First

9 0 0
                                    

Kung may parte man ng story ko na nabasa niyo na or may kaparehas. Baka nagkataon lang :) First Story ko to Salamat!

----------------------------------------------------

Tumatakbo ako ng mabilis ngayon para hindi ako maabutan ng mga kampon ni Leonardo.

Natatawa nalang ako dahil kahit ang bilis nilang tumakbo hindi parin nila ako nahuhuli. Tumalon ako patungo sa kabilang building, tahimik ang building nato dahil abandonado na, wala ng pumupunta dito dahil kung titingan mo palang sa labas nakakatakot na dahil walang ilaw kahit isa. Kaya hindi ka talaga papasok dito dahil ang dalim.

Mga yapak lang namin ang naririnig ko at ang mabilis kong hininga. Habang tumatakbo ako ay hindi ko maiiwasang sumulyap sa humahabol sakin. Kaya mas binibilisan ko pa tumakbo.

Para sakin isa lang tong laro. Parang naghahabulan lang? Kung mahuhuli nila ako, Ako ang taya. Kaya hindi ako nagpapahuli hahaha.

Tumalon ako ng may nakasalubong akong isang mesa sa hallway. Bakit may mesa doon? Panira.

Bigla akong nataranta nang may nakita akong basag na bintana, naka latag lahat ng basag na bubog sa sahig.

WHAT THE FUCK? Bakit parang may nangyari dito sa building? Palagi akong pumupunta dito sa building nato pero bakit ngayon ko lang yan nakita?

Mabilis akong lumipad sa ibabaw ng basag na salamin. Nanlaki ang mga mata ko nang nakatutok sa mga mukha ko ang isang basag at matalim na salamin.

Nang maka-land na ako sa sahig ay bigla ko silang nilingon. Napangisi ako ng bigla silang natigilan at tinignan ako, lumipad sila sa kabila at pumasok ulit sa kabilang bintana. Nice. Hindi ko naisip yun.

Tumakbo ulit ako ng mabilis, napa sulyap ako sa labas ng building, may nakita ako, malayo siya dito kaya hindi ko makita ng maayos. Tinignan ko to ng mabuti, aso? Hindi naman ata aso. Nang mapagtanto kong isang pala itong babae na naka upo sa roof top ng building ay bigla akong kinabahan kaya mas binilisan ko ang pag takbo ko.

"Shit." Napamura ako bigla. Babae. Babae siya. Delikado ang buhay niya ngayon baka makita siya ng mga kampon ni Leonardo at papatayin siya. Babae siya wala siyang ka alam alam. Kailangan ko siyang puntahan.

Lumiko ako sa kabilang hallway. Lumiko na naman ako sa kabila. Lumiko ulit ako at mabilis na nagtago sa madilim na parte. Bigla silang napatigil at tinignan ang paligid parang pinapakiramdaman nila ako. Hindi ako gumalaw, konting galaw ko lang mabilis nila akong matonton. Langya naman oh. Kahit kayang kaya ko sila patumbahin lahat kahit gaano pa sila karami dyan kaya ko sila. Pero wala akong panahon para pag aksayahan sila ng oras dahil may babae sa kabila na walang ka alam alam sa nangyayari. Tumakbo na sila, tumingin muna ako sa kanila, nang masiguro kong nasa malayo na sila ay mabilis akong tumakbo. Tumalon ako sa taas para sa bubong ako dadaan dahil mas mabilis. Pagkarating ko sa bubong bigla ko siyang hinanap kung saan ko siya nakita kanina.

Nang nakita ko na yung rooftop na inuupuan niya kanina ay shit. Wala na siya doon. Kinabahan ako mabilis akong nagpatuloy sa pag takbo habang tumitingin sa palagid baka makita ko siya. Tumalon ako sa kabilang bubong at napatigil ako ng may nakita akong naglalakad sa madilim na corridor. Tinignan ko ito ng mabuti, may nakita ako isang babae na may dalang Red na bag at naka tali ang buhok. Ayun.

Dali-dali akong lumipad pababa. Nang makarating ako sa lupa ay ang isa kong kamay ay nakahawak sa lupa at ang isa naman ay nasa gilid habang naka squat ako. Bigla siyang napatigil sa paglalakad kaya mabilis akong tumago sa gilid. Tinignan ko siya tumitingin siya sa palagid. Nawala ang tingin ko sa kanya nang naramdaman ko ang presensya ng mga kabalan namin. Kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya at tinakpan ang bibig niya sa isa kong kamay at tumago kami sa madilim na parte nitong building. Parang 1 seconds or 2 ko iyon ginawa.

Tumitingin lang ako sa labas, inaantay ang kanilang pagdating. Nararamdaman ko ang pintig ng puso niya. Kinakabahan siya at natatakot, pati ang hininga niya ay mabilis. Tinignan ko siya at lumapit ako sa tenga niya

"Sssshhh" Bulong ko. Habang naka takip parin ang kamay ko sa bibig niya, nakahawak ako sa braso niya. Bigla akong nahiya dahil nararamdaman ko ang makinis niyang kutis. Tumingin nalang ulit ako sa labas, kahit nakatingin ako doon nakikita ko parin sa gilid ng mata ko ang mga mata niya na nakatitig sa mukha ko hindi ako mapakali gusto ko siyang tignan na ayaw ko.

Lumapit ako sa kanya kaya bigla siyang napa-atras sa pader. Konti nalang ang space sa pagitan namin kung lalapit pa ako sa kanya ay magdidikit na talaga ang katawan namin. Bigla siyang nagulat, ako rin nagulat ako sa ginawa ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko, malayo palang sila naririnig ko na ang mga yapak nila papunta dito. Tumatakbo at hinihingal hingal sila, palapit sila ng palapit kaya mas nagmasid ako sa paligid. Malapit na sila andito na sila, nakita ko ang anino nila na tumigil, nagdadalawang isip sila na sa kanan ba o sa kaliwa.

"Aaron, tsk tsk. Magpakita kana akala ko ba kaya mo kami? Ngyon kapa naging duwag, "

"Nararamdaman ko Aaron. Nasa paligid ka lang, lumabas kana" Pumikit ako ng mariin. Gusto ko magpigil dahil kung lalabas ako madadamay tong babae na nasa harapan ko. Naramdaman ko ang pag takbo nila paalis. Naghintay ako ng ilang minuto bago pa kami lumabas. Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya at hinawakan ko ang wrist niya. Gusto ko sana ihatid siya sa labas ng walang kahirap-hirap pero baka magtaka siya at mas matakot kaya tumakbo nalang kami.

Nang makarating kami sa labas ay pumara agad ako ng taxi. May taxi na lumapit sa amin at huminto sa harap ko. Binuksan ko ito at pinasok siya

"Teka" Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang damit ko.

"Thank you" Tinignan ko lang siya. Blanko kong ekspresyon ang pinakita ko sa kanya. Hindi ako ngumiti o tumango.

My Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon