Habang paakyat ng paakyat ang elevator. Nagdadasal ako na sana maging maayos at magustuhan ng CEO ang maisasagot ko sa interview. Sa 24th floor palang wala na kong kasabay umakyat dahil nagsibabaan na lahat sa 23rd floor.
"Mommy, Daddy, and Lord God. Gabayan niyo po ako ngayong araw na to." mahinang panalangin ko.
Nakarating nako sa 25th floor. Pagkalabas ko ng elevator. Nakita ko agad ang pintuan ng CEO. I conclude na he occupies the whole floor dahil sa iisa lang ang pintuan nito na may nakalagay na "Office of the CEO"
Nakita ko agad ang table sa labas ng office nito. Ito marahil ang secretary niya. Ang secretary pala ng CEO ay lalaki. Busy ito sa pagtatype ng kung ano sa computer nito.
"Hello po! Excuse me." tawag pansin ko naman dito. Lumingon naman ito at napangiti kung kaya't nginitian ko din ito.
"Hi! What can I do for you Ms. Beautiful? My name is Easton. How about yours?"
"Hindi po beautiful pangalan ko. I'm Destiny Kate Rodriguez po. I'm the interviewee. Ang CEO po daw ang mag iinterview sakin." napakunot naman ang noo nito sakin.
May sasabihin pa sana ito ng biglang may nagsalita sa intercom.
"Hey. I forgot. If a girl goes up here wearing a blue floral see-through. Let her in. I'll be the one who'll interview her." napatingin naman kami pareho sa damit ko pagkatapos may nag salita muli sa intercom.
"And last. Don't touch her or else I'll kill you." matigas na sabi nito ulit.
Tumawa naman si Sir Easton at namula naman ako bigla sa narinig.
"You heard him. Hahaha! Come on! Samahan kita." tumayo naman ito ngunit di parin natatanggal ang ngisi sa labi.
Ngayon ko lang napansin na gwapo rin ito. Di halatang secretary ang isang ito dahil mukhang anak mayaman. At bakit naman ganun ang tawag ng CEO kay Sir Easton? Pero kung tutuusin mas gwapo parin si Sungit kanina. Ano ba yan! Bakit mo ba iniisip yung lalaking antipatiko na yon?! Dapat mag concentrate ka sa interview mo!
Binuksan ni Sir Easton ang pinto ang una ko agad napansin ay yung interior ng buong office. Mahina akong napa 'wow' ng napansin ko na made of glass ang dingding ng office nito sa likod ng table niya. Kaya kitang kita mo naman ang syudad mula dito.
Black and white combination ang kagamitan dito sa office. Napaka manly at ramdam mo ang authority ng may ari nito.
Tska ko lang ako nagbalik sa realidad ng may narinig ako na may tumawa. Nakita ko si Sir Easton na tumatawa.
"Man! For the first time ngayon lang may babaeng mas unang tinignan ang buong office mo kasi sayo! And your face? So epic!" at tuluyan na siyang nabaliw kakatawa.
"Shut up dickhead!"
Napatingin naman ako sa tinatawanan ni Sir Easton.
"Ikaw nanaman?! Don't tell me i-ikaw-" Tinignan ko naman ang table nito.
Engr. Elliot C. Fuentabella
C. E. O."Leave us alone Easton." matigas na sabi nito. Napalunok naman ako at tinignan si Sir Easton na paalis na may ngisi sa labi.
"Use protection guys. Okay?" ano daw? Protection for what? Narinig ko naman ang pag tsk ni Mr. Sungit.
Napatingin akong muli dito at napansin kong nakangisi ito sakin. Samantalang di ko naman alam ang gagawin ko. Damn. I didn't know. Goodbye dreams.
"So, Ms. Destiny Kate Rodriguez, what can you say?" tanong naman nito.
"Sorry for shouting you awhile ago Sir, I didn't know you're the CEO." nakayukong sabi ko dito. I can't face him.
![](https://img.wattpad.com/cover/40661426-288-k916068.jpg)