Hindi 'to Tama. I

104 4 0
  • Dedicated kay MadeLene CCapiral
                                    

Nandito ako ngayon sa tapat ng room n'ya. Ang tagal naman nila palabasin. Kanina pa 'ko naghihintay dito ah.

 Nakaramdam ako ng gutom kaya sumaglit muna ako sa canteen para bumili ng pagkain. Bumili na rin ako ng eggpie para sakanya, paborito n’ya kasi to eh.

 Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng tumawag sakin...

 "Gretell!" sigaw ni Shai, best friend ko.

"Oh, 'kaw pala Shai. Baket?"

"Saan ka papunta?" Tanong nya sakin habang nakangiti.

“Ah, pupunta ‘ko kay Hansel, sabay kaming uuwi ngayon, lagi naman diba?” nakangiti ko ring sagot.

Pero imbis na maging masaya para sa'kin, nawala ang mga ngiti sa labi n'ya at nagsalita ulit.

 "Kung ako sayo, titigil ko na yan. Alam mong hindi tama yan. Masasaktan ka lang sa bandang dulo." malungkot na sabi nya sakin.

 “Shai, bestfriend kita, pinagkakatiwalaan kita. Alam mo lahat ng tungkol sakin, sana magtiwala ka, sana intindihin mo ako…” yan ang sagot ko sakanya.

 Naglakad na 'ko pabalik sa room n'ya, ni Hansel yung taong mahal ko. Yung taong hindi ko pwedeng mahalin, hindi tamang mahalin.

 Nakita ko s'ya, halatang irita na s'ya dahil sa dami ng taong nakapaligid sakanya. Pero nung sandaling nakita n'ya ako, may ngiting agad-agad pumorma sa mga labi n'ya. Lalong lumiliwanag ang mundo ko dahil sa mga ngiti n'yang yon.

 Dali-dali s'yang naglakad papunta sa'kin habang naka-ngiti padin. Mang sandaling nakarating na sya kung nasan ako ay inalok n'yang s'ya na lang ang magbitbit ng mga gamit ko at nagsimula na kaming maglakad.

 "Kamusta naman araw mo?| naka-ngiti n'yang tanong.

"Medyo badtrip kanina pero okay na ngayon..." tumigil ako saglit. "Kasama na kasi kita."

 Ginulo n'ya ang buhok ko saka hinawakan ang kamay ko.

 "Uwi na tayo o libot muna?" tanong n'ya.

"Hmmn, mamaya na tayo umuwi." agad ko namang sagot.

"Sige, saan mo gustong pumunta?" tanong n'ya ulit.

"Kahit saan, basta kasama kita. HAHAHAHA." 

Napansin ko namang medyo namula s'ya dahil sa sinabi ko. 

 Habang naglalakad kami nakasalubong kami ng dalawang  mag-asawang matanda na nagtitinda ng rosas. Bigla nalang inabutan ng matandang lalaki si Hansel ng rosas at saka nagsalita.

 "Ibigay mo sa nobya mo. Bagay na bagay kayong dalawa." Sabi ng matandang lalaki.

"Parang tayo lang dalawa noong kabataan natin no Arvil?" Tuwang-tuwang wika ng matandang babae.

"Pero syempre, mas maganda ka pa sakanya Aneth, hanggang ngayon naman eh." Saka parehong tumawa ang matatanda.

 Nakakatuwa silang panuorin... Sana nga maging ganyan din kami, kahit na alam naming hindi pwede dahil hindi tama...

"Salamat po; Lolo, Lola." Pagpapasalamat ko sa kanila.

Tinignan kami ng matandang babae na para bang inaaninag ang mga mukha namin. Ngumiti s'ya bago magsalita.

"Magkamukha kayo. May kasabihan dati na yung mga magkakamukha, s'yang nagkakatuluyan. Pangalagaan n'yo ang relasyon n'yong dalawa." :)

Parehas na lang kaming napangiti sa narinig. Siguro nga kaya may pagkakamukha ang mga itsura naming dalawa ay para kami sa isa't-isa. Sabay kaming nagpasalamat at nagpaalam sa mag-asawa.

Patuloy lang kami sa paglalakad. Wala 'mang magsalita sa aming dalawa ay sapat na ang mga ngiti sa aming mga labi para mapatunayan na masya kaming magkasama. Kahit na alam kong matatapos din agad to...

Narating namin ang isang park. Dito kami madalas magpunta kahit noong mga bata pa lang kami. Agad akong umupo sa swing at tinulak naman n'ya yon tulad ng lagi n'yang ginagawa. Ang saya-saya ko. Sana laging ganito.

"Sana laging ganto 'no Gretell? Sana hindi na matapos." nalungkot ako sa sinabi n'ya. Alam naming dalawa na hindi to tama pero wala kaming nagawa. Mabilis n'yang pinunasan ang mga luhang 'di ko napansing pumatak na pala. Mabilis n'yang hinalikan ang mga labi ko saka nagsalita ulit.

"Mahal kita Gretell... Gagawin ko ang lahat para lang maipaglaban ka. Alam kong tutol ang mga magulang natin kapag nalaman nila kung anong meron tayo pero..." nabasag na ang boses n'ya, umiiyak s'ya. Masakit para sa'kin ang makita s'yang ganito. "Ipaglalaban parin kita, kahit buong mundo pa ang makalaban ko. Hindi ako papayag na magkahiwalay tayo." pagpapatuloy n'ya.

Niyakap ko s'ya ng mahigpit, pumatak ang mga muha n'ya sa balikat ko. Dali-dali ko naman 'yong pinunasan. Ayokong makita s'yang ganto. 

Bigla na lang kami nakarinig ng batang babaeng umiiyak.

"Tahan na Madel, andito na si kuya oh." sabi nung isang bata, kapatid n'ya siguro.

"Akala ko kasi, iniwan mo na ko Kuya eh." iyak pa nung bata.

"Ikaw? Iiwan ko? Hindi ah! Love na love ka ni kuya!" masayang sabi nung batang lalaki.

"Salamat Kuyaaa! Love din kitaaa." :* sabay halik nito sa pisngi ng kuya n'ya.

Lumapit si Hansel sa mga bata at binigyan sila ng candy. Halata namang tuwang-tuwa yung mga bata eh. 

"Tama yan, magmahalan kayong magkapatid." narinig kong sabi n'ya sa mga bata. Tama namang magmahalan sila, h\wag lang sana katulad ng pagmamahalan namin. 

Higit limang minuto na pero hindi parin s'ya bumabalik dito. Nakatayo lang s'ya dun at nakatingin sa malayo.

Nag-ring ang cellphone ko, tumatawag si mama.

"M-mama.. Opo, kasama ko po. Sige mama, pauwi na po.."

Hindi ko napigilan ang mararamdaman ko.

Wala akong nagawa para labanan ang tadhana.

Kasalanan ba talaga magmahal para masaktan ako ng ganito?

Alam kong hindi 'to tama pero... wala akong maramdamang mali...

Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob para magsalita. Bago pa man pumatak ulit yung mga luha ko ay nakapagsalita na ako sa wakas.

"Kuya Hansel...

uwi na daw tayo sabi ni Mama..."

END OF CHAPTER.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Nagegets n'yo ba? HAHAHA. Mahina akong magdeliver eh. xP 

Hindi 'to Tama. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon