Chapter 2

4 0 0
                                    

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sa sinabi ni Eya. Tinignan ko siya ng naka kunot noo

"Anong klaseng tao ba siya, Alien? Kapre? Multo? Gaga ka! Walang ganon! Sa mundo nato" Kinuha niya ang bag niya kaya bigla akong napatayo. Ang sakit pa naman neto mamalo daig pa ang lalaki

"Sarap mo sapakin ng paulit ulit Jane! Letse to! Seryoso ako dito" Umupo siya at kinain ang order namin kanina kaya umupo na rin ako at sinimulan ang pagkain.

"Sorry. Anong klaseng tao ba kasi yung lalaking nagligtas sakin kagabi ha? Kidnapper ba? Rapist? May gang? Frat? Manloloko? Ano?" Tanong ko habang kumakain gutom na kasi ako eh. Kanina pa, ang tagal kasi dumating ng order namin kung hindi lang ako nakapagpigil baka nakaaway ko na ang may ari neto ganon ba sila? Hindi nila iniiisip baka gutom na ang customer nila dito.

" None of the above" Tinignan ko si Eya na busy sa kagat ng manok niya. Aba, gaga talaga akala niya siguro manghuhula ako no?

"Manghuhula ba 'ko Eya? Sabihin mo na kasi!"

"Basta! Wag ka na ulit pumunta sa building na yon ah?"

"Bakit naman?"

"Gusto mo makita ulit yung lalaki ha? " Hindi ko alam kung nagagalit na si Eya o nagseselos. Aha! May gusto ata siya sa lalaki na yon or may Past sila?

"Kilala mo ba siya?" Bigla niya akong tinignan at mahinang umiling. Sabi ko na eh! Parang nahihiya siya sabihin sakin! Nako nako!

"Weeee? Di nga?" Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya kitang kita ko ang mata niya na hindi makatingin sakin. HAHAHAHA Akalain mo, magka boyfriend pala tong bestfriend kong lampa?

"Jane ha! Alam ko ang tingin na yan. Kung ano man yang iniisip mo ngayon nagkakamali ka! Gaga!" Tinignan ko siya ng nanliliit ang mata ko may ibaaaaaa!

"Hmmm. Hindi ako maniniwala, Besh.. sabihin mo nalang sakin ang totoo, Naging kayo ba?" Yung kaninang kanin na nasa bibig niya ay biglang natapon sa mukha ko dahil sa gulat. Tinignan niya akong nanlalaki ang mga mata, aba! Aba! Guilty talaga oh. Unti unti kong kinuha ang mga kanin sa mukha ko

"Saan mo nakuha yan?!" Aba! Siya pa tong may kasalanan sakin dahil tinaponan niya ako ng kanin sa mukh,  siya pa tong galit?

"Sakin? Halata ka eh. Bakit galit ka diyan? Tsk. Guilty ka besh HAHAHAHA"

"Argh! Pasapak Jane!" Tawa ako ng tawa sa mukha ni Eya. Epic eh HAHAHAHAHA

-----

Naglalakad ako ngayon dahil pauwi na. Hindi ko kasabay si Eya ngayon dahil sinundo siya ng daddy niya, kaya gusto ko maglakad nalang para tipid sa pamasahe. Hindi naman sa wala na akong pera bukas kung sasakay ako, eh ano kasi ayokong magwaldas ng pera.

Habang naglalakad ako may naaninag akong pamilyar na building. Tinignan ko ito ng mabuti, ng makita ko na ito ng maayos ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Yung abandonado na building lang pala, kaya pala pamilyar saakin papalapit ako sa building hindi ako papasok dadaan lang ako. Gusto ko man pumasok pero natatakot na ako baka kasi maulit ulit yung nangyari kahapon, paano kung may matuluyan ako sa building na yan? Paano kung may masamang balak yung mga lalaki na hinahanap yung lalaki? Paano kung wala siya diyan at walang magliligtas sakin...... wait. Speaking of him, nasaan kaya siya ngayon, nandiyan kaya siya sa loob ng building? Baka diyan din siya tumatambay.

Huminto ako sa harap ng abandonadong building nato. Tinignan ko isa isa nagbabakasali na makita ko yung lalaki. Umabot ang 10 minutes bago ako tumalikod at  pinagpatuloy nalang ang  paglalakad, wala akong nakita eh. Siguro wala siya doon siguro umalin na siya kanina pa, hindi ko lang naabutan.

Lakad ako ng lakad iniisip yung lalaki, hindi ko namalayan malapit na pala ako saamin. Maingay na sa plaza, maraming nagtitinda ng kahit anong street foods, maynagvivideoke sa gilid at may mga batang naglalaro. Ganito talaga tuwing gabi maingay dito saamin.

"Hi Ate Jane!"

"Ate Jane! Laro tayo"

"Nako! Wag na, may gagawin pa kasi ako eh, sa susunod nalang" Nginitian ko ang mga bata bago nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa makarating na ako sa bahay namin ay boses agad ni mama ang narinig ko

"Ayyy! Nakoo, Joseph! Kailan kapa kaya magbabago ano? Palagi ka nalang computer ng computer mag IT ka nalang para may maitulong ka sa saamin ng papa mo!" Nagmano ako kay mama. Tinignan niya ako at ngumiti

"Nandito ka na pala Jane, kumain ka na tapos na kami" Tumango ako at sinulyapan si Kuya Joseph na nagcecellphone lang haaay napailing ako at dumeretso na kusina para kumain, mamaya na ako magbihis pagkatapos ko kumain. Pagkatapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko, naligo muna ako bago ko ginawa ang mga assignments ko.

Habang gumagawa ako ng assignments ko ay napahinto ako bigla at tumingin sa labas ng bintana ko. Ngumuso ako at tumayo, gusto ko makita ang buwan ngayon.. hindi kasi ako pumunta sa building kanina. Binuksan ko ang bintana ko at tumingala sa buwan. Nakatitig lang ako dito,na para bang wala akong pakealam sa paligid ko wala akong pakealam kung may makakita sakin sa dito.

Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa katawan ko. Napatingin ako sa paligid dahil parang may nakatingin sakin. Busy lahat ng tao sa baba, may nagtatawanan ang ingay ingay nila, siguro guni guni ko lang yun na may nakatingin sakin. Binalik ko ang tingin ko sa buwan, babalik na sana ako sa study table ko ng may nakita ako sa gilid ng mata ko, tumingin ako sa parteng saan ko siya nakita, don sa may poste, nakatayo siya don kanina parang nakahoodie siya, yung mga kamay niya ay nasa bulsa ng hoodie niya, alam kong ako ang tinignan niya kanina  dahil sa kwarto ko siya nakaharap. Tinignan ko ng mabuti ang parte na iyon, pero wala na akong makita.. wala ng tao.

That's weird. Kailan pa ako ngakaroon ng stalker? Nakakatawa, kahit kailan wala akong stalker sa buong buhay ko. Impossible na ngayon ko lang siya mapapansin. Tsk.

Ipagpatuloy ko nalang ang assignments ko, inaantok na ako eh. Ayokong late na naman matulog ngayon baka makatulog ako sa klase bukas.

My Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon