh.  Yung Akio kin na yun lahat ng pwedeng iutos iuutos na! Bakit? Slave niya kasi ako diba?

Tanga ba naman ako. Hindi ko kasi alam na siya pala yung nilalaban ng school sa chess at dahil sa kanya laging Champion ang Ventura Academy. Ang kinaiinis ko lang, ayaw naman pala niya ng Latte eh, Gusto lang akong pahirapan! Bwiset.

“Oo nga pala, bakit mo pala ko tinawag?” Tanong ko kay Racie.

“Kasi diba lagi ka nang absent sa Gathering ng biology club?” Sabi niya. Ay Oo nga pala. Nasabi ko na diba? Member ako ng biology club.

“Ay pasensya na ah? Naging busy kasi yung council eh At tsaka yung practice nang basketball.”Sabi ko.

“Okey lang naman girl eh. Basta pumunta ka bukas kasi Iba na ang  president natin.”Sabi niya na may halong kilig, Ha?bakit naman kaya?

Nagmamadali na ko pumuntang Council Room kasi baka magdada nanaman Yung Akio Kin na yun.

Papasok na sana ako ng room, Nang may nakita akong babaeng Umiiyak palabas ng council room.

“AKIO, MAGPAPAKAMATAY AKO!” Umiiyak na sigaw nung babae.

“Sige gawin mo, Kahit mamatay ka pa, I won’t ever love you.” Akio said coldy to the girl.

Tumakbo na lang yung babae paalis. Pagpasok ko sa council room, Umaarte ang lahat na parang walang nangyari.

“umm. Anong nangyari don Kay Jenny?” Tanong ko.

“You know her?” Tanong naman ni Blue sakin Sabay kagat dun sa mansanas na hawak ni Alfonse. Tumingin lang ng masama si Al at nilayo yung mansanas.

“Oo. Muse kasi siya ng section E.” Sagot ko naman kay Blue. 

Sikat si Jenny  sa section namin eh, Maganda siya pero isnabera sa mga lalaki. Sabi nga nila Man-hater siya.

Hindi ko akalain na darating ang araw na mapapaiyak siya ng isang Akio Kin.

“I think she loose in Akio’s game.” Sabi bigla ni Joong-ki. Napalunok naman ako bigla. Kawawa naman siya, nabaliw na ata. Untugin ko kaya para makita niya kung sino yung iniiyakan niya?

“Ano ngayon? Natatakot ka?” Biglang pangiinis ni Cloud.

“S-syempre hindi! Sa mga gaga lang nangyayari yon.” Sabi ko na lang.

“balang araw magiging Gaga ka din.” Ngumisi lang sakin si Blue.Paano nga kung mangyari sakin yon? Imposible naman diba?

"diba K-ser?" sabi ni Blue kay K-ser.

"Tss." yan lang ang sagot ni K-ser sbay saksak nanaman ng headset sa tenga niya.

“wait, lalabas lang ako sandali.” Sabi ko sabay labas.

Nasa may corridor na ko nang may Makita akong isang babae na binabato ng mga iba pang estudyante ng mga papel at kung ano-ano pa. Nakita ko don sila Hannah at Jannette na nanonood.

“Hoy mga babae, anong nangyari doon? Bakit binabato?” Tanong ko. Nakakaawa naman na kasi yung babae eh.

“Naging malandi kasi siya girl. Eh ang sad thing, Hindi siya nilandi back ni Fafa Akio! Yan ang napala niya.” Sabi bigla ni Bakla.

Napalunok naman ako at medyo natakot. Hindi na nakuntento yung mga nambubully sa pambabato sa babae,binasa na ng tubig. Nakakatakot naman.

“That girl also loose in Akio’s Royal game.” Napaatras ako kasi nagulat ako nang makita ko na lang bigla si joong-ki.

“Pasulpot-sulpot?!” Sabi ko sa kanya sabay kalma.

“ahaha! Pero narinig mo ba yung sinabi ko?” Tanong niya.

“Oo. Biktima din yun nang laro ni Akio.” Sabi sabay may awang tingin dun sa babae.

“I want you to win the game, Dahil diyan, I’ll give you this.”Sabi ni Joong-ki sabay abot ng isang notebook.

Cute yung notebook,Pambabae. Kulay Pink tapos may decorations nang roses. Vintage style pero maganda.

“Ang cute!” I exclaimed. Oo, I love pink. Malamang, babae ako eh.

Kaso, sa kanya to. "Bakla ka?"

"Fuck! No! hahaha!" sabi niya sabay tawa

“Ikaw ang bahala kung gagawin mo ang mga nakasulat dito but this will certainly help you.Ito ang magiging alas mo. Basta wag mo lang iwawala at ipapakita kahit kanino.” Sabi niya sabay sulat sa First page…

“The king’s five treasures”

Author's Note;  Short Update :)

Heartless KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon