Naalimpungatan ako sa tunog ng telepono ko. Kahit mabigat ang pakiramdam ko sinubukan ko abutin iyon. Sinagot ko ito ng hindi tinitignan kung sino ito.
"Hello?"
"Good morning besh! Kagigising mo lang ba? Hindi ka na nakarating kahapon sa party!"
"Nako pasensya ka na besh. Anong oras na rin kasi ako nakauwi kagabi at pagod na pagod ako kaya di na ko nakadaan diyan sainyo. *achoo*" hindi ko mapigilan na mabahingin nanaman.
"Besh? May sakit ka ba?" sabi naman nito.
"Okay lang ako. Naulanan kasi ako kahapon. Eh natuyuan din ako kasi walang gustong magpasakay sakin. Mabuti nalang may magandang loob na nagpasakay sakin." paliwanag ko naman dito
"Destiny Kate! Bakit ka naman sumasama sa taong di mo kakilala? Alam mo bang pwede ka mapahamak? Eh pano kung marape ka?!"
"Ms. Alyanna Yu, para saan pa ang inaral natin sa taekwondo kung di natin gagamitin pang self defense? Atska s-si J-Juan Sebastian ang nagmagandang loob na ihatid ko."
"Sino naman yon?! Imposible namang siya yung sikat na sikat na businessman na crush na cru-"
"Siya nga." pagputol ko sakanya.
"Pakiulit nga. Parang nabingi na ata ako."
"Si Mr. Juan Sebastian Quinones po ang naghatid sakin." malumanay kong sabi.
"WHAT?!!!! NO WAY! OMG OMG! NAPAKASWERTE MO NAMAN!"
nilayo ko ang telepono ko sa tenga ko. Sobrang ingay ako pa ata ang mabibinga sa kakatili nito.
"Ano besh? Sobrang gwapo ba sa personal? Anong feeling? Yummy ba? Magkwento ka naman!"
"Wala ano hmm. Hinatid niya lang ako kasi daw napansin niya na walang gustong magsakay sakin kasi basang basa ako. Tapos ayun. Hmm. Hiningi niya number ko bayad daw sa pagpapasakay."
"Omg!!! Napaka swerte mo naman besh! Akalain mo yon nanghingi pa ng number mo! Baka naman bet ka! Best gift ever to ha! Sa wakas besh magkakalovelife ka na din!"
"Napaka exaggerated mo naman besh. Lovelife agad? Atska alam ko naman san ako lulugar. Napakataas niya. Napaka baba ako. Langit siya lupa ako. Ganun! Kaya imposible yung mga sinasabi mo." sabi ko naman dito.
"Ayan ka nanaman sa pag do-down mo sa sarili mo. Alam kong malayo ang mararating mo besh, sa talino mong yan! Napakaganda mo pa! You have those gray eyes na nakakapang angkit sa boys sa school natin, makinis at maputing balak, sexy na katawan and 5'4 ka naman, small girls are cute you know."
"Nambola ka nanaman besh. Hays. Osya tama na yan! By the way, ang aga mo ata ngayon nagising? 7:30 am palang ha?"
"Di ako nambobola no! I'm just stating a fact. Maaga talaga ako nagising para mag jogging. Alam mo na nagpapasexy. So what's your plan for today?"
"Job hunting. Tapos mamayang gabi work sa coffee shop ninyo. Kailangan ng trabaho na kasi alam mo naman kailangan ko ng 2 years experience bago ako makapagboard."
"Ah okay I understand. Buti nalang ako wala ng poproblemahin na board. Hahaha! Oo nga pala besh, ako na mamahala ng coffee shop ni mom. So lagi na tayo magkikita."
Business Ad kasi ang kinuha ni Yana. Kasi alam niyang siya ang mamahala ng mga coffee shop nila. Si Kuya Yahto kasi ang namamahala sa kumpanya nila. Kaya sakanya naman ang mga coffee shop nila. Sa ngayon alam kong meron na itong 10 branches sa buong Pilipinas.
"About that, hmm besh magreresign na sana ako. Kasi if ever makahanap ako ng trabaho ngayon baka di ko kayang pag sabayin, and within 2 years sana magkaroon nako ng malaking ipon para di ko na poproblemahin ang pag rereview ko sa board."