Chapter 1

14 0 0
                                    


"MISS ROSALES!!" Bigla akong napabangon ng wala sa oras. Pumipikit pikit ako at tinignan ang paligid.

THE HECK?! Nasa school pala ako? Argh! Naka tulog pala ako. Unti unti kong inangat ang paningin ko sa teacher namin na nasa harap ko. Pumikit ako ng mariin at kinamot ang ulo ko. Walanjo! Argh! Sa time pa talaga ni Mam Divina ako nakatulog, walanjo bakit ba kasi first period si Mam huhuhu.

"MISS ROSALES!!"


"Po?"

"Bakit ka natutulog sa klase ko?" Taas kilay niyang tanong sakin.

 

"Hindi ko po namalayan na nakatulog na pala ako Mam, Sorry po!" Sabay bow ko sa kanya. Teka! Bakit ako nag bow?! Saan ko yun nakuha? Argh!

"Sana nag absent ka nalang kung matutulog ka lang pala dito sa school! Hindi kapa makaka-istorbo!" Kinagat ko ang labi ko.

"Sorry po Mam hindi na po mauulit"  Sumulyap ako kay Eya na bestfriend ko. Umiiling iling lang siya sakin, eh?

"Okay, Tayo!" Unti-unti akong tumayo. Tumingin ako sa mga kaklase ko walanjo! Nakakahiya namumula na siguro ang pisngi ko ngayon.

"Kanina, habang mahimbing ang tulog mo Miss Rosales ay  marami na kaming natalakay sa araw na to. Ngayon, Sabihin mo lahat ano ang mga natutunan mo"  Wow! Ano ako ganun ka talino? Dahil kahit tulog ako ay alam ko kung ano ang natutunan nila! Like..

"Ginagago mo ba ako?"

WAAAAAAAH! Bigla kong tinakpan ang bibig ko nasabi ko pala ayun?! Tinignan ko ang mga kaklase ko, tumatawa sila ang iba ay bumubulong.

"What did you say Miss. Rosales?!"


"P-po? Wala p-po baka po narinig mo lang yun sa kanila" Sabay turo ko sa mga kaklase kong tumatawa. Kanina ang lakas ng mga tawa nila pero ngayon bigla silang tumahimik.


"WAG NIYO DAGDAGAN ANG INIT NG ULO KO! AT IKAW MISS ROSALES! SAGUTIN MO NA TANONG KO ANO ANG MGA NATUTUNAN MO SA ARAW NATO! COMPLETE SENTENCE!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sa ekspresyon niyang pinakita sakin. BWAHAHAHAHAHAHA! Sumisigaw siya na nanlalaki ang mga mata at namumula. Galit na galit.

****

"Jane!" Lumingon ako kay eya at ngumiti. Ganda talaga ng bestfriend ko ang morena niyang kutis, mahaba niyang buhok hanggang boobs niya, kagaya sakin. Ang brown niyang mata at kulay pulang labi. Naaaaks! Swerte ko kay Eya Sanchez.

"Baliw kana ba Jane?" Nakataas ang kilay niya at naliliit ang mga mata niya akong tinignan sa mga mata

"Huh? Bakit"

"Kanina! Bakit ka natulog sa klase ni Mam Divina, yan tuloy napagalitan ka!"  Sermon niya sakin. Kumapit siya sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad patungo sa canteen. Gutom na siguro si Eya

"Kanina? HAHAHAHA nakakatawa nga ang mukha niya eh. Diba epic? BWAHAHAHAHAHAHA LANGYA!" Halakhak ko habang nakahawak sa tiyan. Woooooh! Tinignan ko siya hindi siya tumawa or ngumiti man lang kaya tumigil na ako sa kakatawa at sumeryoso na.

"Anong nangyari sa mata mo?" Kumunot ako.


"Bakit?" Hinawakan ko ang mata ko at kinakapa kapa baka may kung ano man. Hinawi niya ang kamay ko at hinawakan niya ang pisngi ko para mas makita ang mga mata ko.

My Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon