Hindi 'to Tama VI

31 1 0
                                    

A/N: PLEASE READ. I've edited some parts in the past chapters. I'm not saying na ire-read n'yo. Ang pinaka-madami ko lang naman yatang naiba ay yung sa POV ni Shai. :) I also changed the main characters' names.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Hansel's POV:

"Hoy, anong pag-uusapan natin?" untag ko kay Alliah. Kanina pa kami nandito pero hindi s'ya nagsasalita.

"Uhm, well..." pinutol n'ya ang sasabihin n'ya. Parang kinakabahan s'ya, siguro sa dahil sobrang gwapo ko.

 "ANO!? Dalian mo, marami pa kong gagawin." sagot ko sakanya.

"Like what? Making your own little sister cry? Duuuh." pang-aasar n'ya sakin.

"Ano bang problema mo ha? Aalis na 'ko!" sabay talikod ko sakanya, hahakbang na sana ako nang bigla nalang s'yang nagsalita.

"I still love you, Hansel... I still and I'll always do." parang nanghihina s'ya habang sinasabi ang mga 'yon. Pero wala lang sakin, h'wag na kaming maglokohan, hindi naman talaga n'ya ko minahal, ginamit lang n'ya ako. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para sumagot, naglakad nalang ako palayo. Ayoko narin namang marinig ang paliwanag n'ya kung bakit n'ya ako nagawang lokohin.

Hindi ko alam kung bakit pero nung narinig kong sinabi ni Alliah na mahal pa n'ya ko, may kung anong parte sa puso ko ang nasaktan. Hindi nalang dapat s'ya bumalik... hindi pa s'ya dapat bumalik. Hindi ko pa s'ya kayang harapin... dahil alam ko sa sarili ko na may parte pa din sa puso ko na nasasaktan t'wing nakikita ko s'ya.

Hindi dahil sa mahal ko pa s'ya, kundi dahil sa naaapakan ang pride ko pag nakikita ko s'ya, dahil sariwa pa din sakin kung paano n'ya ako niloko, kung paano n'ya pinamukha sakin na hindi naman talaga n'ya ako mahal. Pero kahit ganun, pinili ko padin na maging kaibigan s'ya dahil nung mga panahon na nagpasya akong piliin yun, mahal ko pa s'ya nun.

Natigilan ako sa pag-iisip nang matagpuan ko ang sarili ko nasa tapat ng kwarto ni Gretell. Kakatok na dapat ako nang marinig ko s'yang umiiyak. Hindi ko pa siguro s'ya makakausap ngayon, alam ko namang galit s'ya. Hindi ko din naman s'ya masisisi kung ganon ang naramdaman n'ya, kasalanan ko din naman, ni'hindi ko s'ya naipaglaban. May nalalaman pa akong pangako hindi ko din naman natupad. Nakakahiya, parang hindi ako lalaki.

Oo na galit s'ya, pero gagawa ako ng paraan para mawala yung galit n'ya. Kahit ano pang mangyari, pangako ko 'to sa sarili ko. Nasira ko na pangako ko kay Gretell, hindi ko hahayang pati sarili ko lokohin ko pa.

"Gretell?" saka ako kumatok sa pinto n'ya.

"H'wag kang papasok!" pag-sigaw n'ya sa loob.

"Gretell, gusto lang kitang makausap." saka ko binuksan ang pinto. Kahit kelan talaga, hindi s'ya naglo-lock ng pinto.

Nakahiga s'ya kama at nakatalukbong ng kumot ng pumasok ako. Umupo ako sa galid ng kama, halata naman naramdaman n'yang naupo ako kaya umusog s'ya ng konti.

"Huy Tel! Sorry na!" pag-suyo ko sakanya. Alam ko namang hindi nito maayos ang lahat pero gusto ko talaga s'yang makausap.

"Hindi porket nagsorry ka okay na!" pag-sigaw n'ya sakin.

"Wag mo akong sigawan, Kuya mo ko." mahinahon kong sabi. Nag-iisip bata nanaman to.

"Yun nga ang masakit dun eh, Kuya kita, Kuya kita kaya hindi tama 'tong nararamdaman ko para sayo, hindi tama na mahalin kita higit pa sa pagiging kapatid mo sakin." tuloy-tuloy n'yang sabi kahit nanghihina na ang mga salita n'ya.

"Walang mali sa nararamdaman natin Gretell, mali lang ang tingin ng tao satin. Pero tayo Gretell? Walang mali satin, walang mali kung nagmamahalan tayo." Pinapalakas ko lang naman ang loob n'ya. Alam ko namang hindi 'to tama, kung ano mang nararamdaman namin ay hindi tama. 

Kahit naman hindi 'to tama, wala kaming dahilan para hindi to ipaglaban... Tama, ipaglalaban ko s'ya, sa mga magulang namin, sa buong mundo. Sa pagkakataong 'to, totoo na ang mga sinasabi ko. Hindi ko na s'ya sasaktan ulit.

"Tara na Tel?" pag-aya ko sakanya.

"Saan?" tanong n'ya sakin.

"Sa'n pa ba? Diba pangako ko sayo aalis tayo dito, yung lalayo tayo? Yung pupunta tayo sa lugar na walang makakahusga sa'tin. Yung walang taong huhusgahan tayo at sasabihing hindi 'to tama." tahimik lang s'ya pagkatapos kong sabihin 'yun.

"Ano? Sasama ka ba?" tanong ko ulit sakanya.

"Kuya kasi..." may takot sa mga mata n'ya habang nakaturo sa pintuan.

"Papa..."

End of chapter~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi 'to Tama. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon