Chapter 3

1 0 0
                                    


Maaga akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock ko. Sino ba naman ang hindi ma-istorbo ang tulog mo sa kantang Numb ng Linkin Park? Aba, hindi ako nag set ng ringtone ko noh, si Kuya Joseph ang nag set. Sabi niya maganda daw kasi rock, taena hindi lahat ng rock musics ay maganda isali mo na yung Numb sumakit tenga ko sa kantang yan teana talaga.

Mabilis akong natapos maligo at naghanda na. Pagkatapos ko mag handa sa sarili ko ay bumaba na ako, nakita ko si Mama naglalagay ng pinggan sa lamesa. Tinignan ako ni mama at ngumiti.

"Kain kana anak" Sabi niya at naglagay ng kubyertos at baso sa gilid. Ngumiti ako kay mama

"Si papa po?" Nilagyan ni mama ng gatas ang baso ko.

"Maaga siya umalis, may inasikaso sa kanyang trabaho" Sabi ni mama saka bumalik sa kusina. Kumuha lang ako ng tinapay at ininom ang gatas, umiinom talaga ako ng gatas tuwing nandito si mama. Pero kung wala nagkakape ako ayoko sa gatas ang tabang eh walang lasa.

Pagkatapos ko kumain ay umalis na agad sa bahay. Ayoko mag abang ng jeep gusto ko maglakad ulit para tipid. Maaga pa naman kaya ayos lang. Habang naglalakad ako ay puro mga bata ang nakikita ko kasama ang mama nila, ang iba ay nag aabang ng masasakyan ang iba sinusundo. Naks! May car rich kid, ang iba naman mga highschool students nag aabang rin ng masasakyan. Tinignan ko ang relo ko sa aking wrist 7 am pa, maaga pa naman 8:30 klase ko ngayon.

Busy na ang iba sa pag aabang ng masasakyan, well... ako? Chill lang ang peg maaga pa kasi. Nakatulong pala yung kanta na sinet ni kuya sa phone ko dahil sa kanta na yun maaga akong nagising, hindi ko na na yun ichange dahil malaking tulong na yun sa buhay ko.

Napadako ang tingin ko sa isang matandang lalaki nasa 50 pataas na yata ang edad niya nasa tapat siya ng isang boarding house may tinitignan siya sa taas, kumunot ang noo ko, bigla akong na curious kaya sinundan ko kung ano ang tinitingnan niya----- sa bintana? Sa bintana siya nakatingin, oh baka nagkakamali ako? Tinignan ko ng mabuti ang bintana nakabukas ito at ang kurtina ay dinadala ng hangin. Bigla kong ibinalik ang tingin sa matanda, ngayon ko pa napansin may dala dala siyang pusa na kulay itim, tinignan ko ito ng naka kunot noo dahil tutok na tutok sa akin ang pusa.

"Shet. Ganyan naba talaga ako kaganda dahil pati pusa nahuhumaling sa akin? Tsk tsk"

Shet. Tinagilid ko ang ulo ko dahil napansin ko ang suot ni lolo, weird, naka shades si lolo tapos kulay black ang polo niya at black jeans. Naks! Iba trip ni lolo ah! Nakikisabay sa uso ngayon! Naka shades pa, kita mo yun? Bagets tignan.

"Meow" Biglang tumalon ang pusa at papalapit sa akin. Napa atras ako dahil nakakatot ang titig ng pusa habang palapit ng palapit siya sa akin.

"Meow"

"Elvin!" Napatingin ako kay lolo nang tawagin niya ang pusa niya. Elvin?

"Pasensya na bata, natakot kaba sa pusa ko?" Kinuha niya ang pusa niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti muna ako bago nagsalita.

"Hindi naman po. Ang cute nga ng pusa niyo eh" Tinignan ko ang pusa niya na ngayon ay hinahaplos haplos niya ang balahibo niya sa dibdib ni lolo. Tumawa ng mahina si lolo at hinaplos ang pusa niya

"Akala ko natakot ka dahil kulay itim ang pusa ko. Diba may paniniwala kayo na malas ang kulay itim na pusa? " Napakunot bigla ang noo ko dahil sa sinabi ni lolo.

"Oo lolo, ang iba po, naniniwala. Pero hindi naman siguro totoo, dahil ang iba rin po may ibang paniniwala na aswang daw ang kulay itim na pusa! Naku! Lolo hindi po ako naniniwala sa mga yan, aswang? Hindi po yan totoo wala pong ganyan dito sa mundo natin" Ngumiti siya sa akin saka tinignan ang pusa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon