Who is He?

5 0 0
                                    

Ilang minuto o oras na ba akong nakatitig sa screen ng monitor na NASA harap ko. Kanina ko pa pilit inaalala, yung napanaginipan ko kanina. Hindi ko napagtuunan ng pansin kaninang pag gising ko dahil sa pagmamadali.
"Pst!" Nilingon ko yung Nasa likuran ko kasi doon nanggagaling yung pag sitsit at malamang sa alamang si Charm na naman ito.
"Yes? Ano iyon?" Tanong ko Kay charm
"Ang taray natin ngayon ah" natatawang sagot nito, sabay abot ng mga folder
"Mga papers yan na kailangang pirmahan ni sir Fred. Tsaka Cass aantayin ka na lang uli namin sa baba mamaya ha? Nag luto ako ng sinigang na hipon. Our favorite. Sabay kindat sa akin.
" wow! Natakam naman ako agad. charm Ikutin mo nga yung kamay ng orasan para mag break time na" di ko napigilang Hindi matawa sa sinabi. Habang iniisa-isa ang mga folders na iniabot ni Charm.
"Gaga! Kung pwede lang eh di sana kaninang pag pasok pa lang natin hinila ko na yung oras para break time na."
Natawa rin ako sa sinabi nya,
"O panu balik na ako sa area ko, Baka maabutan ako ni Sir na nakikipag tawanan at nakikipag chikahan" natatawa pa ring paalam nya.

Nasa kabilang room kasi yung area ni Charm, kaya pag lunch at uwian lang kami nag kakasama.
Nag pakabusy na ako sa trabaho hanggang sa hindi ko na namalayan na lunch break na pala, nag antay muna ako ng 5 minutes bago tumayo para mag paalam Kay sir para kumain at para yayain na rin itong kumain.
"OK Cass, thanks sa pag alok mo, but I have an appointment with my family, remember? " nakangiting turan nito.
Oo nga pala dumating ang anak nitong lalaki galing Canada , kaya may lunch ito together with his family.

Nakita nya agad sina charm at elly at ang dalawa pa nilang laging kasama kumain na sina Karen at Nica nakatayo ang mga ito sa labas ng building itsurang may inaantay .
"Bakit ngayon ka lang?" Bungad agad sa kanya ni Elly.
"Edi Wow! Parang 7 minutes lang na nalate" sabi ko na sinipat ang relo para Icheck ang oras.
"Sa susunod ayoko na malate ka uli ha?"
Pagsusungit- sungitan nito. Habang pinipigil ang tawa.
Natawa ako sa itsura nya, Hindi kasi bagay
"Eww Elly! Hindi bagay sayo. Para kang bakla, kung wala ka nga lang bigote na nagpamukhang lalaki sa'yo nag mukha ka ng bakla. Biro ko sa kanya.
" o' Tara na baka dito lang maubos yung oras natin" awat sa amin ni Nica
At nagkatawanan kaming Lima.
Habang kumakain bigla ko na namang naalala yung panaginip ko kaninang umaga.
"Guys, nanaginip ako kanina, as in kanina Hindi kagabi, ayun pa nga ata yung dahilan ng muntikan kong pagka late kanina eh" pag oopen ko sa kanila..
"O' ano namang nangyari sa panaginip mo?" Curious na tanong ni Karen sabay subo ng pagkain.
"Ayun na nga eh, Hindi ko maalala, pero parang may something, Hindi ako mapakali" sabi ko sa kanila.
"Parang na-experience ko na yan, naku girl nakakabobo pa naman yan, yun bang pilit mong inaalala pero di mo naman maalala" sabi ni Charm sa pagitan ng pag nguya.
Hindi rin sya bastos eh noh? He he
"Oo Charm, nakakabobo nga, kanina pa nga ako bobong-bobo eh kakaisip dun".
" Nic's paabot nga ng tubigan ko, bakit kaya andyan yan? "
"Yan tayo eh, ikaw nag lagay nyan dyan , akala ko nga dito ka uupo sa tabi ko kasi dito mo nilagay yan". Tukoy ni Nica sa lagayan ko ng tubig.
"Totoo nga Cass" singit ni  Elly.
"Totoo ang alin?" Di ko magets si Elly.
"Totoo nga na naBobobo ka na" si Elly na napalakas pa ang tawa na ikinatawa rin ng tatlo.
Akala mo si Elly Hindi lalake eh noh? Kung makatawa wagas.
Ang Hard nila saken eh noh?? Hindi halata. He he
"Guys ang Hard nyo sakin huh. Wag kayong mag alala Hindi ko naman nahalata eh" sarcastic Kong sabi sa kanila. Pero joke lang yung galit galitan kunwari.
"Asus! Ang Lola natin hindi na talaga mabiro." Pang aasar pa ni Elly.
"Asus! Hindi ka rin mabiro lolo, syempre joke ko lang rin yun". Nakangiting Sabi ko Kay Elly
" tanong ko lang, diba ang CHEESE maalat? " tanong ni Karen.
"Oo" Sagot ni Charm sabay tanong ng "bakit?"
"Eh bakit ang daming langgam?"si Karen uli.
" ah" mukhang nagets agad ni Charm.
"IH syimpri ang swit swit nila" pabebeng sabi ni Charm sabay turo saming dalawa ni Elly.
"Tse! Kami na naman yung nakita nyo huh." Pabiro kong sabi.
Sanay na kami sa mga ganyang Biro, lagi nila kaming pinag didiskitahan ni Elly, kasi daw bagay daw kami, inuutusan pa nga nila si Elly na ligawan ako eh kesho daw single ako at ganun din si Elly, tinatawanan na lang namin sila.

Kanina pa kami tapos kumain, meron pa kaming 25 minutes kaya nagkayayaan muna na tumambay sa gilid ng #CupCorner, store ito ng mga mamahaling inumin. Coffee, tea and juices. Dami kasing fafa na gwapo dun. At kahit alam ni Elly na ayun yung reason kung bakit gusto namin mag stay for a while dun,  Go pa rin sya.
Ang mga dakilang tambay. Hehe
Nasa gilid lang kami Hindi kami umuupo sa mga upuan sa labas baka kasi mapaorder kami ng di oras, jusme grabe ang mamahal pa naman ng mga drinks Jan. Lahat kami may pangangailangan sa pera noh.

"Bakit?" Tanong ko Kay Charm, kanina pa kasi nya ako kinakalabit.
Sinundan ko ng tingin yung itinuturo ng nguso nya.
Omeged ang gwapo naman ng fafa na toh. Akin ka na lang please, single naman ako eh, haha, nakakaloka na talaga tong mga naiisip ko.
Jeezz dadaan sa harap ----

"Ouch! Ooppss ! Sorry" di ko malaman yung sasabihin ko.
Si fafa na pogi nakatingin lang sakin, baka nagagandahan. Hehe walang kokontra.
Pag tingin ko Kayla Charm lahat sila parang nashock, habang nakatingin sa lalaki.
Ibinalik ko ang tingin ko sa gwapong nilalang na noo'y nakatingin din sa tinitingnan ng mga kasama ko.
OMG!!!!
Alert! Alert!Alert!
Anong sasabihin ko?
Kanina nung Napa "ouch" ako, itinulak ako ni Charm sa lalaking ito, napasubsob yung mukha ko sa dibdib nya kaya siguro may stain ng  lips stick yung shirt nyang puti. He's wearing a white Shirt, faded jeans na may mga punit-punit pero bagay sa kanya, kung maitim na tao ang mag susuot nito malamang mag mumukhang basurero pero dahil Maputi sya kaya bagay na bagay sa kanya. Bakit ganun? Asan ang hustisya, he he
Nakasuot sya ng sneakers na kulay red.
Umangat ang tingin ko, he has a shades on his head, na lalong nagpa gwapo sa kanya.
"Are you done?" Tanong sakin ni fafa handsome then he smirked.
Iritado ata? Sino ba naman kasi ang Hindi maiirita diba? Yari ka sakin mamaya Charm. Tsk tsk
"Ah uhhmm, sorry fa-- uh I mean mister, uh-- uh kasi nag bibiruan kami ng kaibigan ko ta----
" no need to explain, gasgas na yan, tsk tsk!" Nakangisi sabi nito. Na sinabayan pa ng pag iling.
Aba naman, Hindi porque gwapo ka aasta ka ng ganyan.
"Excuse me mister, una sa lahat sino ka? Para sabihin sakin yan? Hindi ako disperadang Babae para lang mag papansin sa feeling gwapo na mga kalalakihan gaya mo" sunod-sunod Kong sabi sa mayabang na lalaki na toh.
Ang yabang nito, aba kung kanina gwapo sya sa paningin ko, ngayon naman SHIT sya, leche leche talaga.
mas lalo syang naging gwapo ngayong nakakunot na ang noo nya. Ahahay
"Well Hindi sa akin nanggaling yan, sayo mismo" ngumisi uli ito.
Sasagot pa sana ako kaso hinila na ako nina Elly.

Let Me Think About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon