Naranasan mo na bang ma "HATE AT SIGHT" sa isang tao? Kasi kung oo, magegets mo ko!
" Huwag mo nga akong titigan, nabbwisit ako sa pagmumukha mo!"
****
First day ng school, medyo tinatamad pa kong pumasok eh kasi naman sino sisipagin pumasok sa
unang araw ng eskwela? Ikaw ba sinisipag ka ha? Kasi kung sinisipag ka, de ikaw na! Eh pano ba
naman kasi, unang araw ko sa bago kong school tss walang friends, wala man lang kakilala, wala ni
kahit ano, o ano gaganahan ka pa sa ganun?
Tumayo na ko at dumeretso sa banyo, nakatayo lang ako ng matagal at nakapikit. Orasyon ko to
tuwing umaga, tatanga muna sa banyo ng 10mins bago kumilos, minsan pa nga nakapikit pa. " Go
Cessca! Hooo!' binuhos ko yung isang tabo ng sa ulo ko saka nagkakasat. "YAAAAAA! HANLAMIG!"
***
Naglalakad na ko papuntang school. Sa may likod na gate ako dadaan ayaw ko naman kasing sa main gate ako sigurado agaw eksena ko kasi nga bago lang ako dito. Private School tong bago kong school. Wait. Wait. Huwag mong isipin na sa salitang " PRIVATE SCHOOL" e may katumbas na salitang "MAYAMAN". Phew! pwede ba, di lahat ng nakaprivate mayaman no! Yung ibang magulang madiskarte lang talaga, tulad ng parents ko. Speaking of my parents, wala sila ngayon dito sa bansa. HEEEEEP! Ayan ka nanaman, iisipin mo nanaman mayaman, na kaya wala sila dito e malamang nasa ibang bansa, nagtatrabaho sa isang malaki, maimpluwensya at mayamang company na pagmamay ari nila. PSH! Lumang istorya, pang telenovela! Oo, nagtatrabaho sila pero hindi sa ganung company, isa silang OFW as in Oveseas Filipino Workers hindi CEO. HAHA!
Kakakwento ko sayo ayan tuloy di ko kagad namalayan nakarating na ko sa likod na gate ng school ko. (Anchika mo po kasi! HAHA! ^___^V)
"Haw Academy" pagbasa ko sa nakasulat sa gate na nakabukas na wala man lang nagbabantay na manong guard. Ayos pala tong school na to e.
"HAW, ampanget naman nun." TSS, huu wag ka ng maweirduhan sakin kinakausap ko talaga yung sarili ko. Naglakad na ko papasok sa loob, grabe po ang laki ng school na to! O.O
Kinuha ko yung list of schedule ko at yung map na din ng school para malaman kung sang lupalop ba ako didiretso.... kaya lang . . .
"Matt, bumalik kana kasi sa grupo. Kami na bahala kay Ross." sabi nung lalaki.
"Oo nga Matt, ang tagal na naman nun e."
"-_-"
Unang araw ko palang sa school na to, eavesdropping kagad ginagawa ko. Lumapit ako kung saan nanggagaling yung mga boses tas pagkarating ko sa bakanteng space sa likod pa rin ng school may mga lalaking nakatayo dun, tatlo sila.
"2years na yun Matt, kahit di ka magalit sa kanya pinaparusahan pa din naman niya sarili niya e."
"Mahirap din para sa kanya yun, hindi lang naman ikaw nasasaktan. Pati din kami!"
"TANG *NA! HINDI KO NGA SIYA KAYANG KAUSAPIN!!" pagkasigaw nung lalaki, nagulat yung dalawa tas napaatras.
"Pare, wala naman siyang kasalanan sa nangyari kay Han.."
*BOGS!!!*
O___O HALA KA! Hindi pa natatapos yung sinasabi nung isa e sinuntok na siya nung isa pa. Pagkatapos.. Pagkatapos nagwalk out yung isa at papunta siya sa..... WAAAAAH!!!
Tumalikod kagad ako pagtapat niya sakin, nanlilisik yung mga mata niya na halatang badtrip na badtrip talaga.
"Did you enjoyed the scene?" sabi niya.
O_O PATAY! ALAM NIYANG NAKITA AT NAKIKINIG AKO KANINA SA KANILA! HALA KA! KATAKOT SIYA!
"HA? Ahh,ehh anoo." JUSKO PO BAKA MASAPAK AKO NETO.
BINABASA MO ANG
Hate At First Sight
Teen FictionMaraming naniniwala sa love at first sight pero pano kung baliktad naman Hate At First Sight naman magwork kaya yung sinasabing the more you hate the more you love sa kanilang dalawa? May mabuo kayang LOVE? o mapapanindigan nilang hate nila ang isa'...