Chapter 1

13 0 0
                                    

Pagkatapos ng ilang taong paghihirap sa wakas nakuha ko na rin ang matagal ko ng gustong makuha. Ang aking diploma. May bonus pang medalya. Di ko akalain na kahit ilang beses ako patigil tigil sa pag aaral dahil sa problemang pinansyal nataguyod ko pa din ang pag aaral ko. May ngiti sa aking mga mukha pagbaba ko ng entablado. Kanya kanyang pagbati naman ng aking mga kaklase ko sakin.

"Beshy!!!!! Congratulations! Sabi ko naman sayo napakatalino mo! I'm so proud kasi ang bestfriend ko ang Summa cumlaude! So, saan tayo? Nag aabang na sila mommy satin. Kain tayo sabay ka na samin!"

Ngumiti naman ako dito. "Wag na besh, pupuntahan ko pa sila mommy ngayon pagkatapos nito eh." tumango tango naman ito.

"Oo nga pala. Sorry besh, di kita masasamahan ngayon kasi naghanda ng celebration sa bahay sila mommy eh. Ikamusta mo nalang ako kanila tita ha? Atska sumunod ka nalang samin after mo pumunta sakanila?"

Umiling naman ako. "Hindi na ano ka ba, nakakahiya. Atska baka magtagal rin ako sakanila kaya hindi na ko makapunta. Magkita nalang tayo pagkatapos ng araw na to. Congratulations din besh. And thank you sa lahat lahat."

Mahigpit na yakap naman ang binigay nya pagkatapos. She's my bestfriend. Alyanna Yu, galing siya sa isang mayamang pamilya. Sa kutis palang niya na kulay gatas malalaman mo na agad. Matangkad din ito kumpara sakin. At masasabi mong napakaganda niya dahil may lahi ito. Half japanese half filipino. Mayroon siyang malalaking itim na itim na mga mata na pagpinagmasdan mo ay parang laging naka puppy eyes. Napakaamo din ng mukha nito. May mahabang buhok na aabot hanggang sa bewang niya na itim na itim. May mga labing pang Angelina Jolie. Mapupula at makikita mong mapupula. May taas siyang 5'8. Sa taglay niyang ganda at tangkad kaya siya naging isang modelo. Maswerte ako at naging matalik na kaibigan ko siya.

"Thank you din besh. But if ever man na maaga ka natapos punta ka parin ha? And text me. Okay?"

Tumango naman ako dito at ngumiti. Sinalubong naman kmi ng mommy, daddy at kuya niya.

"Baby, Congratulations!"

"Thanks mommy!" sabi naman ng bestfriend ko.

"Congratulations iha! You deserved it! Like what I've thought. You'll graduate with flying colors." niyakap naman ako nito at hinalikan sa cheeks.

"I told you mom. Destiny is one of the most intelligent girl I've ever known. Aside of being a beauty ofcourse" Kuya Yahto said. Sabay kindat sakin, napatawa naman ako dito.

"Urghh!!! Stop flirting her Kuya!" frustrated na sabi naman ni Alyanna.

"Baby sis, I'm not flirting her. I'm just stating a fact. Right Destiny?" Napailing nalang ako dito. Sanay na ko kay Kuya Yahto eversince playboy na talaga yan. Pero alam kong biruan lang namin to. He's like a big brother to me too.

"Hey kids, stop it hanggang dito ba naman. By the way iha, congratulations and thank you for helping our daughter through her studies." Yana's dad said.

Ngumiti naman ako dito. "You're welcome po. Atska maliit na bagay lang po iyon sakin. Kayo nga po ang dapat ko pasalamatan sa dami ng tulong na ginawa ninyo para sakin. Siguro po wala ako ngayon dito kung hindi po dahil sainyo. Salamat po talaga sa pamilya niyo" yumuko naman ako dito.

"Silly iha. Lahat ng mahal ng anak namin mahal din namin. Kaya you don't need to thank us." Ngumiti naman ako sakanilang lahat. Yana's daddy is pure japenese. Pero dito siya halos lumaki kaya he know how to speaks Filipino.

"So , join us para sa celebration niyo na rin Yana. Sumabay ka na samin. It is a double celebration for you and Yanna." Yaya naman nito sakin.

"Sakin ka na sumakay Des, I brought my car." Alok naman ni Kuya Yahto.

Found his MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon