Chapter 3

19 0 0
                                    

Cessca's POV

"Huwag mo nga akong titigan, nabbwisit ako sa pagmumukha mo!"- Ross

O__________________________________________________O

Ehhh. . Ano bang problema ng isang to? Parang natitigan lang e! Lahat ba ng tao sa school na to pinaglihi sa sama ng loob? Umagang umaga mga badtip kagad. PMS? 

Tinitigan ko pa din siya, sayang ang gwapo pa naman tas gay pala siya. Sayang talaga siya. Tsk Tsk. Kung ako nanay nito nako baka depressed ako ngayon imagine anak mong napakagwapo e bakla pala. Sayang lahi di dadami mga gwapo. 

"GET.OUT.OF.MY.SIGHT.NOW!" saka pa siya naghand gesture ng shoo, ang angas naman nitong kalokalike ni Lee Min Ho kung makashoo parang aso yung kaharap niya wah! If I know insecure lang sakin to kasi ako babae siya naman gay as in G.A.Y. bading, baklushi,bayot,binabae,bakla,shoke,shokla etc! Ahhh! Kaya siguro to badtrip sakin kasi nakita ko yung pambabasted sa kanya nung Matt daw. HAHA! Pahiya si ateng e.

Tumayo na ko sa pagkakaluhod ko sa tapat niya saka pa siya inirapan at binelatan sabay iwan ko sa kanya dun.

***

Nakita ko na rin sa wakas yung building ng 4thyr pagkatapos kong hiluhin yung sarili ko kahahanap, not bad  huh malaki siya nalulula nga ako e. May apat na floor siya, 1st floor 4-D tas may rooms para sa dalawang clubs, 2nd floor 4-C at dalawa ulit rooms for clubs, 3rd floor 4-B at dalawang clubs, 4-A sa 4th floor so dun ako. Naks hirap nito akyatin para sa tamad na tulad ko. Ang dami namang clubs dito, napakasipag naman ng mga 4th year students dito.

Umakyat na ko at ng mapunta na sa room ko, ng makarating ako dun syempre wala pang masyadong tao dahil nasa flag ceremony pa sila. Diba nga, di ako nakaattend dahil sa nakawitness ako ng kadramahan kanina. Naglakad ako papuntang likod para dun pumuwesto at maupo. Namili muna ko ng magandang pupwestuhan para di nakaw pansin sa mga new classmates ko.

"Ah! Dito nalang nga!" naupo na ko sa upuan malapit sa bintana saka inayos yung gamit ko. Tiningnan tingnan ko yung paligid ng room, sosyal malaki room namin pero konti lang yung students. hmm sa tansya ko 25 seats lang meron dito e. Sabagay what do you expect from a private school ibang iba sa pinanggalingan kong public school na halos sardinas kayo sa loob ng classroom sa dami ninyo at pagdating ng tanghali, sagap na sagap mo na lahat ng init, lahat ng klase ng amoy ng mga kaklase mo pero dito never mo mafefeel yun, aircon e.

 Matapos ko imbestigahan bawat sulok ng classroom ko, napagod na ko at yumuko. Matutulog muna ko habang wala pa yung mga classmates ko.

*BOGS*

Ang ingay naman. Hindi ba nakikita ng kung sino man to na may natutulog? Bulag ba?

*BOGS*

Napikon na talaga ko dahil sa ang ingay niya, "Hindi ka ba makakilos ng di nag-iingay?" tanong ko sa nag ingay habang nakadukdok pa din ulo ko sa desk.

"Don't mind me.Tuloy mo lang yang pagdaday dream mo miss."

Tinayo ko yung ulo para makita yung nagsabing nagdaday dream daw ako...

O________O

"IKAW?!" tinuro ko pa siya sa gulat ko.

"Ang alin?" nagtataka niyang sabi. Seryoso ba to? Hindi niya ko matandaan pagkatapos ng pang aabusong ginawa niya sakin?

"Yung.. yung..yung walang galang na kumalagkad sakin kanina sa likod ng school na to! Ikaw yung nambasted kay Lee Min Ho!" tas tinuturo turo ko lang siya habang siya takang taka. TAMA! Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung nanapak kanina tas yung pinigilan ni Lee Min Ho tas sinapak si Lee Min Ho. Tama siya yung ex bf ni Lee Min Ho!

"Pardon me?"

"Hindi mo ba talaga matandaan ha?! O nagmamaang maangan ka lang ha?! Kasi ako tandang tanda ko yung pangangalad----" tumayo na ko sa upuan ko at humarap sa tapat niya, nakaupo siya 2 seats away from my seat tas nakataas pa paa sa ibang upuan.

"Natatandaan ko yun, what I didn't remember ay yung Lee Min Ho thingy mo." poker face niyang sabi.

"Hindi ka ba magsosorry man lang ha?"

"Why would I?"

"Kasi kinaladkad mo?" pagtataray ko sa kanya na may kasamang taas kilay pa.

"Hindi ba dapat ikaw magsorry?" aba tingnan mo tong lalaking to, ako pa binabaliktad ngayon!

"At bakit naman ako aber?"

"psh -__- hindi ba masamang nakikinig sa usapan ng ibang tao? hindi ka pa nainform about that?'' -_- tinitigan niya ko na suot pa din yung poker face niya.

"Excuse me, hindi ko yun sinasadya napadaan lang kaya ako dun."

"Pwede namang hindi sagapin lahat ng usapan at umalis nalang right, but you never did."

"Hindi ko naman ipagkakalat o ipagsasabi yung narinig at nakita ko na nakikipagbalikan sayo yung ex-gayfriend mo e. Kaya di mo na dapat ako kinaladkad!" nagulat nalang ako ng nagbago yung expression ng mukha niya. eeee O___O

"WHAT??" -Matt

Mas seryoso na mukha niya ngayon.

O__O

Tatakbo na ba ko?

"HAHAHAHAHA!"

Anong problema niya? Anong nakakatawa?

"anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya pero di niya ko pinapansin tawa pa rin siya ng tawa.

"Uy, baliw ka ba o bipolar?" Malamang sa parehong tama yung hula ko, baliw na bipolar to. Kani-kanina lang ang seryoso tas biglang tatawa ng wala namang dahilan. Ganito ba talaga mga tao dito? yung mga tao ba dito e yung mga sayang na tao? Kasi kanina yung gwapo e bading naman pala tas ngayon itong isang to na may itsura naman ay bisexual naman pala baliw na bipolar. SAYANG!  Teka nga kung school to ng mga sayang na tao, Bakit ako nandito? Hindi ako dapat nandito!

"You mean, simula-- haha! simula kanina.. haha.." hindi niya matuloy yung sasabihin niya katatawa.

"Ano? Hindi kita maintindihan. Ubusin mo muna nga yang tawa mo." ang labo kausap e.

"You thought I'm gay?" sumeryoso nanaman yung itsura niya. See tama ako, bipolar tong isang to. 

"Yes?" medyo nag-aalangan kong sagot kasi naman baka masapak rin ako e.

"You're so damn funny hahaha.." nagsimula nanaman siyang tumawa. Jusko, baka mahawa ko sa kabaliwan ng isang to ah. Ilabas ninyo ko sa school na to! Sped school pala ko napasok. Mama, papa may mali ba sa anak ninyo? Bakit dito ninyo ko pinagenroll?

Ewan! Ang sakit sa ulo kausap ng isang to. Hindi ko nalang siya sinagot at bumalik na sa upuan ko na salubong yung kilay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon