Thanks To "kring kring"

19 1 0
                                    

Kanina pa ako dito sa harap ng salamin habang pinipigilang hindi kumurap. Titig na titig ako sa sarili ko habang nakangiti Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nakikita ko, parang Hindi ako.
"Cassy! Kanina ka pa inaantay dito sa baba" narinig Kong tawag sakin ni mama.
Nag mamadali Kong dinampot yung bag ko at dire-direcho na akong bumaba.
Pag baba ko ng hagdan nakita Ko syang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at agad na lumapit sa akin. Nginitian ko sya at hinalikan sa pisngi.

Kringgg! Kringgg! Kringgg!

Hindi talaga titigil hanggat Hindi mo pinapansin.

Napabalikwas ako ng bangon.
Sinipat ko yung alarm clock na tumutunog pa rin hanggang ngayon, it's already 7:30 am. Hala sya! Nakatulog pala ako uli nung nag alarm kanina. Pangalawang alarm na toh. Patay na! sana Hindi ako ma-late.

Nag kukumahog ako sa pag kilos, mag wa-one two three na lang muna ako sa pag ligo, wala namang makakaalam eh, Bahala na.

Shit! Naman wag sana ako ma-late. Kaunting push na lang, mararating ko na rin ang area ko.

"Up! Up! Please" pahabol Kong sabi sa mga nasa loob ng elevator. At agad bumukas ang pinto. Thank God at nakasakay ako. Ilang minuto na lang, kailangan Hindi ako malate.

Nitong mga nakaraang buwan kasi perfect attendance ako No lates at wala ring absent kaya ganun na lang ang pag susumikap ko para maisalba ko itong buwan na toh.
Thanks to kringkring Hindi ako nalate,
Yeah "kringkring" ang name ng alarm clock ko. Ikaw may name ba ang alarm clock mo? :)
Anyway, I love my work, my workmates and my Big Boss.
Si Sir Fred ang President ng company kung saan ako nag tatrabaho bilang kanyang secretary, Perfect Boss talaga sya para sa akin. Mabait na Gwapo pa. Hihihi, Uy! Wag kayong mag isip ng masama ha. Kasi si Sir ay may pamilya na, sa totoo lang para ko na rin syang tatay, Hindi nya ako itinuring na Basta empleyado lang, Parang anak na rin ang Turing nya sa akin. Halos lahat kami sa department namin ay mag kakasundo. Ni minsan wala akong narinig mula sa mga katrabaho ko ng mga paninira sa pagiging close ko sa Boss namin. Pero dahil World is Not Perfect Hindi lahat ng NASA paligid ko ay Mabait meron ding Hindi, gaya na lamang ni Eunice, hmmpf wala pa naman akong naririnig na Hindi maganda mula sa kanya pero ilang beses ko na syang nahuli na inirapan ako at kung minsan naman ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Bakit kaya? Hindi ko naman masabi na insecure sya kasi mas maganda naman sya sa akin. Mas sexy pa. Take note "Mas" so ibig sabihin sexy ako. Hehehe
Bahala sya sa buhay nya Basta ako ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Period.

Let Me Think About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon